Ang MUOG
08/03/2015
DALAWANG MANUNULAT NG MUOG, LUMUSOT SA DOST
Congratulations! Hiroshi Sen T. Mera at Jan Calix Ramos.
http://www.sei.dost.gov.ph/images/downloads/2015qua.pdf
27/01/2015
ANG MUOG: 7th BEST SCHOOL PAPER OF CALABARZON (Filipino).
Regional Schools Press Conference 2015
Lipa City
*7th Place - Pahinang Isports
*7th Place - Pahinang Lathalain
*8th Place - Pag-aanyo ng Pahina
*10th Place - Pahinang Agham at Teknolohiya
*13th Place - Pahinang Balita
MARAMING MARAMING SALAMAT po sa lahat na in one or the other ay naging bahagi ng Ang MUOG sa pagkamit ng tagumpay na ito. To God be the glory. ..:)
23/01/2015
Covered Pathwalk, sinimulan na
Isinasagawa na ang covered pathwalk ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Gumaca (PMPG) bilang bahagi ng proyekto ng paaralan mula sa nalikom na pera sa ginanap ng G. at Bb. PMPG 2014.
Sa panayam kay G. Rodones S. Trimillos, pangulo ng Teachers and Employees Association ng paaralan, ang imprastrakturang ito ay may nakalaang pondo na 630 libong piso at ang sampung porsyento ng nalalabing pera mula sa nasabing patimpalak ay gagamitin para sa pagkukumpuni ng opisina at pagkakaroon ng mga office equipment ng Parent-Teacher Association – Board of Directors o PTA-BOD sa paaralan.
Dagdag pa niya, walang nagiging problema sa pagbubuo ng covered pathwalk at nasusunod naman ang iskedyul ng pagyayari nito at inaaasahang matatapos ito bago matapos ang buwan.
23/01/2015
PMPG, muling ibabandera ang Quezon sa Tarp Designing
Ipinagpatuloy ni Aiman P. Pantao ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Gumaca (PMPG) ang kasaysayan ng paaralan sa pagiging kampyon sa Tarpaulin Designing matapos patumbahin ang mga katunggali sa ginanap na Division Contest na siyang kakatawan sa lalawigan ng Quezon sa Regional Festival of Talents sa Enero 29-31 sa Lipa City, Batangas.
“Napakasaya sa pakiramdam sapagkat naidepensa ko ang nasimulan ng dati kong kamag-aral bilang tarpaulin designer at isa ako sa makikipagsabayan sa iba't ibang lungsod at lalawigan ng CALABARZON,” ani Pantao.
Matatandaang noong 2013 sinumulan ang nasabing kompetisyon at simula pa noon ay PMPG na ang nakikipag-tagisan ng talento para sa lalawigan na ngayo’y ipagpapatuloy muli ng paaralan.
( Si Gng. Jee-Ann Borines, Education Program Supervisor habang ipinaliliwanag sa mga kalahok ang mga alituntunin ng kompetisyon . )
02/01/2015
MUOG, napanatili ang korona
Click here to claim your Sponsored Listing.
Contact the business
Website
Address
Gumaca National High School
Gumaca
4307