She Blogs for Christ

She Blogs for Christ

Share

28/01/2026

Why I need to Love myself

Dito sa verse na ito isa sa mga reason I knew Lord is intentional when it comes to our relationship with Him. Kasi as an update, I am in a journey of Loving MYSELF Genuinely. Napapatanong ako sa Lord how am I supposed to love myself 100 % . Ito yung sagot kaya pala tinuturuan Niya ako to love myself not just for my own gain but para magamit Niya sa kaluwalhatian Niya.

Una Niya tinuro sa akin is a surrender life. Na with out Him I am nothing. Kaya Niyang alisin lahat ng nagbibigay comfort sa akin hanggang sa wala na akong choice kundi bumalik sa Kaniya at maging God-reliant.

2nd To be disciplined and driven sa pinapa gawa Niya sa akin. Ayun nga to focus on my faith(Matthew 6:33 to seek first) and myself by being healthy and productive. Haha Kasi hingalin na ako at sakitin na katawan. Sabi ko Lord matanda na ba talaga ako? Paano Niya ako magagamit kung sakitin na ko. Ayun binigyan Niya ko ng kalakasan at disiplina sa pag 10k step at cal def. Yohoo sa mga nagpapahealthy dyan ngayon 2026 kasama niyo ako. Hahaha 😂

3rd To be delivered from my past traumas and renewal of my heart. Ito yung struggling para sa akin in my season of refining. Ang sakit kasi napapaalala sa akin(dahil ineexpose ng Lord) ang mga bagay na akala ko wala na pero dala-dala ko pa pala hanggang ngayon. Example: Naparamdam na sa akin na "pwede na yan, babae ka naman, magaasawa ka lang din naman pwede ka na kahit hanggang 2nd yr may mahahanap ka ng trabaho". Hindi ko namamalayan yung sugat na yun na akala ko wala na nga nagbunga pala ng self pity and underserving feeling. Na taga palakpak at congratulate lang ako para sa ibang tao. Na anumang mabubuting bagay sa mundo ay hindi para sa akin. Kaya ang mga naging choices ko sa buhay "pwede na ko sa simpleng buhay lang". Ito pala yung sakit na sa 32 yrs ng buhay ko ngayon ko lang maaddress. Ngayon ko lang maiisip na mahalin ng tunay ang sarili ko. Na mahal ako ng Panginoon at ang pagkatao ko ay nasa Kaniya at hindi sa tingin at sinasabi ng ibang tao sa akin. Na deserving ako para sa mabubuting gawa at plano ng Panginoon dahil mabuti Siya. Nagkaroon ng disiplina sa 10k step at control sa pagkain ko. Matutunan ang self-control at setting my boundaries. Boundaries for my spiritual and mental well-being . Magkaroon ng courage to say No. hehe mahirap sa akin yun noon e. Masakit itong season na ito kasi open wound pero healing and freedom ang kapalit naman ng lahat.

Dito papasok ang verse 31 na Love your neighbor as yourself. How can I do the 2nd most important command kung di ko alam paano mahalin ang sarili ko upang mahalin ko ang aking kapwa? Na sa akin there is no such thing as 2nd chances. If you hurt me, bye! Ang peg ko. as in bye. Haha Kapag gusto ko matuto ang isang tao in a hard way talaga. Na kapag may di magandang nangyari sayo deserve mo yun kasi may mali kang nagawa. Walang compassion, walang grace. Ganun ako ka harsh sa tao, NOON. haha by God's grace nawa nabago na sa akin ng Panginoon ngayon yun.

Kaya this season mabuti ang Panginoon sa pagbibigay sa akin ng mahabang araw para maipakita Niya pa ang paguugali at area ng buhay ko na dapat matabas,mag grow at magbunga sa akin. Upang magawa kong mahalin ang aking kapwa gaya ng pagmamahal ko sa aking sarili. Paano magmahal? 1Corinthians 13 :4-7 kapatid try to open the Bible ☺️ Hindi man perfect pero masasabi ko na I am a "working progress" ng Panginoon para sa kaluwalhatian Niya. Para makita ng tao na ang Panginoon ko at taga-Pagligtas na si Jesus ay totoo.

Kaya kapatid kung sa palagay mo need mo ng prayer or listener, just message me and I'm willing to pray and listen for you.

Jesus loves you.

07/06/2023

For only P179.00

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Hermosa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Hermosa
2111