RealTalk BES
Good evening
23/11/2025
Hi gusto ko lang mag share and mag ask ng advice sainyo. Nangutang ako sa kakilala ng Tita ko (di sya legal lender), pero trusted naman sya ng mga tita ko and nakapag try na ko before. Nanghiram ako sakanya ng 20k dalawang beses yun ang good payer naman ako dahil every cut off ng sahod ang bayad.
Nung July, nanghiram ako ng ₱30k (medyo malaki than usual kong inuutang) kailangan kasi pambayad sa bahay and tuition fee ng kapatid ko para makaenroll ulit. Pakiusap ko, 6mos ko babayaran. Pero dati kasi kahit sinasabi kong 6mos, minsan 3/4 mos iffully paid ko na, ang reason behind is sobrang laki ng posiyento. Based sa computation nya,
Interest = 10%
If 30k hiniram ko, every cut off babayaran ko is principal + interest so every month bayad ko sakanya is 8k. Medyo mabigat sya kasi above minimum wage earner lang naman ako at huge chunk ng sahod ko, sakanya lang halos napupunta. Kaya sobrang stressful din pero syempre wala akong choice. Kaya if makakuha ako ng pera agad, inuuna ko talaga sya i-fully paid. Kasi malaking ginhawa din saakin. And also, pumapayag naman sya everytime inaagahan ko na ma fully paid dati kasi nabibigatan talaga ko. Huhu
Tapos ngayon, very early ang release ng 13th month namin sya talaga nakaprio ko sya na bago ma credit nakabawas na yung computation ko na fully paid ko na at diko na paabutin ng 6mos. Pagkawire ko sakanya ng pera nakareceive ako ng reply na kulang daw tapos susundin parin is 6mos huhu ano bang dapat kong gawin. Papayag nalang ba ko? Kasi technically inistop ko na sya para di na ko magbayad ng interest na malaki 😭
Para tuloy ako nalungkot, akala ko malilibre ko pa mga kapatid ko makanood ng wicked pambawi kasi lately iba’t ibang luto ng itlog nalang pinapakain ko sakanila kasi kulang talaga 😭
Fyi, wala pong parents na nagsusupport saamin kami lang ng ate ko at dalawang batang kapatid ko. Salamat po wag nyo sana ko i-judge 🥺
23/11/2025
DBD {BUY 2 TAKE 2} (HK Brand) MaLing Luncheon Meat 397g x 2 - Convenient and Tasty Ingredient for Breakfast and Sandwiches - Premium Pork and Ham in Canned Form Flavor Snack
PARA MAKA ORDER, CHECK COMMENT SECTION
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Imus
4103