The Clover

The Clover

Share

Photos from The Clover's post 25/10/2025

๐†๐ฎ๐ ๐ฆ๐š ๐Œ๐ž๐๐ข๐œ๐š๐ฅ-๐ƒ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐Œ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฌ๐š ๐‰๐š๐ฆ๐ข๐ง๐๐š๐ง

๐‰๐š๐ฆ๐ข๐ง๐๐š๐ง, ๐‚๐š๐ฉ๐ข๐ณโ€” Nagbigay-buhay sa apat na barangayโ€”Lucero, Pasol-o, Igang, at Agbun-odโ€”ang libreng serbisyong medikal at dental na hatid ng Gugma Medical-Dental Mission na isinagawa noong Oktubre 23 sa Lucero National High School, Jamindan.

Pinangunahan ang programa nina Capiz Provincial Governor Fredenil โ€œOtoโ€ H. Castro at Municipal Mayor Donnah T. Valdemar, katuwang ang Punongg**o ng Lucero National High School na si Dr. Fatima L. Escuton, Barangay Captain Analie V. Benedicto, at Municipal Administrator Mac Artur L. Valdemar. Dumalo rin ang iba pang opisyal mula sa munisipyo, barangay, at Sangguniang Panlalawigan ng Capiz.

Bilang pagsalubong, naghanda ng maikling programa ang Local Government Unit ng Jamindan upang ipakita ang mainit na pagtanggap sa mga opisyal at mamamayang dumalo para sa libreng serbisyong pampubliko mula sa pamahalaan.

Ayon kay Municipal Administrator Valdemar, mahalagang samantalahin ng mga mamamayan ang ganitong mga oportunidad mula sa ahensiya ng gobyerno upang makakuha ng libreng serbisyong medical at iba pang tulong pangkabuhayan.

Kabilang sa mga serbisyong medikal na ibinigay ng Rural Health Unit (RHU) at Provincial Health Office (PHO) ang:
โ€ข Medical check-up
โ€ข Pagtutuli
โ€ข Serbisyong dental
โ€ข HIV screening
โ€ข Pamimigay ng libreng gamot
โ€ข Symposium sa dengue prevention at family planning

Bukod sa medikal, may iba pang serbisyong makatao gaya ng:
โ€ข Feeding program
โ€ข Livelihood support
โ€ข Libreng gupit
โ€ข Appliance repair mula sa 3rd Signal Battalion PA, PNP Jamindan, at 3FAB AAR PA
โ€ข Registration at profiling services (PhilHealth, PhilSys National ID, COMELEC)
โ€ข Legal advice mula sa PAO

Nagbigay rin ng tulong ang mga ahensyang pang-agrikultura at pangkalikasan sa pamamagitan ng:
โ€ข Pamamahagi ng binhi at panlaban sa daga
โ€ข Anti-rabies vaccination
โ€ข Poultry at farm insurance
โ€ข Konsultasyon sa pagsasaka at pag-aalaga ng hayop
โ€ข IEC sa environmental safety at management
โ€ข Palit-Basura Program ng MENRO at Department of Agriculture.

โ€œTaos-puso ang aming pasasalamat sa programang ito ng ating Gobernador at ng ating LGU sapagkat napakalaking tulong nito lalo na sa mga mamamayan at mga estudyanteng walang kakayahang pumunta sa mga ospital, health center at iba pang ahensiya ng gobyerno dahil sa kakulangan sa peraโ€, saad ni Christopher E. Maximo, isa sa mga benepisyaryo.

Sa pagtatapos ng programa, dama ang pag-asa sa mata ng bawat dumalo. Hindi ito basta proyekto lamang, kundi isang konkretong hakbang tungo sa pantay, tapat, at inklusibong serbisyong matagal nang inaasam ng lipunan.

โœ๐Ÿป: ๐‚๐ณ๐ž๐ฅ๐ฅ๐ž๐š๐ง ๐‚๐š๐ซ๐š๐ง๐ณ๐š

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Jamindan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Jamindan