Ronald TAOYU Yu
19/03/2026
📣📣📣
MAGBABALIK INFANTA ANG QUEZON HUSKERS para sa KABATAANG INFANTAHIN!
Katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta, maghahandog ng Basketball Clinic sa mga Kabataang Infantahin sa darating na Linggo March 22, 2026 at makakasama naman sa Share to Inspire program ng Lokal na Pamahalaan sa Lunes (March 23) sa Flag Ceremony sa Plaza. PAREHAS NA BUKAS PO ITO
PARA SA LAHAT NG ATING KABABAYAN
Pero BAGO yan, sama-sama muna natin silang suportahan mamaya sa MPBL PRE-SEASON SEMI-FINALS! 5:00PM kalaban ang Batangas Team
12/03/2026
MAWALANG GALANG NA DPWH AT CONTRACTOR NITO!
HINDI KATANGGAP-TANGGAP at HINDI KO PALALAMPASIN ang kawalan ng Koordinasyon at Respeto sa Lokal na Pamahalaan at Barangay sa basta na lamang pagsira ng Maayos na Kalsada ng National Highway na Nagdulot ng MATINDING TRAPIKO AT MALAKING ABALA SA MGA MAMAMAYAN!
WALANG Malinaw na Traffic Impact Assessment at alternate Route Plan, WALANG DETALYE NG KONSTRAKSYON, WALANG PABATID, WALANG PAKIKIPAG-UGNAYAN! WALANG GALANG!
Sa halip na ang sira-sirang kalsada sa Banugao-General Nakar Road ang unahan na meron din naman budget ng 2025 na hindi naman inimplement, at meron din budget ngayong 2026 na hindi pa rin ninyo nabibidding, yung MAAYOS pang KALSADA ang SINIRA! Hinarangan pa Ang direktang DAAN papunta sa Government Service Complex! Kung saan nandoon ang Municipal Police Station, Ginagawang Bagong Munisipyo, pansamantalang motorpool ng Mga Heavy Equipment ng Lokal na Pamahalaan, Shared Service Facility at iba pa!
Kaya Agad natin ITO PINAHINTO! Matapos na maireport sa akin At AGAD NA pinatawag ang mga gumagawa nito para harapin ang mga paglabag Sang-ayon sa Local Government Code at mga Ordinansang Umiiral sa Lokal na Pamahalaan. HINDI DAHIL NAKASANAYAN AY UULIT-ULITIN GAWIN! MAHIYA NAMAN KAYO!
12/03/2026
12/03/2026
Pinangunahan ni Mayor L.A. Ruanto ang paglagda sa isang Memorandum of Agreement para sa pormal na paglulunsad ng Eco-Resiklo Program sa bayan ng Infanta, Quezon.
Layunin ng inisyatibang ito ni Mayor Ruanto na mahikayat ang mga kabataan na maging responsable sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng tamang paghihiwalay at pagkolekta ng mga recyclable na basura mula sa kanilang mga tahanan. Ang mga nakolektang basura ay dadalhin sa mga paaralan tuwing itinakdang Eco-Days at itatala sa kanilang Eco-Savers Passbook.
Ang mga naipong puntos mula rito ay maaaring ipalit sa mga Groceries o School Supplies. Binigyang-diin ni Mayor Ruanto na ang programang ito ay isang mahalagang hakbang upang hubugin ang disiplina ng mga kabataan sa murang edad tungo sa mas malinis at luntiang Infanta. Inaasahan din na higit pang mapapalakas ng inisyatibang ito ang Eco-Savers Program ng lokal na pamahalaan.
11/03/2026
03/02/2026
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Poblacion 1
Infanta