DepEd RXII Lower Paatan Elementary School

DepEd RXII Lower Paatan Elementary School

Share

Photos from Joseph Photography's post 01/04/2026
26/03/2026

ANUNSYO: SOSA 2026

Magandang araw!

Ipinapaalam sa lahat na ang Lower Paatan Elementary School ay magsasagawa ng State of the School Address (SOSA) bilang pagtatapos ng Taong Panuruan 2025–2026. Layunin nitong maibahagi ang mga naging tagumpay, programa, at kabuuang ulat ng paaralan sa nagdaang taon.

Kaugnay nito, malugod naming inaanyayahan ang mga magulang, mga opisyal ng SPTA, mga opisyal ng BLGU, at mga g**o na dumalo sa mahalagang gawaing ito. Ang inyong presensya ay mahalaga upang mapagtibay ang ugnayan ng paaralan at komunidad para sa patuloy na pag-unlad ng ating mga mag-aaral.

Date: March 27, 2026
Time: 8:00 A.M.
Venue: Lower Paatan Elementary School

Photos from DepEd RXII Lower Paatan Elementary School's post 24/03/2026

Tagumpay ng Aral Program S.Y. 2025-2026

Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang programa ng ARAL (Academic Reinforcement of All Learners) na dinaluhan ng mga magulang ng ating ARAL learners, kasama si Hon. Baltazar M. Carigay (Committee on Education) at ang SPTA President. Naging makabuluhan ang programa sa pamamagitan ng pagbubukas nito sa panalangin nina Cris C. Delos Santos para sa Christian Prayer at McArthur K. Angkil para sa Muslim Prayer, sinundan ng Welcome Remarks ni Wilgina E. Graza. Ipinakita ni Aladen M. Balatokay ang Presentation of ARAL Learners at pinagtibay naman ito ni Rodelyn C. Martin, P-I. Nagkaroon din ng Giving of Awards at isang makabuluhang Inspirational Message mula kay Rodelyn C. Martin, P-I. Tampok din ang Reading Session ng ARAL Basic at ARAL Plus, at nagtapos ang programa sa Closing Remarks ni Ruel D. Panaguiton. Lubos ang aming pasasalamat sa suporta ng mga magulang at ng komunidad. Ang buong programa ay naging matiwasay at matagumpay, patunay ng pagkakaisa at dedikasyon ng bawat isa.

Want your school to be the top-listed School/college in Kabacan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address


Lower Paatan
Kabacan
9407

Opening Hours

Monday 7am - 8pm
Tuesday 7am - 8pm
Wednesday 7am - 8pm
Thursday 7am - 8pm
Friday 7am - 8pm