Capilla de San Isidro Labrador

Capilla de San Isidro Labrador

Share

Photos from Capilla de San Isidro Labrador's post 15/05/2021

Motorcade-Karakol sa Karangalan ng Mahal na Patron San Isidro Labrador!
Viva San Isidro Labrador!

14/05/2021

Ang altar ng mahal na Patron sa Parroquia ng Santa Maria Magdalena para sa Kapistahan bukas!
Banal na Misa :6:30 am ng umaga

Panoorin ang live ng banal na misa sa ating Page!
Viva San Isidro!

14/05/2021

IKASIYAM NA ARAW NG PAGSISIYAM
Mayo 14, 2021

PAGSISIYAM SA MAHAL NA PATRON SAN ISIDRO LABRADOR
Pintakasi ng mga Magsasaka at Patron ng Barangay Batongdalig

PAMBUNGAD NA AWIT
Awit Dalangin kay San Isidro Labrador
Likha ni: Bro. Teodoro Ricafrente Soriano

O Poong San Isidro na aming pintakasi
Pakikinig sa Misa ay ugli tuwina

Ebanghelyo ay dinggin at Ostiya ay tanggapin
Iyong ikinasiya sa banal na Misa

Hanapbuhay ay gawain ay itambal sa dalangin
At pagsamba sa Ama, Diyos na mahabagin.

Tulad mo, Oh San Isidro, makatahak nawa kami
Sa landas ni Jesukristo, ating ama.
Siya Nawa.

PANIMULA
Ang tanda ng Santa Krus, iyadya mo po kami sa mga kaaway namin, Panginoon Naming Diyos, sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Diyos Espiritu Santo, Amen.

PAGSISISI

Maawain kong Hesus, kataas-taasang Diyos Anak, na nagpakababang nanaog sa lupa at tinubos nang mahal mong dugo kaming nabawian ng biyaya't inalipin ng dimonyo dahilan sa kasalanang minana sa aming mga magulang. Sa kaibuturan ng aming mga dibdib, ay inihihiyaw namin nang boong pagtitika sa mahal mong harapan ang aming pagwawalang halaga sa itong kabutihan, ang masamang pagganti sa iyong awa at pagsuway sa iyong mga utos. Ngayong nagsisisi na kami ng kasalanan, nagmamaka-awa sa iyong habag na kami'y iyong patawarin, alang-alang sa karapatan nang iyong Inang kalinislinisan at ng lingkod mong si San Isidro. Ilingap sa amin ang mga mata mong maawain at pagkalooban kami ng iyong mahal na biyaya, na maawat kami sa kasalanang pinagkakahiratihan at ng huwag mawalay sa iyo magpakailanman.
Ipinahahayag namin na ipinagpipighating masakit ng aming puso ang pagkakasala sa kabutihan mong walang hanggan. Patibayin mo katamis-tamisang Hesus, ang aming karupukan, at huwag itakwil ang aming dalangin hinihingi sa iyo ng biyayang ikalalagi namin sa pag-ibig at paglilingkod sa iyo hanggang sa kami ay papagindapatin mong pagpalain sa kaluwalhatian doon sa Langit. Siya nawa.

PANALANGIN SA ARAW-ARAW

Makapangyarihang Diyos, Amang kataastaasan, na sa dakilang pagsinta sa amin, ay binigyan mo kami ng isang uliran at mapag-ampong Pintakasing si Isidrong Magsasaka, sa pinagkalooban mo ng mahal na biyaya na gaya ni Moises ng kapangyarihan na kahit sa lupang kapatagan ay nakapagpapabukal ng tubig sa pagtumbok lamang ng kanyang tungkod at binigyan mo namam ng malaking kasipagan na di ang lupa lamang ang pinagsumakitan niyang paganihan, kundi pati kaluluwa'y pinagpilitan ding paganihan ng magagandang gawa. Hinihingi namin sa iyo, maawaing Diyos, na alang-alang sa karapatan ng mapaghimalang Santo, ay pagkalooban mo kami ng makapangyarihang tulong, na ikawawala ng katamaran namin sa paggawa ng kabanalan at halinhan mo ng magandang kasipagan ukol sa magaling at ang pagtulad sa kanya ay masundan namin ng biyayang inagaw sa aming kasalanan. Umaasa kami Panginoong sa awa mong walang hanggan. Siya nawa.

DALIT

Dukha ka mang sinasambit lubos ang iyong pag-ibig.

Isidro'y iyong hibik kaming ampon mo't tangkilik

Madla mong kababalaghan nagbabantog, nagsasaysay na ikaw'y pinagyaman nang Diyos na kabanalan
Palibhasa'y sa pag-ibig nagniningas ang iyong dibdib.

Ang pag-ibig ay matibay nang puso mo sa maykapal, kaya hindi naagaw nang mundo't madlabg kaaway.
Inilalayan ng Langit, kaya naman di nagahis.

Uliran nang mag-asawa ikaw at si Santa Maria, na iyong kasi at sinta sa mabuting pagsasama .
Kaya nga't inyong dibdib pinag-isa ng pag-ibig.

Kailan ma'y di nalanta ang iyong pagsampalataya, gayon din sa Santa Misa pag-ibig mo'y di nagbawa.
Kaya't ang ani mo sa bukidpinakayaman ng Langit.

Magsasakang dukha ka man, tinunton mo'y kabanalan, at hindi mo sininsayan hanggang sa ikaw'y mamatay.
Mundo'y natalo't nagahis ng iyong bayaning dibdib.

Ikaw ay pinaratangan na di anhi'y nagnanakaw, nguni't ipinagtangkakal ikaw ng Poing Maykapal.
Di itinulot ng langit na ang puri mo'y maamis.

Sa tao't libo'y laganap ang awa mong walang likat, kaya ampunan ang tawag sa iyo nang mahihirap.
Sapagka't di ka nagkait sa abang sa iyo'y lumapit.

Bata't matandang may damdam na sakit, kung nagsasakdal sa iyo'y nasusundan ang madlang kababalaghan.
Hindi mo pinaaalis, hanggang di maligtas sa sakit.

Iting nobenang hayin nang pamimintakasi namin, iyong papagindapating pakinggan at tanggapin.
Tingni't hayin nang pag-ibig at sa iyo'y pananalig.

Dukha ka mang masasambit lubos ang iyong pag-ibig.

IKA SIYAM NA ARAW
Oh mapalad na Pintakasi naming poong San Isidro; ngayong sumasalangit ka na, at diya'y ang nakakatulad mo'y astrong nagniningning sa harapan ng Diyos: at dito sa mundo'y ang iniwan mong bangkay linoob ng Langit na hindi masira, at nang aming matanto ang mataas na kaluwalhatiang iginanti sa Iyo ng Diyos: nauukol ngayon iyong lingapin itong matapos naming pagsisiyam na pinag-ukulan ng aming pamimintakasi sa iyo at umaasa kami na pagpapalain mo ang aming karaingan. Sa dakila mong pag-ibig at pagpapala na namimintakasi sa iyo'y nananalig kaming di mo kami hahabagin, kaya humahandog kami sa iyong ipamimintakasi sa Diyos na Panginoon, at papagkamtin ng boong ika-gagaling ng aming kaluluwa't katawan, at sa oras ng aming kamataya'y dadalawin mo kami at ng marapat masama sa iyo magpasawalang katapusan. Siya nawa.

Magdasal ng 3 Ama Namin, 3 Aba Ginoong Maria at 3 Gloria Patri, na ihandog sa kabanalan ni San Isidro Labrador

ANTIPONA
Lumabas at nagsabog nang binhi ang manananim. Ang butil na pagtamnan sa mabuting lupa ay pinag-anihan ng boong pananagana.

V. Ipinatnugot nang mahal na Panginoon ang banal sa matuwid na landas.

R. At ipakita sa kanya ang kaharian ng Diyos na mataas.

PANALANGIN
Isinasamo namin sa iyo, maawaing Diyos na Panginoon namin, na alang-alang sa pamimintakasi sa iyo ni San Isidrong Magsasaka, ay huwag mong itulot kami sa kapalaluan; kundi alang-alang sa mga karapatan at magagandang halimbawang iniwan niya sa amin ay makapag lingkod sa iyo ng lubos na kapakumbabaan. Alang alang sa kamahal-mahalan mong Anak na si Hesukristong Panginoon namin, na nabubuhay at nakikipaghari sa iyo magparating man saan. Siya nawa.

PANALANGIN KAY SAN ISIDRO LABRADOR
O San Isidro Labrador, patron ng aming sambayanan, ugali mong simulan ang bawat araw na kaloob ng Diyos sa pakiki-isa sa Banal na Misa. Ikinatuwa mong makinig sa Salita ng Diyos at tanggapin ang Katawan ni Kristo. Malalim ang iyong paniniwala na dapat itambal ang gawain at paghahanap-buhay sa panalangin at pagsamba sa Diyos. Hinihiling namin kami'y ipagkamit mo ng biyayang ito... (Banggitin ang mga kahilingan) Nais naming makatahak kami, tulad mo, sa landas ni Jesu-Kristo na tapat mong pinaglilingkuran sa araw-araw ng iyong buhay. Purihin nawa, ang Diyos sa piling ng kanyang mga banal. Amen.

Mahal na Patrong San Isidro Labrador, Ipanalangin mo kami!

Imprimatur:
H.E. Luis Antonio G. Cardinal Tagle, DD, STD

PANGWAKAS NA AWIT
O Poong San Isidro
Likha ni: +Sis. Estelita Ricafrente Familar

O Poong San Isidro, na aming sinisinta.
Dakilang pintakasi ng mga magsasaka.
Loob mo ay mababa, malinis ang konsensiya.
Kahit kana hamakin, ay ‘di mo alintana.

Koro I
Dakilang Patron namin, kami’y subaybayan.
Ang aming munting nayon, ay huwag pabayaan.

Kaming mga anak mo’y nasa iyong harapan.
Kami’y dumadalangin, sana’y iyong pakinggan.
Sana’y iyong marapatin, itong aming iniaalay.
Kamiy pagkalooban, magandang kapalaran.

Koro II
Sa paglakad po namin, kami’y bendisyunan
‘Di ka namin malilimot, habang kami’y nabubuhay.

WAKAS

12/05/2021

IKAPITONG ARAW NG PAGSISIYAM
Mayo 12, 2021

PAGSISIYAM SA MAHAL NA PATRON SAN ISIDRO LABRADOR
Pintakasi ng mga Magsasaka at Patron ng Barangay Batongdalig

PAMBUNGAD NA AWIT
Awit Dalangin kay San Isidro Labrador
Likha ni: Bro. Teodoro Ricafrente Soriano

O Poong San Isidro na aming pintakasi
Pakikinig sa Misa ay ugli tuwina

Ebanghelyo ay dinggin at Ostiya ay tanggapin
Iyong ikinasiya sa banal na Misa

Hanapbuhay ay gawain ay itambal sa dalangin
At pagsamba sa Ama, Diyos na mahabagin.

Tulad mo, Oh San Isidro, makatahak nawa kami
Sa landas ni Jesukristo, ating ama.
Siya Nawa.

PANIMULA
Ang tanda ng Santa Krus, iyadya mo po kami sa mga kaaway namin, Panginoon Naming Diyos, sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Diyos Espiritu Santo, Amen.

PAGSISISI

Maawain kong Hesus, kataas-taasang Diyos Anak, na nagpakababang nanaog sa lupa at tinubos nang mahal mong dugo kaming nabawian ng biyaya't inalipin ng dimonyo dahilan sa kasalanang minana sa aming mga magulang. Sa kaibuturan ng aming mga dibdib, ay inihihiyaw namin nang boong pagtitika sa mahal mong harapan ang aming pagwawalang halaga sa itong kabutihan, ang masamang pagganti sa iyong awa at pagsuway sa iyong mga utos. Ngayong nagsisisi na kami ng kasalanan, nagmamaka-awa sa iyong habag na kami'y iyong patawarin, alang-alang sa karapatan nang iyong Inang kalinislinisan at ng lingkod mong si San Isidro. Ilingap sa amin ang mga mata mong maawain at pagkalooban kami ng iyong mahal na biyaya, na maawat kami sa kasalanang pinagkakahiratihan at ng huwag mawalay sa iyo magpakailanman.
Ipinahahayag namin na ipinagpipighating masakit ng aming puso ang pagkakasala sa kabutihan mong walang hanggan. Patibayin mo katamis-tamisang Hesus, ang aming karupukan, at huwag itakwil ang aming dalangin hinihingi sa iyo ng biyayang ikalalagi namin sa pag-ibig at paglilingkod sa iyo hanggang sa kami ay papagindapatin mong pagpalain sa kaluwalhatian doon sa Langit. Siya nawa.

PANALANGIN SA ARAW-ARAW

Makapangyarihang Diyos, Amang kataastaasan, na sa dakilang pagsinta sa amin, ay binigyan mo kami ng isang uliran at mapag-ampong Pintakasing si Isidrong Magsasaka, sa pinagkalooban mo ng mahal na biyaya na gaya ni Moises ng kapangyarihan na kahit sa lupang kapatagan ay nakapagpapabukal ng tubig sa pagtumbok lamang ng kanyang tungkod at binigyan mo namam ng malaking kasipagan na di ang lupa lamang ang pinagsumakitan niyang paganihan, kundi pati kaluluwa'y pinagpilitan ding paganihan ng magagandang gawa. Hinihingi namin sa iyo, maawaing Diyos, na alang-alang sa karapatan ng mapaghimalang Santo, ay pagkalooban mo kami ng makapangyarihang tulong, na ikawawala ng katamaran namin sa paggawa ng kabanalan at halinhan mo ng magandang kasipagan ukol sa magaling at ang pagtulad sa kanya ay masundan namin ng biyayang inagaw sa aming kasalanan. Umaasa kami Panginoong sa awa mong walang hanggan. Siya nawa.

DALIT

Dukha ka mang sinasambit lubos ang iyong pag-ibig.

Isidro'y iyong hibik kaming ampon mo't tangkilik

Madla mong kababalaghan nagbabantog, nagsasaysay na ikaw'y pinagyaman nang Diyos na kabanalan
Palibhasa'y sa pag-ibig nagniningas ang iyong dibdib.

Isidro'y iyong hibik kaming ampon mo't tangkilik

Ang pag-ibig ay matibay nang puso mo sa maykapal, kaya hindi naagaw nang mundo't madlabg kaaway.
Inilalayan ng Langit, kaya naman di nagahis.

Isidro'y iyong hibik kaming ampon mo't tangkilik

Uliran nang mag-asawa ikaw at si Santa Maria, na iyong kasi at sinta sa mabuting pagsasama .
Kaya nga't inyong dibdib pinag-isa ng pag-ibig.

Isidro'y iyong hibik kaming ampon mo't tangkilik

Kailan ma'y di nalanta ang iyong pagsampalataya, gayon din sa Santa Misa pag-ibig mo'y di nagbawa.
Kaya't ang ani mo sa bukidpinakayaman ng Langit.

Isidro'y iyong hibik kaming ampon mo't tangkilik

Magsasakang dukha ka man, tinunton mo'y kabanalan, at hindi mo sininsayan hanggang sa ikaw'y mamatay.
Mundo'y natalo't nagahis ng iyong bayaning dibdib.

Isidro'y iyong hibik kaming ampon mo't tangkilik

Ikaw ay pinaratangan na di anhi'y nagnanakaw, nguni't ipinagtangkakal ikaw ng Poing Maykapal.
Di itinulot ng langit na ang puri mo'y maamis.

Isidro'y iyong hibik kaming ampon mo't tangkilik
Sa tao't libo'y laganap ang awa mong walang likat, kaya ampunan ang tawag sa iyo nang mahihirap.
Sapagka't di ka nagkait sa abang sa iyo'y lumapit.

Isidro'y iyong hibik kaming ampon mo't tangkilik

Bata't matandang may damdam na sakit, kung nagsasakdal sa iyo'y nasusundan ang madlang kababalaghan.
Hindi mo pinaaalis, hanggang di maligtas sa sakit.

Isidro'y iyong hibik kaming ampon mo't tangkilik

Iting nobenang hayin nang pamimintakasi namin, iyong papagindapating pakinggan at tanggapin.
Tingni't hayin nang pag-ibig at sa iyo'y pananalig.

Isidro'y iyong hibik kaming ampon mo't tangkilik

Dukha ka mang masasambit lubos ang iyong pag-ibig.

Isidro'y iyong hibik kaming ampon mo't tangkilik

IKAPITONG ARAW
Oh masunurin lingkod ni Hesus at pintakasi naming poong San Isidro! Sa iyong pananalig sa Diyos at sa pagsasakit mo sa paggawa ng kabanalan ay di naman ikinait ng makapangyarihang kamay ng Diyos ang pagtulong sa iyo, kaya hanggang nawiwili ka sa magandang gawa sa mga simbahan ay nagsisipanaog ang mga anghel at siyang sumasaka ng lupang binabagbag mo; ano pa nga't sa matibay mong pananalig sa Diyos ay ginaganti ka ng masaganang-aani, na hinagangaan ng iyong mga kababayan, kaya sayong pag-aampon sa mga magsasaka, ay umaasa sila na inihihingi mo sa Diyos ng masaganang pag-aani. Sa bagay na ito'y papagindapatin mo naman kami na papagkamtin sa Diyos ng grasia ng kasipagan, ng di ang pagsikapan lamang namin ay ang ani sa lupa, kung di sampo ng magandang gawaing ipagkakamit ng kaluwalhatian. Kami'y papagkamtin mo naman ng awang hinihingi naming bukod sa Pagsisiyam na ito, kung naaayon sa kalooban ng Diyos. Siya nawa.

Magdasal ng 3 Ama Namin, 3 Aba Ginoong Maria at 3 Gloria Patri, na ihandog sa kabanalan ni San Isidro Labrador

ANTIPONA
Lumabas at nagsabog nang binhi ang manananim. Ang butil na pagtamnan sa mabuting lupa ay pinag-anihan ng boong pananagana.

V. Ipinatnugot nang mahal na Panginoon ang banal sa matuwid na landas.

R. At ipakita sa kanya ang kaharian ng Diyos na mataas.

PANALANGIN
Isinasamo namin sa iyo, maawaing Diyos na Panginoon namin, na alang-alang sa pamimintakasi sa iyo ni San Isidrong Magsasaka, ay huwag mong itulot kami sa kapalaluan; kundi alang-alang sa mga karapatan at magagandang halimbawang iniwan niya sa amin ay makapag lingkod sa iyo ng lubos na kapakumbabaan. Alang alang sa kamahal-mahalan mong Anak na si Hesukristong Panginoon namin, na nabubuhay at nakikipaghari sa iyo magparating man saan. Siya nawa.

PANALANGIN KAY SAN ISIDRO LABRADOR
O San Isidro Labrador, patron ng aming sambayanan, ugali mong simulan ang bawat araw na kaloob ng Diyos sa pakiki-isa sa Banal na Misa. Ikinatuwa mong makinig sa Salita ng Diyos at tanggapin ang Katawan ni Kristo. Malalim ang iyong paniniwala na dapat itambal ang gawain at paghahanap-buhay sa panalangin at pagsamba sa Diyos. Hinihiling namin kami'y ipagkamit mo ng biyayang ito... (Banggitin ang mga kahilingan) Nais naming makatahak kami, tulad mo, sa landas ni Jesu-Kristo na tapat mong pinaglilingkuran sa araw-araw ng iyong buhay. Purihin nawa, ang Diyos sa piling ng kanyang mga banal. Amen.

Mahal na Patrong San Isidro Labrador, Ipanalangin mo kami!

Imprimatur:
H.E. Luis Antonio G. Cardinal Tagle, DD, STD

PANGWAKAS NA AWIT
O Poong San Isidro
Likha ni: +Sis. Estelita Ricafrente Familar

O Poong San Isidro, na aming sinisinta.
Dakilang pintakasi ng mga magsasaka.
Loob mo ay mababa, malinis ang konsensiya.
Kahit kana hamakin, ay ‘di mo alintana.

Koro I
Dakilang Patron namin, kami’y subaybayan.
Ang aming munting nayon, ay huwag pabayaan.

Kaming mga anak mo’y nasa iyong harapan.
Kami’y dumadalangin, sana’y iyong pakinggan.
Sana’y iyong marapatin, itong aming iniaalay.
Kamiy pagkalooban, magandang kapalaran.

Koro II
Sa paglakad po namin, kami’y bendisyunan
‘Di ka namin malilimot, habang kami’y nabubuhay.

WAKAS

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Kawit?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Culinary Team

Attire

Website

Address

Kawit, Calabarzon, Philippines
Kawit
4104