Cavite Press Corps
07/07/2026
PCG NAGHAHANDA SA BANTA NG SUPER TYPHOON INDAYPH
Nagpatupad ng heightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) noong Martes ng hapon sa National Capital Region, Northeastern Luzon, Northwestern Luzon, at Bicol Region upang mapaghandaan ang posibleng pananalasa ng Super Typhoon IndayPH at matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa baybayin at mga maritime stakeholder.
Inatasan ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil L. Gavan ang lahat ng Coast Guard Districts, Stations, at Sub-Stations na magsagawa ng mga hakbang sa paghahanda at makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at disaster risk reduction and management councils.
Ayon naman kay PCG Acting Spokesperson Commander Michael John Encina, inilunsad na rin ng ahensya ang intensified preparedness at response operations sa ilalim ng iCARE campaign.
Bilang bahagi ng paghahanda, nagsimula ang PCG sa pagpapalikas sa mga residente sa mga high-risk coastal areas, paglalabas ng sea travel advisories, pagseseguro sa mga pantalan at iba pang pasilidad ng Coast Guard, at pagpoposisyon ng mga response team upang agad na makaresponde sakaling lumala ang epekto ng bagyo. Pinaigting din nito ang pakikipag-ugnayan sa mga mangingisda at mga naninirahan sa baybaying lugar upang hikayatin silang sumunod sa mga evacuation order.
Patuloy namang minomonitor ng PCG ang galaw ng Super Typhoon IndayPH habang nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para sa mabilis na pagtugon sa anumang insidente. Pinayuhan din nito ang publiko na bantayan ang mga opisyal na weather bulletin at agad na iulat ang anumang maritime emergency sa pinakamalapit na himpilan ng Coast Guard. (Sophia Marie Bertulano)
06/07/2026
BREAKING NEWS :
SENATOR RODANTE MARCOLETA NAARESTO NA MATAPOS MAGLABAS NG ARREST WARRANT ANG SANDIGANBAYAN NGAYONG ARAW
04/07/2026
₱50,000 NA NAWAWALANG PITAKA, MATAPAT NA ISINAULI NG DALAWANG EMPLEYADO NG MUNISIPYO
Sa panahong madalas nating marinig ang mga balitang tungkol sa panlilinlang at kawalan ng tiwala, may mga kuwentong nagpapatunay na nananatiling buhay ang katapatan at malasakit sa puso ng maraming Pilipino.
Isa sa mga kuwentong ito ang kahanga-hangang ginawa ng dalawang empleyado ng Municipal Local Civil Registrar Office ng Munisipyo ng Rosario, Cavite—sina Armando L. De Guia Jr., 52, at Ma. Teresa P. Arbonida, 60—na nagsauli ng isang pitakang naglalaman ng ₱50,000, isang halagang bunga ng matinding pagsisikap at napakahalaga para sa tunay nitong may-ari.
Habang abala ang dalawang kawani sa kanilang pang-araw-araw na tungkulin at sa pag-asikaso sa mga taong may transaksyon sa munisipyo, napansin nila ang isang pitakang naiwan sa isang upuan sa loob ng gusali.
Sa halip na balewalain ang kanilang nakita o pag-interesan ang laman nito, agad nila itong iningatan at sinikap na matukoy ang may-ari.
Nang kanilang suriin ang pitaka, tumambad ang makapal na salapi na umaabot sa halos ₱50,000, kasama ang mahahalagang identification cards at ilang resibo na nakapangalan sa isang 28-anyos na fruit vendor na kilala sa alyas na "Quenie."
Hindi na sila nag-atubiling gumawa ng paraan upang mahanap ang may-ari ng pitaka.
Makalipas ang ilang sandali, dumating ang nag-aalalang tindera. Kitang-kita sa kanyang mukha ang matinding kaba at pagod habang patuloy niyang hinahanap ang nawawala niyang pitaka.
Ayon sa kanya, ang perang laman nito ay nakalaan sana sa pagbili ng mga prutas na kanyang ibebenta sa mga susunod na araw—ang puhunan ng kanyang kabuhayan at ng kanyang pamilya.
Bawat pisong naroon ay bunga ng maagang paggising, matiyagang pagtitinda, at walang sawang pagsusumikap upang maitaguyod ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Nang iabot sa kanya ang pitaka, hindi niya napigilan ang mapaluha.
Luha ng matinding pasasalamat.
Luha ng ginhawa matapos ang matinding pag-aalala.
At higit sa lahat, luha ng muling paniniwala na sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, mayroon pa ring mga taong pipiliing gawin ang tama.
Paulit-ulit siyang nagpasalamat kina Armando at Ma. Teresa, at bilang tanda ng kanyang taos-pusong pasasalamat, niyakap niya ang dalawang empleyado na para bang mga anghel na ipinadala upang ibalik hindi lamang ang kanyang pera, kundi pati ang kanyang pag-asa.
Sa isang payak ngunit napakahalagang kilos, ipinakita ng dalawang kawani ng Munisipyo ng Rosario na ang tunay na integridad ay nasusukat hindi sa laki ng tungkulin o posisyon, kundi sa mga tamang desisyong ginagawa kahit walang nakakakita.
Sa mundong puno ng tukso at iba't ibang pagsubok, nananatili pa ring may mga taong pinipiling maging tapat—hindi dahil may kapalit, kundi dahil ito ang tama at ito ang tunay na diwa ng paglilingkod at pagiging makatao.
Nawa'y magsilbing inspirasyon ang kuwentong ito sa ating lahat. Sapagkat ang bawat kabutihang ating ginagawa, gaano man ito kaliit sa ating paningin, ay maaaring maging liwanag sa buhay ng iba at magsimula ng mas marami pang gawaing puno ng katapatan, malasakit, at pagmamahal sa kapwa.
Ang katapatan ay hindi kailanman naluluma. At ang kabutihan, kapag kusang ibininibigay, ay laging nag-iiwan ng pag-asa sa puso ng bawat Pilipino.
via Sid Samaniego
04/07/2026
PBGEN ESGUERRA HONORS FALLEN POLICE OFFICER, ASSURES FAMILY OF SWIFT JUSTICE
Police Brigadier General Dennis A Esguerra, Acting Regional Director, Police Regional Office (PRO) 9, personally visited the wake of the slain police officer to pay his respects, extend his heartfelt condolences to the bereaved family, and reaffirm the organization's commitment to securing justice. During the visit, PBGen Esguerra personally conferred the appropriate posthumous award upon the fallen hero in recognition of his courage, dedication, and ultimate sacrifice in the service of the nation. He likewise personally extended financial assistance to the victim's family as an immediate gesture of support during their time of grief.
Following the wake visit, PBGen Esguerra proceeded to the Dumalinao Municipal Police Station to assess the progress of the ongoing investigation and ensure that all investigative efforts are being pursued with urgency and diligence.
During his visit, PBGen Esguerra assured the victim's family that Police Regional Office 9 remains fully committed to securing justice and providing the necessary assistance and support to those left behind.
PBGen Esguerra emphasized that the successful identification and arrest of the suspects resulted from extensive backtracking, intelligence gathering, forensic examination, witness interviews, and relentless hot pursuit operations conducted immediately after the fatal shooting. These sustained investigative efforts generated vital leads that prompted one of the suspects to voluntarily surrender and disclose information that led to the arrest of the alleged gunman. Authorities likewise recovered the victim's issued service firearm and other pieces of evidence essential to the ongoing case.
Initial investigation indicates that the crime was allegedly motivated by financial obligations or debt. However, investigators continue to examine all circumstances surrounding the incident to ensure a comprehensive, impartial, and evidence-based case build-up.
PBGen Esguerra further directed investigators to sustain the case build-up and ensure the successful prosecution of all those responsible, stressing that no individual, regardless of status, is above the law.
"Our commitment does not end with the arrest of the suspects. We owe it to our fallen police officer and his family to ensure that justice is fully served through a thorough investigation and successful prosecution. At the same time, we remain committed to the welfare and morale of our personnel who continue to risk their lives in the line of duty," PBGen Esguerra said.
PRO 9 remains committed to upholding the rule of law, protecting its personnel, honoring the sacrifice of its fallen heroes, and ensuring that justice is served swiftly, fairly, and without exception.
📷 Police Regional Office 9
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Imus