GANAP Imusenyo
14/12/2023
UMARAW O UMULAN, TULOY ANG WELGA
Umiyak din ang langit kasabay ng welga ng mga mamamayan kanina, Disyembre 14, 2023, sa tapat ng LTFRB sa East Avenue, Lungsod Quezon. Ayon sa datos ng PISTON, aabot sa 60,000 at 9,000 na tsuper ng dyip at ng van ang hindi na makakabiyahe sa pagpasok ng taon kung itutuloy ang deadline ng franchise consolidation sa Disyembre 31, 2023.
Magpapasko ang karamihan sa’tin na walang iniisip at magbabagong taon na masaya. Habang sila naman ay paos na kakasigaw sa langsangan para lang ipaglaban ang kanilang karapatang maghanap-buhay.
📸: Mga Kuha ni Bert
14/12/2023
TIGIL-PASADA, TULOY ANG WELGA
NAGANAP ngayong araw, Disyembre 14, 2023 ang simula ng isa na namang tigil-pasada ng mga tsuper at operators sa iba’t ibang panig ng bansa. Ito ang kanilang tugon sa patuloy na pamwemwersa na isuko sa mga korporasyon at kooperatiba ang kanilang prangkisa sa pagtatapos ng taon. Pinangunahan ng grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ang pagmartsa patungo sa opisina ng LTFRB sa Lungsod Quezon upang idulog ang kanilang panawagan na:
1. Ibasura ang jeepney phase out
2. Itigil ang sapilitang konsolidasyon at pangmamasaker sa prangkisa
3. Rehabilitasyon ng mga dyip at hindi pagbili ng bagong minibus
4. Ibalik ang mga dati nang ruta bago magpandemya
Ayon sa datos ng PISTON, mahigit 60,000 na mga tsuper at 25,000 na mga operator sa NCR pa lamang ang mawawalang ng hanapbuhay kung hahayaan ng gobyerno matuloy ang deadline ng konsolidasyon sa Disyembre 31, 2023. Nagbabadyang problema ito sa malaking bilang ng mga komyuter na maaapektuhan.
17 na araw na lamang at wala na silang hanapbuhay.
Maligaya pa ba ang pasko kung mawawalan na ng trabaho.
Masagana pa ba ang bagong taon kung hinaing ay walang solusyon.
📷: Mga Kuha ni Bert
08/12/2023
NAGANAP ngayong Biyernes, Disyembre 8, 2023, ang 37th Imus Grand Marian Procession bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ni Inmaculada Concepcion. Maligayang Kapistahan!
📸: Mga Kuha ni Bert
30/11/2023
MGA BAYANI NG PANDEMYA, NAGKILOS PROTESTA
NAGANAP kaninang umaga ang pagtitipon ng mga delivery riders ng Grab at Foodpanda sa España, Maynila sa araw ng kapanganakan ni Andres Bonifacio upang idulog ang kanilang panawagan sa trabaho. Ang kanilang sigaw:
1. Sapat at makatarungang rates sa byahe
2. Komprehensibong insurance tulad ng ibang manggagawa
3. Respetuhin sila bilang empleyado
4. Itigil ang walang habas na termination at suspension ng mga riders na nilalabanan ang kanilang karapatan
5. Hayaan silaang bumuo ng kanilang unyon
Lalo itong idiniin ni Joef Nalubdahon, national organizer ng National Union of Food Delivery Riders (NUFDR), matapos tanggalin ang ilang riders na nagprotesta noong Oktubre 25, 2023 sa pagbabago ng fare structure ng Grab Philippines. Ang bagong fare structure ay nagpababa sa ₱35 mula ₱45 na base fare at sa ₱7 mula ₱10 per-kilometer rate sa mga food deliveries.
Pumanig ang Korte Suprema sa naunang kaso ng mga tinanggal na delivery riders na dapat silang kilalanin na empleyado ng mga kumpanya at hindi tignan bilang individual contractors. Sa nilabas nitong desisyon, G.R. No. 246982 noong Setyembre 21, 2022, sinabing sa ilalim ng proteksyon ng ating batas sila ay dapat na ituring na empleyado at makatanggap ng lahat ng nararapat na karapatan at benepisyo.
📸: Mga Kuha ni Bert
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Culinary Team
Attire
Contact the business
Website
Address
Imus
4103