Imus GAD Unit

Imus GAD Unit

Share

Photos from Imus GAD Unit's post 17/03/2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Women’s Month, matagumpay na ginanap ngayong Marso 17, 2026 ang aktibidad na “Healthy Hormones, Healthy Juana: Understanding PCOS – Awareness, Management and Support.” Pinangunahan ito ng panauhing tagapagsalita na si Dr. Tarah Ann Cadiz, M.D., na nagbahagi ng mahalagang kaalaman tungkol sa Polycystic O***y Syndrome (PCOS), kabilang ang mga sintomas nito, mga posibleng sanhi, wastong pangangasiwa, at ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalusugan ng hormones ng kababaihan.

Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng mga kababaihan mula sa City Hall Employees, SK, at mga babaeng opisyal mula sa BJMP Male Dormitory. Sa pamamagitan ng seminar na ito, mas napalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga kalahok tungkol sa PCOS, na makatutulong upang mas mapangalagaan nila ang kanilang kalusugan at kapakanan.

Layunin ng ganitong mga gawain na patuloy na isulong ang kamalayan sa kalusugan ng kababaihan, palakasin ang suporta sa isa’t isa, at hikayatin ang bukas na pagtalakay sa mga isyung pangkalusugan na nakaaapekto sa maraming kababaihan.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Imus?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


New Imus City Hall
Imus
4103