MEBA Islamic Institute
03/02/2026
GRADUATION PITIK
PART 2
(MARHALAH THALITH AT-THANAWIYYAH)
03/02/2026
𝐀𝐋𝐇𝐀𝐌𝐃𝐔𝐋𝐈𝐋𝐋𝐀𝐇
Matagumpay na natapos ang Graduation Ceremony ng MEBA Islamic Institute para sa S.Y. 2025–2026,
𝐁𝐀𝐓𝐂𝐇 𝐉𝐈𝐋 𝐀𝐋-𝐁𝐔𝐍𝐘𝐀𝐍 "𝑻𝒉𝒆 𝑺𝒐𝒍𝒊𝒅 𝑮𝒆𝒏𝒆𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏"
Isang araw ng pasasalamat, tagumpay, at pag-asa para sa aming mga morit, magulang, g**o, at buong pamayanan ng MEBA.
“Ang tunay na tagumpay ay hindi lamang sa pagtatapos, kundi sa patuloy na paglalakad sa landas ng kaalaman at pananampalataya.”
Masha’Allah Mubarak sa lahat ng nagsipagtapos!
Alhamdulillah & Shukran!
Matagumpay na naisakatuparan ang ika-32nd Graduation Ceremony ng ating Institute. Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay tanging sa Allah lamang, sapagkat matagumpay nating natapos ang isa sa pinakamalaki at pinakamahalagang programa ng ating institusyon.
Lubos ang aking pasasalamat sa lahat ng tumulong at sumuporta, lalo na sa mga taga-suporta ng MII, at sa ating MEBA President na si Eng’r Macapagal Pangonotan Al-Hadj, kasama ang kanyang mga kasamahan, sa patuloy na paggabay at malasakit sa institusyon.
Taos-pusong pasasalamat din sa ating butihing panauhing tagapagsalita, Sheikh Prof. Jamilnur Diampuan Sarip, sa kanyang pagtugon sa aming imbitasyon at sa kanyang makahulugan at napakagandang talumpati na nagbigay-inspirasyon sa lahat.
Pinasasalamatan ko rin ang CMO-MCAD sa pamumuno ni Ma’am Jocelyn Lambac-Kanda, SCL, MPA, kasama ang kanyang mga kasamahan, sa kanilang mahalagang pagdalo at suporta sa programang ito.
Pinasasalamatan ko rin ang aking magigiting na mga estudyante, lalong-lalo na ang mga SBO Officers, sa kanilang buong pusong kooperasyon at dedikasyon. Nawa’y gantimpalaan kayo ng Allah ng higit pang kabutihan.
Hindi ko rin makakalimutan ang ating mga butihing g**o, na patuloy na nagsisikap at naglilingkod sa pagtuturo at paggabay sa ating mga anak. Maraming salamat sa inyong walang sawang sakripisyo.
Jazakumullahu khayran sa inyong lahat.
Sheikh Al-Majister Abdullah M. Edres
MII Director / Principal
29/01/2026
𝐌𝐄𝐁𝐀 𝐈𝐬𝐥𝐚𝐦𝐢𝐜 𝐈𝐧𝐬𝐭𝐢𝐭𝐮𝐭𝐞 recognizes
𝐉𝐚𝐰𝐚𝐝 𝐁. 𝐇𝐚𝐝𝐣𝐢𝐬𝐨𝐚𝐢𝐛 𝐕𝐀𝐋𝐄𝐃𝐈𝐂𝐓𝐎𝐑𝐈𝐀𝐍 | S.Y. 2025–2026
#𝐁𝐀𝐓𝐂𝐇 𝐉𝐈𝐋 𝐀𝐋-𝐁𝐔𝐍𝐘𝐀𝐍
"𝑻𝒉𝒆 𝑺𝒐𝒍𝒊𝒅 𝑮𝒆𝒏𝒆𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏"
Isang natatanging morit na nanguna sa akademikong kahusayan at nagsilbing inspirasyon sa kanyang mga kasabayan. Ang kanyang sipag, disiplina, at dedikasyon sa pag-aaral ay tunay na sumasalamin sa diwa ng 𝐉𝐢𝐥 𝐀𝐥-𝐁𝐮𝐧𝐲𝐚𝐧.
Bukod sa pagiging Valedictorian, siya ay naglingkod bilang SBO President noong S.Y. 2024–2025 at kasalukuyang SBO Vice President ngayong taon, patunay ng kanyang kakayahan sa pamumuno at serbisyo.
Masha’Allah Mubarak sa iyong tagumpay!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Cabe Subd. Brgy. Bula
General Santos
9500