DepEd RXII SDO Kidapawan City

DepEd RXII SDO Kidapawan City

Share

Photos from DepEd RXII SDO Kidapawan City's post 18/05/2026

Paghahabi ng Titik at Kaluluwa: Sinimulan ang Unang Yugto ng Paghubog ng Ortograpiyang Ubu Monuvu sa Kidapawan

KIDAPAWAN CITY – Sa gitna ng malamig na simoy ng hangin at luntiang kapaligiran ng Paaralang Integral ng Lake Agco, nagtipon ang mga pantas, edukador, at dalubhasa mula ika-13 hanggang ika-15 ng Mayo, 2026 para sa isang makasaysayang gawain: ang Unang Yugto ng pagbuo at paghubog ng Ortograpiyang Ubu Monuvu. Ito ay hakbang na nagpapatunay na ang pag-unlad ng wika ay sabay na pagtupad sa batas at pagpangalaga sa sariling pagkakakilanlan.

Ang gawaing ito ay tuwirang isinakatuparan sa bisa ng Batas Republika 12027, ang batas na nag-uutos sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na pamunuan ang pagbuo at paglinang ng mga ortograpiya ng mga katutubong wika. Higit pa rito, binibigyang-linaw ng batas ang dalawang mahalagang tungkulin ng kagawaran: isagawa ang pagmamapa ng mga wika sa bansa, at lubusang igalang ang karapatan ng mga Katutubong Komunidad at Mamamayang Katutubo – “Indigenous Cultural Communities and Indigenous Peoples retain the right to establish and control their own educational systems according to their linguistic and cultural needs.” Ang ortograpiyang binubuo ay hindi lamang sumusunod sa pamantayan, kundi nakaugat sa sariling kagustuhan, pangangailangan, at pagkatao ng mga Ubu Monuvu.

Bilang pundasyon ng gawain, ginamit at pinalawak ang mga naunang kagamitang pampagkatuto na inilathala na ng IPEd Kidapawan City – mga materyales na binuo at pinagyaman na kasama ang Ubu Monuvu Buyyahon, ang kapulungan ng mga matatanda at tagapangalaga ng kaalaman at tradisyon ng tribo. Ito ay nagsilbing pinagsamang paghahabi ng mga dati nang karunungan at bagong pamantayan upang mabuo ang buo at maayos na balangkas kung paano isulat, basahin, at bigkasin nang tama ang wikang Ubu Monuvu.

Ang proyekto ay bunga ng matibay na pakikipagtambalan. Naging pangunahing katuwang at gabay ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), ang ahensya ng pamahalaan na itinalaga ng batas na maging tagapagtakda ng pamantayang pangwika sa buong bansa. Sa pangunguna ng pinuno nito na si Atty. Marites A. Barrios-Tarn, CPA, at sa pamamatnubay ng mga dalubhasa sa lingguwistika ng ahensya, tiniyak na ang bawat tuntunin at simbolo ay naaayon sa pambansang pamantayan habang pinapanatili ang kakaibang katangian ng wika. Katuwang din sa pagsisikap ang Pamantasan ng Timog Mindanao (University of Southern Mindanao), sa pamumuno ng Sentro ng Wika at Kultura, kasama ang iba pang sangay at indibiduwal na may wagas na pagmamahal at malasakit sa gawaing ito.

Mula sa gabay ng mga eksperto at mandato ng batas, maisakatuparan ang masusing pagsasaayos ng nilalaman sa pangunguna ng Tagapamahala ng Dibisyong Pang-Edukasyon na si Miguel S. Filialan ng SDO Kidapawan City, at ng IPEd Kidapawan na kinakatawan ni Dr. Alma M. Belarmino. Mahigpit na sinunod at inalatag ang lahat ng bahagi ng ortograpiya ayon sa pamantayang itinakda ng KWF, ngunit hindi tumigil doon ang gawain: bawat tuntunin, bawat simbolo, at bawat tuntunin sa pagbigkas ay maingat na hinubog at inangkop upang maging ganap na akma, at upang maibigay ang tumpak na timpla at orihinal na panlasa ng wikang Ubu Monuvu – mula sa puso ng komunidad, hanggang sa puso ng bawat mag-aaral na gagamit nito.

Nakaugat ang buong pagsisikap sa malalim at makabuluhang kaisipang naging gabay ng lahat ng kalahok:

"Kinohiyan kos ukitan to kotuwiggan, Kotuwiggan kos ginawa to kultura de-en kinohiyan kos od poodtu to od ingumannan to kultura."

“Wika ang duluyan ng kaalaman;
Kaalaman ang puso ng kultura;
Kaya wika ang nagdidikta ng patutunguhan ng kultura.”

Ang Ortograpiyang Ubu Monuvu ay higit pa sa isang gabay sa pagbaybay o sistema ng pagsulat. Ito ay magiging daan upang sa mga salinlahing darating, ang wika at kultura ng mga Ubu Monuvu ay manatili, yumabong, at namamayagpag. Ang bawat linyang nakasulat, bawat tuntuning itinakda, ay may haplos na gumiginhawa sa puso ng katutubong komunidad ng Kidapawan – at may hagud na nagsasabing ito ay gawa at bunga ng mga taong tunay na nagmamahal at nagpapahalaga sa pamana ng mga katutubong komunidad.
Text & Photos: Alma Belarmino, Sheila Madrinan, Melanie Tabelin

Photos from DepEd RXII SDO Kidapawan City's post 15/05/2026

May 15, 2026: Day 2 of the Summer Kids Peace Camp held at the Kidapawan City Pilot ES was filled with joyful learning, teamwork, and meaningful activities that nurtured friendship, unity, and peace among our young campers.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Kidapawan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


JP Laurel Cor. Quirino Drive, Brgy. Poblacion
Kidapawan
9400

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm