The Cipher - CCIT Publication
12/06/2026
In 1898, we broke free with pens and paper. In 2026, we defend freedom with truth, tech, and transmission. Happy 128th Independence Day!
---
Layout by: Krizia Mae Funiestas
Words by: Bianca Orua
19/05/2026
π£ππ‘ππ§ππππ‘ || πππ«π’π₯π’ ππ¨π§π ππ’π₯ππ π«π¨
Isang obra o sining nga ba ang aking nakita,
na mahahalintulad ko sa pagdating ng buwan ng Mayo.
Na tila ba'y isang dasal na ibinubulong sa aking tenga
sa pagitan ng ganda ng bulaklak na kalachuchi,
o ilaw na dala ng aninipot sa gabi,
o himala nainukit sa paanan ng santo.
Pero bahala na...
Sapagkat sa bawat iyong pagngiti
ako'y nananabik na mapailalim
sa sumpa na nais kong hilingin mula sa iyo.
At sa tuwing dumadaan ang bawat gabi ng Mayo,
walang sandaling hindi ka sumagi sa aking isipan.
Kasabay nito ang dahan-dahang paglaglag
ng mga talulot ng kalachuchi,
ang pagsayaw ng mga aninipot
sa lamig ng hangin na dala ng buwan ng Mayo,
at ang mga dalangin na tila ba'y ipanagkakaloob sa akin ng langit.
Ngunit sa itinagal ng aking pagtitig sa iyong ganda,
aking napagtanto
na sa bawat banayad na paghahambing,
ay walang kayang tumapat sa angking ganda na taglay mo.
Sapagkat ang lahat ng iyon ay tila ba'y
sinasalamin lamang lahat ng aking ipininta tungkol sa iyo,
upang ako'y tuluyang mabighani
sa kung sino ka talaga.
At sa gitna ng katahimikan ng Mayo,
na ang inaakala kong tila obra,
tila dasal,
o tila himalaβ
ay hindi sya mismong magandang talulot ng kalachuchi,
hindi rin ang mismong magandang liwanag ng aninipot sa dilim,
at lalong hindi ang mga himala na inukit sa paanan ng santo.
Sapagkat ang iyong ganda
ay iyong sariling milagro.
---
Akda at Lapat ni: Krizia Mae Funiestas
25/04/2026
ππ‘ π£ππ’π§π’π¦ || Parodying the famous Filipino band CUP OF JOE, College of Communication and Information Technology (CCIT) Band "CUP OF JAO" brought music entertainment at their live band performance, held at the CCIT grounds, April 20.
With the guidance of Mr. Hansel Ada, the band members, Christian Vengua, Nathaniel Francisa, Kent Sevilla Cacho, NiΓ±o Jer Collado, and Nathaniel Harvey Agaton performed live for the CCITzens.
They performed backyard live version of 'Nangangamba', originally by Zack Tabudlo, 'Konsensya', 'Come Inside of my Heart', 'Mundo', and 'Kabisado' by IV of Spades, and 'Tensionado' by Soapdish.
---
Report by: Bianca Orua
Photos by: Krizia Mae Funiestas
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Iba