DepEd Tayo Imus Pilot ES - Calabarzon

DepEd Tayo Imus Pilot ES - Calabarzon

Share

08/06/2026

𝐓𝐀𝐑𝐀! 𝐁𝐮𝐤𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐮𝐫𝐮𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐥𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭!

Basahin ang mensahe ni OIC-Schools Division Superintendent 𝐋𝐢𝐭𝐨 𝐀. 𝐏𝐚𝐥𝐨𝐦𝐚𝐫 sa muling pagbabalik eskwela ng School Year 2026-2027.

👇👇👇
Bagong sapatos, pad paper, ballpen, at uniporme o maari din namang lumang notebook na may bagong pabalat, matibay mong bag na bagong laba, o dating lapis na bagong tasa.

Sa lahat ng bago o lumang may bagong bihis, nawa ang tunay na may pagbabagong anyo sa mga mag-aaral, mga magulang, mga g**o, punongg**o, at buong komunidad ng paaralan sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2026-2027, ay bagong pag-uugali, bagong karakter, bagong motibasyon, at bagong pananaw kung bakit kailangan ng bawat isang Imusenyo ang magkaroon ng edukasyong hindi lamang tinatamasa sa bisa ng karapatan kundi dahil sa paniniwala sa Diyos, pagmamahal sa kapaligiran at bayan, at malasakit sa kapwa.

Ang muling pagbubukas ng pintuan ng ating paaralan ay hindi lamang para magkaroon ng bagong kaalaman, kundi upang bigyan ang ating sarili ng dignidad bilang tao, integridad bilang isang Pilipino, at paglago hindi para sa sarili kundi para sa pamilyang kasama nating nangangarap at sa kapwa nating hindi nabigyan ng kaparehong prebilehiyo at oportunidad.

Sa mga magulang, ang paaralan ay inyong kakampi at sandigan. Nawa’y makipagtulungan tayo upang mabigyan ng tamang tunguhin ang ating mga anak.

Para sa mga g**o, punongg**o, mga kawani ng paaralan at SDO Imus City, saludo sa inyong panibagong taon ng pagsasakripisyo, pagbabahagi at pakikibahagi at pagpupunyagi sa bawat tagumpay na ating makakamtan sa taong ito.

Sa aming stakeholders at lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Kgg. Mayor Alex Advincula at ng kanyang konseho kaagapay ang kongresista ng ikatlong distrito ng Cavite, Kgg. Adrian Jay Advincula, kasama namin kayo sa pagbibigay ng pinakamabuting kalidad ng edukasyon at pamumuhay na posible para sa bawat batang Imuseno.

Sabay-sabay nating itaguyod ang isang ligtas, inklusibo, at masayang kapaligiran kung saan ang bawat bata ay may pagkakataong magtagumpay. Hindi man laging madali ang landas ng karunungan, sa tulong ng pagkakaisa, walang hamon na hindi natin kayang lampasan.

Isang matagumpay, makabuluhan, at ligtas na Taong Panuruan 2026-2027 sa ating lahat!

Tara, buksan ang pinto ng bagong panuruan na may bagong talino at malasakit.

💻 𝐒𝐃𝐎𝐈𝐂 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐚 𝐓𝐞𝐚𝐦 | 𝐃𝐚𝐧𝐧𝐲 𝐁𝐚𝐫𝐛𝐚

Photos from DepEd Tayo Imus Pilot ES - Calabarzon's post 08/06/2026

𝗛𝗮𝗻𝗱𝗮, 𝗔𝘄𝗶𝘁, 𝗕𝗮𝗹𝗶𝗸-𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮 𝗻𝗮 𝗨𝗹𝗶𝘁!

Masiglang sinimulan ng Imus Pilot Elementary School ang pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026–2027 sa pamamagitan ng seremonya ng Pagtaas ng Watawat na pinangunahan ni Dr. Divina A. Narvaez, punong g**o ng paaralan, kasama ang mga g**o at mag-aaral ngayong ika-8 ng Hunyo 2026.

Taos-pusong nagpapasalamat ang buong pamunuan ng paaralan sa mga magulang, mga kawani ng Philippine National Police (PNP) Imus, City Traffic Management Office (CITMO), Jollibee at iba pang mga katuwang at stakeholder na nakiisa upang matiyak ang ligtas, maayos at masayang pagbubukas ng klase para sa lahat ng mga mag-aaral.

📸 Jan Michael Contillo, Phoebe Lynn P. Ragasa

Photos from DepEd Tayo Imus Pilot ES - Calabarzon's post 04/06/2026

𝗕𝗿𝗶𝗴𝗮𝗱𝗮 𝗛𝗲𝗿𝗼𝗲𝘀 𝗮𝘁 𝗪𝗼𝗿𝗸: 𝗗𝗮𝘆𝘀 2–4 𝗛𝗶𝗴𝗵𝗹𝗶𝗴𝗵𝘁𝘀

Taos-pusong nagpapasalamat ang buong Imus Pilot Elementary School, sa pangunguna ni Dr. Divina A. Narvaez, sa mga mag-aaral, magulang, alumni, partner organizations at iba pang stakeholders na nakiisa at patuloy na sumusuporta sa Brigada Eskwela 2026.

Ang inyong bayanihan at malasakit ay nagbibigay-buhay sa ating adhikaing makapaghanda ng isang mas maayos at ligtas na paaralan para sa lahat.

02/06/2026

𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗦𝗵𝗶𝗻𝗲𝘀 𝗕𝗿𝗶𝗴𝗵𝘁 𝗞𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗡𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗵𝗮𝘁

Lubos na nagpapasalamat ang Imus Pilot Elementary School sa pangunguna ni Dr. Divina A. Narvaez sa lahat ng nakiisa upang matagumpay na maisagawa ang Brigada Kickoff sa presensya ni SDS Lito A. Palomar ng SDO Imus City, Barangay Captain Gregorio E. Tacus ng Poblacion I-A, Imus Pilot ES Alumni Association, CITMO, CENRO, mga delegado ng Ms. Earth Philippines, Robinsons Imus, mga magulang, mag-aaral, volunteers at iba pang stakeholders na naglaan ng kanilang oras, lakas at suporta.

Dahil sa inyong pakikiisa at bayanihan, patuloy nating naihahanda ang isang mas ligtas, mas malinis at mas maayos na paaralan para sa pagbubukas ng klase.

🎥 Jan Michael Contillo

Photos from DepEd Tayo Imus Pilot ES - Calabarzon's post 01/06/2026

𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗶𝗻 𝗔𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: 𝗜𝗺𝘂𝘀 𝗣𝗶𝗹𝗼𝘁 𝗘𝗦 𝗞𝗶𝗰𝗸𝘀 𝗢𝗳𝗳 𝗕𝗿𝗶𝗴𝗮𝗱𝗮 𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮 2026

Imus Pilot Elementary School, led by Dr. Divina A. Narvaez, School Principal together with Lyra B. Lontoc, Brigada Eskwela Coordinator and other faculty members successfully launched Brigada Eskwela 2026 today, June 1, 2026, through a meaningful kickoff activity that showcased the spirit of bayanihan and community partnership.

The school extends its heartfelt gratitude to Schools Division Superintendent Lito A. Palomar of SDO Imus City, Barangay Captain Gregorio E. Tacus of Poblacion I-A, the Imus Pilot ES Alumni Association, the City of Imus Traffic Management Office (CITMO), the City Environment and Natural Resources Office (CENRO), Ms. Earth Philippines delegates, Robinsons Imus, parents, learners, volunteers and other stakeholders for their invaluable time, effort and support.

Together, we continue to build a safer, cleaner and more learner-friendly school for the opening of classes.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Imus?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Nueno Avenue, Poblacion I-A, Imus City, Cavite
Imus
4103

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm