Anakbayan Cavite State University

Anakbayan Cavite State University

Share

Photos from Anakbayan Cavite State University's post 04/05/2026

๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ง๐—จ๐—ก๐—š๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก: ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—ž๐—ข๐—ง ๐—ก๐—” ๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—š๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—˜๐— ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—จ๐— ๐—”๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก! โœŠโค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ

Nagliliyab ang galit ng hanay ng kabsuhenyo noong ๐€๐›๐ซ๐ข๐ฅ ๐Ÿ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” upang isulong ang ๐Š๐š๐›๐ฌ๐ฎ๐ก๐ž๐ง๐ฒ๐จ'๐ฌ ๐ƒ๐š๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐€๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง sa tapat ng Laya't Diwa. Tahasan nitong inirehistro ang mga panawagan na wakasan ang red-tagging sa mga progresibong lider estudyante at mga pangmasang organisasyong naninidigan para sa kapakanan nang marami. Dahil ang pagsasalita laban sa inhustisya ay hindi kailanman magiging mali! Iginiit din nito na ibasura ang pagpapatupad ng Flexible Learning Modality sa pamantasan na dumagdag lamang sa pasanin ng mga estudyante.

Sapagkat ang edukasyon ay dapat maging isang karapatan hindi lamang pribilehiyo nang iilan! Ang hungkag na memorandum na ipinatupad sa pamantasan ng Cavite State University ay nagpapatindi lamang sa krisis sa edukasyon at nag-iiwan sa mga maralitang estudyante. Gayundin, ipinaglaban ng mga progresibong grupo ang tunay na representasyon sa mga estudyante, marapat lamang na magkaroon ng lideratong tunay na naglilingkod at nagtatanggol sa interes ng mga Kabsuhenyo.

Subalit hindi nagtatapos ang laban sa loob ng loob ng pamantasan. Dahil ang krisis sa edukasyon ay direktang nakatali sa krisis ng lipunan.
Ang malawakang pagkilos noong ๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐”๐ง๐จ ay buong-lakas na lumawakโ€”mula sa pamantasan tungo sa lansanganโ€” upang makiisa sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa sa ๐‚๐ซ๐จ๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐ , ๐‚๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐›๐š, ๐‹๐š๐ ๐ฎ๐ง๐š.

Takot ang estado sa nagkakaisang lakas ng kabataan at manggagawa! Upang pigilan ang pag-abante ng hanay ng kabsuhenyo patungong Laguna, ipinakita ng mga kapulisan at mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang tunay na anyo bilang mga pasista at galamay ng panunupil ng estado.
Tahasang hinarangan nang tatlong beses ang delegasyon ng CvSU. Sa halip na maglingkod sa mamamayan, nag-imbento ang mga pulis ng kung ano-anong bogus na violation upang pigilan na makadugsong ang hanay ng kabsuhenyo sa pakikiisa sa paggunita ng pandaigdigang araw ng mga manggawa.

Ginamit ng mga ito ang ng pananakot at sikolohikal na intimidasyon hanggang ang mismong tsuper na ang umatras dahil sa takot na mabaon sa mga gawa-gawang violation.
Ginamit nila ang kanilang mga posisyon upang harangan ang pag-usad ng delegasyon ng kabsuhenyo, ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—ธ๐—ผ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป!

Kailanman ay hindi matatakot at aatras ang sambayanang lumalaban sa anumang anyo ng pananakot at pasismo ng hanay ng kapulisan! Kung inaakala ng pasistang estado na mapatatahimik niyo ang panawagan ng taumbayan sa pamamagitan ng tiket, multa, at barikada, nagkakamali kayo! Ang bawat panghaharang ay nagsisilbi lamang na gatong sa nagliliyab na galit ng mamamayan na patuloy na pinagsasamantalahan. ๐—Ÿ๐—ฎ๐—น๐—ผ ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ธ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป!

Ang Araw ng Paggawa ay hindi isang simpleng selebrasyonโ€”ito ay araw ng pag-aalsa! Ito ay pagpaparangal sa makasaysayan at madugong pakikibaka ng uring manggagawa laban sa pagsasamantala ng mga kapitalista. Ang sahod, trabaho, at karapatan ng mga manggagawa ay laban din ng kabataan. Ang mga magsasaka at manggagawa ang nagpapakain at nagpapatakbo sa bansa, ngunit sila ang pinagkakaitan.

Bawat sentimo ng pondo ng pamantasan ay nagmumula sa buwis na pinagpaguran ng ating mga manggagawa, kaya marapat lamang na manindigan ang bawat iskolar ng bayan sa kanilang mga karapatan kapag ito'y pinagsasamantalahan. Ang mga estudyante ngayon ay ang mga manggagawa sa hinaharap. Kung hahayaan ng kabataan na magpatuloy ang mababang pasahod, kontraktwalisasyon, at kawalan ng benepisyo, ang kanilang sariling kinabukasan ang isasakripisyo. Ang lakas ng kabataan at ang lakas ng manggagawa, kapag pinagsama, ay pinakamakapangyarihang sandata laban sa panggigipit ng estado. Ang laban para sa nakabubuhay na sahod ay laban din para sa dekalidad na edukasyon!

๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ข๐˜ณ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ, ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฌ๐˜ณ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ด๐˜บ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ฌ๐˜ต๐˜ช๐˜ฃ๐˜ข!

๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ!
๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—ธ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ!

22/04/2026

๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—ž ๐—ง๐—”๐—ฌ๐—ข, ๐—”๐—ก๐—ข ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—”?

Ngayong paparating na Mayo Uno nakikiisa ang Anakbayan-CvSU upang gunitain ang malawakang araw ng mga ๐—ต๐˜‚๐—ธ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎโ€”๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ..

Sa paglulunsad ng donation drive, at nalalapit na araw ng malawakang kilos-protesta, ang AB-CvSU ay humihingi ng tulong upang mas maisagawa at matustusan ang mga ilulunsad na gawain.

Anumang halaga ay lubos na tatanggapin, at malaking tulong. Ang pondong malilikom ay magagamit upang makadalo at matugunan ang produksyon sa nabanggit na mobilisasyon.

Kaya naman, bilang kabataang may pinakamalaking potensiyal na magluwal ng pagbabago, ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—จ๐—ป๐—ผ ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ง๐—”๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—›๐—ข๐——, ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—•๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—•๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฌ๐—ข!

๐†๐‚๐€๐’๐‡ ๐๐”๐Œ๐๐„๐‘: ๐ŸŽ๐Ÿ—๐Ÿ’๐Ÿ“๐Ÿ”๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ“๐Ÿ–๐Ÿ๐Ÿ

Photos from Anakbayan Cavite State University's post 19/04/2026

๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐’๐”๐‡๐„๐๐˜๐Ž, ๐’๐”๐Œ๐”๐‹๐Ž๐๐†, ๐‡๐”๐–๐€๐† ๐Œ๐€๐“๐€๐Š๐Ž๐“ ๐’๐”๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐ ๐€๐๐† ๐๐”๐‹๐Ž๐Š ๐๐€ ๐„๐’๐“๐€๐ƒ๐Ž!

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Matagumpay na nakiisa ang mga Kabsuhenyo sa inilunsad na Black-Friday Protest sa People Power Monument sa Dasmariรฑas Cavite, nitong Abril 17, 2026. Sama-samang tumutol ang mga kabataang Kabitenyo mula sa ibaโ€™t ibang pamantasan at pangmasang organisasyon ay nagsama-sama upang supilin ang ibaโ€™t ibang porma ng pananamantala na patuloy ipinapalaganap ng estado masang Pilipino.

Bitbit ang mga panawagan na palakasin ang serbisyo sa mga estudyante at sapat na pondo para sa edukasyon, mariing kinundena ng mga Kabsuhenyo ang kawalan ng makabuluhang pagtanaw sa reyalidad ng masang estudyante. Kung paano ang administrasyon ay naglabas na lamang ng bagong Memorandum upang bigyang diin ang pagkakaroon ng Online Class. Sa halip na bigyan-ginhawa, mas lalo lamang nito pinahihirapan ang mga estudyante sa madaliang pagpapatupad ng flexible learning modality matapos maglabas ng huwad na online evaluation na hindi naman nasukat ang reyalidad ng mayorya ng masang estudyante sa pamantasan. Dagdag pa rito, malinaw na ipinapakita nito ang paglayo sa krisis na kinakaharap ng mamamayan pagdating sa pagsirit ng presyo ng langis. Dahil kalakhan ng mga pasahero sa dyip ay mga estudyante, kung itutuloy ang ganitong sistema ng pag-aaral sa mga pamantasan katulad ng Cavite State University, saan na lamang sasandig ang mga tsuper upang makapamasada?

Habang dumadaloy naman ang programa, walang habas na sumapaw ang mga elemento ng kapulisan upang hindi magkaroon ng maayos at malinaw na programa ang hanay ng mga kabataan. Subalit walang takot na iginiit ng mga lider-estudyante ang karapatang magkaroon ng espasyo sa lansangan upang ipanawagan ang mga karapatan ng bawat mamamayan at iparinig sa taumbayan ang kasalukuyang kalagayan ng lipunang kanilang ginagalawan.

Hindi lamang usapin sa komersalisasyon sa edukasyon at bulok na serbisyo sa mga estudyante ang kinundena ng hanay ng kabataan, gayundin iginiit ng mga ito ang patuloy na pagkakaroon ng demolisyon sa mga komunidad, ang patuloy na pangangamkam ng lupa sa mga sakahan, at mga solusyon na hindi naman tinutugunan ang ugat ng kahirapanโ€”mga isyung panlipunan na laging nakaangkla sa tatlong salot ng lipunan, ang Imperyalismo, Pyudalismo, at Burakrata-Kapitalismo.

Ang patuloy na pagsupil sa mga suliraning ito ay hindi kailanman magiging hiwalay sa mithiing buwagin ang sistemang patuloy na inaapi at pinagsasamantalahan ang taumbayan.

๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด, ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ-๐˜ฐ๐˜ณ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ด๐˜ข, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ด.

๐ƒ๐€๐‡๐ˆ๐‹ ๐€๐๐† ๐Š๐Ž๐‹๐„๐Š๐“๐ˆ๐๐Ž๐๐† ๐๐€๐†๐Š๐ˆ๐‹๐Ž๐’ ๐๐† ๐Œ๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐˜๐€๐ ๐€๐˜ ๐๐€๐“๐”๐๐†๐Ž๐๐† ๐Š๐€๐‹๐€๐˜๐€๐€N

CTTO: Kabataan Partlylist - Cavite, Kabataan Partylist - CVSU

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Indang?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Cavite State University
Indang