Ang Bunsol

Ang Bunsol

Share

Photos from Ang Bunsol's post 01/04/2026

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | ๐‘๐ˆ๐“๐Ž ๐๐† ๐๐€๐†๐‡๐€๐Š๐๐€๐๐† ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”: ๐Ÿ”๐Ÿ—๐Ÿ’ ๐†๐ซ๐š๐๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ž๐ญ๐ž๐ซ๐ฌ, ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐’๐ž๐ซ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ค๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ž๐ญ๐จ ๐ฌ๐š ๐‰๐‡๐’

Iginawad nitong ika-30 ng Marso 2026 ang Katibayan ng Paghakbang ng 694 na mga mag-aaral mula sa Baitang 10 na matagumpay na nakatupad sa mga kahingian ng JHS kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang paggawad ay pinangunahan ni Gng. Luzviminda T. Buerano, Tagamasid Pampurok ng Infanta, katuwang si Dr. Reynaldo V. Nanong, Punongg**o IV ng paaralan.

Isinagawa ang seremonya sa ilalim ng temang โ€œPilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao,โ€ na naglalayong ihanda ang mga mag-aaral sa susunod na yugto ng kanilang pag-aaral sa Senior High School.

Sa pagbubukas ng programa, nagbigay ng bating pagtanggap si Neiah Marthea C. Villanueva, May Pinakamataas na Karangalan. Binigyang-diin niya sa kanyang mensahe na, โ€œAng pagtatapos ay hindi lamang pagtatapos ng isang yugto, kundi pagsilang ng panibagong pananagutan.โ€ Dagdag pa niya, โ€œSa pagtapak natin sa senior high school, nawaโ€™y baon natin ang disiplina, katatagan, at paniniwala sa sarili. Higit sa lahat, maging handa tayong isabuhay ang diwa ng ating temaโ€”ang mamuno nang may kakayahan at mabuting pagkatao.โ€

Samantala, ibinahagi ni Maja Gabrielle P. Lopez, na nagtamo ng pinakamataas na karangalan, ang kanyang mensahe ng pasasalamat sa mga g**o, kaklase, pamilya, at paaralan. Ayon sa kanya, โ€œHindi tyamba o coincidence ang daloy o pangyayari sa buhay. Lahat ng pagod, puyat, at cramming ay may patutunguhan,โ€ na aniyaโ€™y magsisilbing puhunan sa susunod na kabanata ng buhay.

Nagbigay naman ng inspirasyon ang panauhing tagapagsalita na si Architect John Paul M. De Guzman. Ipinaunawa niya sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagiging mabuti, may nakakakita man o wala. Aniya, โ€œAng tunay na tapang ay hindi laging nananalo kundi kayang tumayo kahit natalo. Ang tunay na panalo ay taong natututo saka nagbabago.โ€ Dagdag pa niya, may mga pagkakataong hindi naibibigay ang mga bagay kahit pinaghirapan, sapagkat hindi ito nakalaan para sa isang tao. Bilang pangwakas, iniwan niya ang mensaheng, โ€œAng tunay na lider ay hindi namumuno para sa kung ano ang mailalagay niya sa kanyang kamay bagkus ay kung ano ang maibibigay niya mula sa kanyang kamay.โ€

Sa mensahe naman ni Gng. Julieta R. Leynes, Parent-Head ng Baitang 10, kanyang binigyang-diin na, โ€œAng tunay na lider ay hindi lamang matalino kundi may malasakit, may paninindigan at kakayahang magbigay ng inspirasyon sa kanyang kapwa.โ€ Dagdag pa niya, โ€œSa huli ang tunay na sukatan ng tagumpay ay hindi lamang kung ano ang karangalang iyong natamo bagkus ay kung sino ka bilang isang tao.โ€

Bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa paghubog ng mga mag-aaral, ginawaran din ng parangal ang mga g**ong tagapayo ng bawat pangkat sa Baitang 10 bago ang resesyonal na bahagi ng programa.

Sinalamin ng rito ng paghakbang ang isang makabuluhang pagdiriwang ng tagumpay at panibagong pag-asa, hudyat ng paghahanda ng mga mag-aaral sa mas mataas na antas ng kanilang edukasyon at sa hamon ng pagiging responsableng mamamayan.

โœ๏ธEmmanuel T. Morada
๐Ÿ“ธ Algenius A. Leynes

Photos from Ang Bunsol's post 31/03/2026

Sa isinagawang Rito ng Pagtuklas 2026 nitong ika-31 ng Marso, buong dangal na nagmartsa sa isang makabuluhang prosesyonal ang mga nagsipagtapos ng SHS (PM Shift) kasama ang kanilang mga magulang, kaguruan, kawani ng paaralan, at mga panauhin bilang pagdiriwang ng kanilang tagumpay at paghakbang tungo sa bagong yugto ng kanilang paglalakbay.



๐Ÿ“ท G. Emmanuel T. Morada

Photos from Ang Bunsol's post 31/03/2026

Isinagawa ang pagtatalaga ng mga bagong kasapi ng INHS Alumni Association para sa mga nagsipagtapos ng SHS sa pangunguna ni Engr. Delsy J. Revellame, Alumni President, sa ginanap na Rito ng Pagtuklas 2026 nitong ika-31 ng Marso 2026 bilang simbolo ng kanilang patuloy na ugnayan sa paaralan.



๐Ÿ“ท G. Emmanuel T. Morada

Photos from Ang Bunsol's post 31/03/2026

Sa isinagawang Rito ng Pagtuklas 2026 nitong ika-31 ng Marso, buong dangal na nagmartsa sa isang makabuluhang prosesyonal ang mga nagsipagtapos ng SHS (AM Shift) kasama ang kanilang mga magulang, kaguruan, kawani ng paaralan, at mga panauhin bilang pagdiriwang ng kanilang tagumpay at pagtuklas tungo sa bagong yugto ng kanilang paglalakbay.



๐Ÿ“ท G. Emmanuel T. Morada

Want your business to be the top-listed Media Company in Infanta?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


V. Ruanto Street, Brgy. Miswa
Infanta
4336