Ang Boses
25/01/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก l Ginanap ang Division Festivals of Talents: Technolympics 2026 sa Hilongos National Vocational School, Hilongos, Leyte nitong ika-21 hanggang ika-23 ng Enero.
Sa loob ng tatlong araw, nagtipon ang mga delegado mula sa iba't-ibang panig ng Schools Division Office ng Leyte mula Area 1, Area 2A, Area 2B, Area 3, Area 4, Area 5A, at Area 5B kung saan tampok ang mga kategoryang:
Extension Cord Making
Food Preparation & Presentation
Invitational Card Making
Dish Gardening
Office Table Making with Storage
Bread & Pastry Production
Technical Drafting
Electrical Installation & Maintenance
Food Processing (Fish)
Taos-puso naming binabati ang lahat ng mga kalahok sa nasabing paligsahan at lalong-lalo na sa mga nagpakita ng kanilang kahusayan.
Nasa ibaba ang mga resulta at inaasahang dadalhin nila ang pangalan ng SDO ng Leyte sa gaganaping Regional Festivals of Talents: Technolympics (RFOT) sa SDO ng Southern Leyte.
โ๏ธ: Giah Alfante
๐ผ๏ธ: John Jonas Undras
Graphic info: Shanna Trendy Meredores
24/01/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก l Nagtapos kahapon ang Division Festivals of Talents: Technolympics 2026 na ginanap sa Hilongos National Vocational School, Hilongos, Leyte nitong ika-23 ng Enero.
Sa pagtatapos, tampok ang mga kalahok mula sa ibaโt ibang panig ng Schools Division Office ng Leyte mula Area 1, Area 2A, Area 2B, Area 3, Area 4, Area 5A, at Area 5B.
Ang huling araw ay naging makabuluhan sa pagbibigay inspirasyon sa mga kalahok na ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay sa larangan ng Inobasyon.
โ๏ธGiah Alfante
๐ธRisha May Matas, Jm Gamarcha, Risha Kate Matas
22/01/2026
๐ ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น, ๐๐๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐ข๐ง ๐ง๐ฒ๐ฐ๐ต๐ป๐ผ๐น๐๐บ๐ฝ๐ถ๐ฐ๐
Sinimulan ng ibinida ng mga kalahok mula sa iba't ibang delegado sa dibisyon ng Leyte ang kanilang galing sa kompetisyon sa larangan ng Technical Vocational (TechVoc) ngayong umaga, ika-22 ng Enero sa Division Festival of Talents Technolympics na idinaos sa Hilongos National Vocational School.
Kabilang sa mga ginanap na kompetisyong pang elementarya ay ang Extension Cord with Switch Assembly at Food Preparation and Presentation. Samantala, Office Table with Storage, Bread and Pastry Production at Technical Drafting naman para sa sekondarya.
Bawat mag-aaral mula sa Area 1, Area 2A, Area 2B, Area 3, Area 4, Area 5A at Area 5 B
ay determinadong ipinakita ang kanilang husay at talento sa bawat proyekto na kanilang ginagawa sa loob ng nakatakdang oras.
Gayundin, patuloy namang idadaos sa hapon ang iba pang kompetisyon tulad ng Electrical Installation and Maintenance, Dish Gardening, Food Processing at Invitational Card Making.
๐ธJm Gamarcha, Sir Emmanuele Barientos
22/01/2026
๐๐๐ข๐ง ๐ง๐ฒ๐ฐ๐ต๐ป๐ผ๐น๐๐บ๐ฝ๐ถ๐ฐ๐, ๐ผ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ถ๐ป๐ถ๐น๐๐ป๐๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ ๐๐ก๐ฉ๐ฆ
Makabuluhang binuksan ang pagsasagawa ng Division Festival of Talents (DFOT) Technolympics na may temang "Karunungan at Talento ng Kabataang Pilipino: Pagtataguyod ng Industriyang Malikhain sa Pagsulong ng Bansa at Adhikaing Pagbabago" nitong araw, ika-21 ng Enero 2026, na ginanap sa Hilongos, Leyte sa pangunguna ng Hilongos National Vocational School.
Kasabay ng pagbubukas ay idinaos ang isang parada sa lungsod na pinaingay ng HNVS Band at ginabayan ng mga Girl Scout at Boy Scout sa ganap na alas-kuwatro ng hapon.
Sa isang programa, mainit na tinanggap nina Dr. Richard A. Gabison, punong-guro ng paaralan, Diosdado G. Pavo Jr., Public Schools Division Superintendent, at Gng. Trinidad Zarate ang mga kontestant at mga tagapayo mula sa Area 1, Area 2A, Area 2B, Area 3, Area 4, Area 5A, at Area 5B.
โ๏ธChariza Bejaron
๐ธJm Gamarcha, Sir Emmanuele Barientos
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
R. V. Fulache Street
Hilongos
6524