Kent Natividad
17/05/2026
Kamusta mga kapwa ko Guimbanian. ❤️
Taos-puso po akong nagpapasalamat sa pagkakataong makasama at makapagbigay ng kaunting suporta sa SK Night ng Brgy. Catimon at Brgy. Night ng Brgy. Bulakid.
Nakakatuwa pong makita ang sama-samang saya, pagtutulungan, at pagmamahalan ng bawat barangay. Sa mga ganitong simpleng pagkakataon, mas lalo po nating nararamdaman na basta sama-sama, mas nagiging matatag ang ating bayan at mga kapwa Guimbanian!
Maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap. 🙏
04/05/2026
Kamusta mga kapwa ko Guimbanian?
Ngayong araw po ay muling nagsagawa ng Session ang ating Sangguniang Bayan. Isa pong pagkakataon para pag-usapan ang mga bagay na mahalaga sa bawat pamilyang Guimbanian.
Sa bawat panukala po at desisyong tinatalakay, lagi po nating isinasaisip ang kapakanan ng bawat isa. Hindi man po laging madali, pero patuloy po tayong naghahanap ng mga paraan at solusyon para sa mas maayos na pamumuhay ng bawat isa.
Naniniwala po ako na ang bawat boses ay mahalaga. Kaya kung kayo po ay may suhestyun, bukas po ang aking opisina. Handa po ang inyong lingkod makinig at patuloy kayong aksyunan. Tandaan nyo po, magkakasama po tayo dito. Sama sama sa mas maunlad at mas masaganang Guimba! 🥰🫰
01/04/2026
𝐌𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐰𝐚 𝐤𝐨 𝐆𝐮𝐢𝐦𝐛𝐚𝐧𝐢𝐚𝐧𝐬, 𝐬𝐚𝐛𝐚𝐲-𝐬𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐩𝐨 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐭𝐢𝐢𝐧 𝐚𝐭 𝐢𝐩𝐚𝐠𝐝𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐬𝐢𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬! 🎓
Ang inyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, at tapang sa pagharap sa bawat hamon. Patunay na walang imposible sa kabataang Guimbanian na may determinasyon at pangarap!
Taos-puso rin po nating binabati at pinasasalamatan ang mga magulang at pamilya na naging sandigan sa tagumpay na ito. Kayo po ang katuwang sa bawat sakripisyo at tagumpay ng inyong mga anak!
𝐒𝐚𝐦𝐚 𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐩𝐨 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐬𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐭𝐢𝐢𝐧 𝐧𝐠 "𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐁𝐚𝐭𝐜𝐡 𝟐𝟎𝟐𝟔!"
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
Guimba