Project SPLIT PPMO - Quezon II

Project SPLIT PPMO - Quezon II

Share

Photos from Project SPLIT PPMO - Quezon II's post 03/03/2026

𝐒𝐏𝐋𝐈𝐓 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 | 📍𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐁𝐢𝐠𝐚, 𝐆𝐮𝐦𝐚𝐜𝐚, 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧

Binaybay ng DAR Quezon II SPLIT Project Team ang ilog upang marating ang lupain sa Brgy. B**a, Gumaca, Quezon, kasama ang ating Agrarian Reform Beneficiary (ARB) para sa pagsukat ng 6.7395 ektaryang lupa.

Sa pangunguna ni Engr. Mark Jay Usana, katuwang sina Rembert M. Otcharan (SARPT) at Nicole John Jaquiaca (Technical Support Staff), buong tiyagang isinagawa ang field survey sa kabila ng mga hamon sa lokasyon.

Sa pagtutulungan, determinasyon, at malinaw na layunin na maihatid ang tamang serbisyo sa ating mga ARB, matagumpay nilang natukoy at naitala ang eksaktong lokasyon at sukat ng lupa bago matapos ang araw.

Isang patunay na sa PROJECT SPLIT, ang serbisyo ay hindi humihinto, anumang ilog ang kailangang tawirin, anumang hamon ang kailangang harapin, para matiyak ang seguridad sa lupa at kinabukasan ng ating mga magsasaka.

Photos from Project SPLIT PPMO - Quezon II's post 06/02/2026

𝐓𝐈𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐃𝐀𝐑 𝐍𝐚𝐠𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐮𝐠𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐒𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐧𝐚 𝐇𝐚𝐤𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐋𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐮𝐫𝐯𝐞𝐲 𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐒𝐏𝐋𝐈𝐓

Nagsagawa ng isang pagpupulong ang mga kawani ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa pagsasagawa ng land survey na kinabibilangan nina Engr. JR Fernandez ng Vastpoint, gayundin nina Mr. Gerald Escamos at Ms. Elaine Pardilla mula sa GEAS Surveying noong Pebrero 3.

Sa pangunguna nina OIC-PARPO II Gemma A. Esguerra, OIC-PARPO I Engr. Marvin C. Labao, at CARPO Veronica M. Otcharan, kasama ang mga Municipal Agrarian Reform Program Officers (MARPO) at mga katuwang ng Project SPLIT, tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga susunod na hakbang at mga kinakailangang hakbangin kaugnay ng patuloy na pagpapatupad ng Project SPLIT, partikular sa proseso ng pagsukat ng lupa, upang matiyak ang maayos, tumpak, at napapanahong pagsasakatuparan ng programa.

Photos from Project SPLIT PPMO - Quezon II's post 22/01/2026

𝐓𝐈𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐎𝐑𝐈𝐄𝐍𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐍𝐃 𝐒𝐈𝐆𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐑𝐀𝐂𝐓 𝐎𝐅 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐒𝐏𝐋𝐈𝐓 𝐍𝐄𝐖𝐋𝐘 𝐇𝐈𝐑𝐄𝐃 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍𝐍𝐄𝐋

Isang makabuluhang simula para sa Project SPLIT CY 2026

Gumaca, Quezon - Nagsagawa ang DAR Quezon II Provincial Office, sa pangunguna ni OIC-PARPO II Ma. Gemma A. Esguerra, ang contract signing para sa mga bagong personnel sa ilalim ng Project SPLIT bilang paghahnda sa implementasyon ng nasabing programa sa CY 2026 noong Enero 19.

Ang mga newly hired na personnel na Technical Staff ay magiging katuwang mga Municipal Agrarian Reform Program Offices sa DAR Quezon II upang mas mapadali at maayos ang pagsasagawa ng mga gawain sa SPLIT Project. Nagbigay ng mainit na pagtanggap at pagbati si CAO Josefina L. Bio sa mga newly hired personnel.

Sa kabilang banda naman, inilahad ni CARPO Veronica M. Otcharan ang mga accomplishment ng nakaraang taon at mga targets ng bawat bayan para sa 2026. Nagbigay naman ng isang lecture si Engr. Ian Aristeus Logmao para sa tamang pamamaraan ng dokumentasyon at wastong pamamaraan sa land surveying, geo tagging, pagtukoy ng mohon at iba pa.

Sa pagpasok ng taon at mga bagong staff, inaasahan na makakamit ng DAR Quezon II ang mga targets para sa CY 2026 at mas maraming magsasakang benepisyaryo ang matutulungan at mapapaunlad ang kanilang pamumuhay.

Photos from Project SPLIT PPMO - Quezon II's post 15/12/2025

𝐒𝐏𝐋𝐈𝐓 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 | 𝐉𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐒𝐮𝐫𝐯𝐞𝐲 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬𝐢𝐠𝐮𝐫𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐭𝐢 𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐩𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐂𝐚𝐦𝐛𝐮𝐠𝐚, 𝐌𝐮𝐥𝐚𝐧𝐚𝐲, 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧

Upang mabigyan ng agarang solusyon at masiguro ang maayos na hatian ng lupa para sa ating mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs), nagsagawa ang Project SPLIT ng isang joint survey.

Pinangunahan ang nasabing sarbey ni Engr. Gerald Escamos at Engr. Elaine Pardilla mula sa GEAS Surveying, kasama si Engr. W***y Benedicto, upang tiyakin na ang bawat bahagi ng lupa ay maayos na naitala at naipamahagi nang patas.

Ang hakbang na ito ay naglalayong magbigay ng malinaw at maayos na proseso sa pagsusukat at hatian ng mga lupa, at maiwasan ang anumang hindi pagkakaunawaan sa hinaharap.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Gumaca?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Lorenzo M. Tanada Building, Bgy. Pipisik
Gumaca
4307

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm