God Loves You
30/10/2024
Sa sobrang kabutihan ni Lord sa ating buhay,
wala ka nang ibang maisip kundi magENJOY,
sa pag-ibig, biyaya at pagpapala na natatanggap natin galing sa Kanya! Pipiliin mo talagang magpuri at magpasalamat sa Kanya.
Oo marami tayong pinagkakaabalahan at ginagawa pero wag na wag tayo makakalimot sa ating Panginoon. Siya ang ating provider sa lahat ng ating kailangan. Si Hesus ang kasagutan sa lahat ng kailangan natin. Magtiwala tayo sa Kanya!
Wag tayo magfocus sa kung anong meron sa mundo. Magfocus lang tayo kay Lord!
At habang hinihintay natin ang Kanyang muling pagbabalik. Ilaan natin ang oras para sa Kanya. Magchurch tayo, sumama at sumali sa mga
ministry ng church.
Walang pagod magserbisyo kapag alam nating na Kay Kristo tayo. More pa Lord more pa!
Ang saya saya pag nasa church!
Ang saya saya kapag nagpupuri ka Kay Lord!
Ang saya saya kapag nakakapakinig ka ng Word!
Ang saya saya kapag nakakapagminister ka!
Ang saya saya kapag na-ishare mo si Jesus!
Thank you Jesus!!!
Hindi mo to aksidenteng nabasa,
mahal ka ni Lord at ang gusto N'ya ay magtiwala ka sa Kanya!
Ang buhay na
kasama si Kristo ay buhay na may kapahingahan, kapayapaan, kalakasan
at kasiyahan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Imus
4103