Kabataan Partylist - Intramuros
18/10/2022
TIGNAN: Ngayong umaga, ika-18 ng Oktubre ay nagkasa ng lightning rally ang iba't ibang grupo ng kabataan sa harap ng Mendiola Peace Arch.
Sa paggunita ng buwan ng mga Pesante ang pangunahing bitbit na panawagan ay ang agarang aksyon para sa tunay na repormang agraryo at konkretong pagtugon sa krisis pang-agrikultura.
18/09/2022
Limampung taon na ang nakalipas mula idineklara ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr. ang batas militar. Sa ika-limang dekada ng pag-aalala natin sa pinaka madilim na bahagi ng kasaysayan ng ating bansa, inaalala natin ang katapangan ng mamamayang Pilipino na lumaban para sa kanilang demokratikong karapatan at kalayaan.
Ngayon na nakapanumbalik ang mga Marcos sa kapangyarihan, bitbit nila ang huwad na mga pangako at pagpapatuloy ng mga pahirap na patakaran habang ginagamit ang ninakaw nilang kapangyarihan para baluktutin ang kasaysayan at subukang isalba ang kanilang sarili.
Kaya sa darating na September 21, aramado ng mga alala ng nakaraan, tinatawag ng kasalukuyang pangyayari na paigtingin ang diwa ng paglaban sa papet, pahirap, pasista, at ilehitimong rehimeng US-Marcos II!
Never Again! Never Forget! No to Historical Distortion!
Ipaglaban ang budget para sa serbisyo at karapatan, hindi sa pasismo at korapsyon!
No to Mandatory ROTC! Defend Academic Freedom!
Itakwil ang ilehitimong rehimeng US-Marcos II!
SUMAMA SA PAGKILOS SA SEPTEMBER 21!
2PM - Youth Assembly at Commission on Human Rights
2PM-2:30PM - Study Circles
2:30-3:00PM - Youth Program
3:15PM - March to UP Diliman
4-7PM - Cultural Program
26/08/2022
Ipasa ang Safe School Reopening Bill at Student Aid Bill!
Nitong lunes lamang ay ibinuksan na ang paaralan para salubungin ang mga mag-aaral na 2 taong naantala ang pagkatuto gawa ng lumalalang krisis ng pandemya. Matatandaan na ang 2 taong online mode na pag-aaral ay nakapag-dulot din ng kaliwa’t kanang problemang pinansyal partikular na sa mga magulang. Dagdag ding bigat nito ang sunod-sunod na pagsirit ng mga pangunahing bilihin na nagpahirap lalo sa ordinaryong mamamayan.
Sa pagbubukas ng paaralan mahalagang siguraduhin ng pamahalaan na magagampanan nito ang pangangailangan ng mga magulang at estudyante. Bagama’t Face-to-face na klase na ang moda ng pagkatututo ay hindi pa rin maitatanggi na kaakibat nito ay ang panibagong gastos para sa pagnangailangan ng mga estudyante gayoon na rin pagtuloy ng banta sa kalusugan ng COVID-19 virus o mapa-Monkey pox man.
Kaya ang pangunahing sigaw ng Kabataan ay: Ipasa ang Safe School Reopening Bill and Student Aid Bill! Ang Kabataan Partylist-Intramuros ay kaisang nanawagan na ipasa na ang House Bill 251 o Safe School Reopening Bill at House Bill 252 o Student Aid Bill na naglalayong makamit ang pagbibigay ng suportang pinansyal sa mga estudyante at magagarantisa na ang kalusugan ng mga mag-aaral at kaguruan ay ligtas sa loob ng mga paaralan.
Kung talagang nais ng rehimeng Marcos-Duterte na umunlad ang pamumuhay ng mamamayang Pilipino ay karapatdapat lamang na magsimula ito sa pagpapabuti ng ating Edukasyon. Pondohan ang mga paaralan, bigyan ng sapat na benepisyo ang sangkaguruan at mga estudyante!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Address
Intramuros