Knowing God

Knowing God

Share

07/06/2025

"God’s Way to Go Up☝️
is to Go Down👇"

✅ Hinahanap ng Diyos ang Mapagpakumbabang Puso

📖
[Ito ang sinasabi ng PANGINOON]: “Hindi ba't ako ang gumawa ng lahat ng bagay? Binibigyang pansin ko ang mga taong mapagpakumbaba, nagsisisi, at may takot sa aking mga salita.” – Isaias 66:2b

👍Hindi hinahanap ng Diyos ang marurunong, matataas, o makapangyarihan. Mas mahalaga sa Kanya ang pusong mapagpakumbaba, pusong handang matuto at tumalima sa Kanyang Salita.

🤔 Sa harap ng Diyos na lumikha ng lahat ng bagay, ang tanong ay hindi gaano tayo kagaling o karunong - kundi: Mayroon ba tayong pusong mapagpakumbaba na handang tumalima sa Kanyang Salita, kahit mahirap o masakit?

02/06/2025

"God’s Way to Go Up☝️
is to Go Down👇"

✅Ang Paraan ng Diyos Para Umangat ay ang Pagpapakababa: Isang Paanyaya sa Kababaang-Loob

Sa mundo ngayon, kadalasang sinusukat ang tagumpay sa taas ng iyong narating - ⛔posisyon,
⛔kayamanan, o
⛔kapangyarihan.
Ngunit iba ang pamantayan sa kaharian ng Diyos. 👉 Ang paraan Niya upang umangat ka ay hindi sa pag-angat ng sarili, kundi sa pagpapakababa (humility).

📜
"Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon, at itataas niya kayo."
– Santiago 4:10

👍Ang talatang ito ay isang paalala na ang pagtaas sa paningin ng Diyos ay dumarating lamang sa mga pusong marunong yumuko sa Kanyang harapan. Hindi ito nangangahulugan ng kahinaan, kundi ng tamang pagkilala kung sino tayo sa harap ng isang banal at makapangyarihang Diyos.





📖
"So humble yourselves under the mighty power of God, and at the right time he will lift you up in honor." - 1 Peter 5:6

11/05/2025

Manindigan para sa Katarungan at mga Inaapi

Mikas 6:8 – “Ipinakita na sa iyo ng Panginoon kung ano ang mabuti. At ito ang hinihiling niya: mamuhay ka nang may katarungan, mahalin mo ang kabutihan, at magpakumbaba kang sumunod sa iyong Diyos.”

Kawikaan 31:8–9 – “Ipagtanggol mo ang mga taong hindi makapagsalita para sa kanilang sarili. Ipaglaban mo ang mga karapatan ng mga taong inaapi.”

👍Prinsipyo:
Suportahan ang mga patakaran at pinunong nagsusulong ng katarungan at may malasakit sa mahihirap.

Hinihingi ng Diyos sa Kanyang bayan na manindigan para sa tama, kahit ito ay mahirap. Mahalaga sa Kanya ang hustisya, awa, at malasakit sa mahihina—kaya dapat ito rin ang saligan ng ating pagboto.

🙏Paano ito isabuhay:

✅Piliin ang mga lider na may tunay na gawa para sa mahihirap, kababaihan, bata, at marhinalisadong (marginalized) sektor.

✅Makiisa sa mga makadiyos at mapayapang adbokasiya na nagtataguyod ng makatarungan at makataong lipunan, bilang pagsunod sa layunin ng Diyos para sa bayan.

✅Manindigan sa katotohanan sa paraang mapayapa at may takot sa Diyos, upang itama ang mali nang may paggalang at karunungan.

10/05/2025

Maging Responsableng Mamamayan

Roma 13:1 – “Ang bawat tao ay dapat magpasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, dahil ang lahat ng pamahalaan ay itinalaga ng Diyos.”

Mateo 22:21 – “Ibigay ninyo kay Cesar ang para kay Cesar, at sa Diyos ang para sa Diyos.”

👍Prinsipyo:
Makilahok sa halalan nang may paggalang sa batas at may pananagutang Kristiyano.

Ang pagboto ay hindi lamang karapatan—ito ay pananagutan sa Diyos bilang bahagi ng ating pagsunod sa Kanya. Ang pagiging responsableng mamamayan ay pagpapakita ng malasakit sa kapwa at sa kinabukasan ng ating bansa.

🙏Paano ito isabuhay:

✅Bumoto nang may kaalaman at konsensya.

✅Makiisa sa mapayapang talakayan, hindi sa siraan.

✅Sumunod sa mga batas at proseso ng halalan.

09/05/2025

Pumili ng mga Lider na May Integridad

Exodo 18:21 – “Pumili ka ng mga taong may takot sa Diyos, mapagkakatiwalaan at namumuhi sa suhol.”

Kawikaan 29:2 – “Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya, ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinuno ay masama.”

👍Prinsipyo:
Piliin ang mga kandidato na may matuwid na pamumuhay, makatarungan, at may malasakit sa bayan.

Hindi sapat ang talino o kasikatan. Dapat nating piliin ang mga lider na may takot sa Diyos, may malasakit sa kapwa, at hindi sakim sa kapangyarihan. Ang mga lider na ganito ang nagdadala ng kaayusan at kasaganahan sa bayan.

🙏Paano ito isabuhay:

✅Kilalanin ang kandidato: Suriin ang kanyang track record, asal, at plataporma.

✅Alamin kung paano siya nagdesisyon sa mga isyung moral, katarungan, at serbisyo publiko.

✅Iwasang bumoto base lamang sa popularidad, kamag-anak, o pakinabang.

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Ibajay?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Ibajay