Deped RXII Baluan Elementary School
29/06/2026
Sa pagsisimula ng bagong linggo, dalangin natin ang kaligtasan, gabay, at proteksyon para sa bawat isa. Happy Monday, ka-DepEd! π
28/06/2026
π’ OPISYAL NA ANUNSIYO
Ipinaaabot po ng pamunuan ng Baluan Elementary School na magkakaroon ng panibagong structural reassessment ng ating mga silid- aralan at pasilidad kasunod ng naganap na lindol nitong Biyernes. Dahil dito, wala munang Face-to-Face Classes simula Lunes, Hunyo 29.
Sa pansamantala, ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Inaanyayahan ang lahat na manatiling nakatutok sa opisyal na page ng ating paaralan at makipag- ugnayan sa inyong mga g**o at tagapayo para sa mga mahahalagang updates.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at kooperasyon.
We Are One in Baluan! ππβ₯οΈ
26/06/2026
π’ OPISYAL NA ANUNSYO
Ipinaaalam po sa lahat na matagumpay na naisagawa ang Post-Earthquake Structural Reassessment noong Hunyo 25, 2026.
Kaugnay nito, ang Baluan Elementary School ay idineklarang LIGTAS at muling magpapatuloy ang Blended Learning (Face-to-Face Classes at Modular Distance Learning) simula Hunyo 29.
Mangyaring sundin ang itinakdang iskedyul ng Face-to-Face Classes at Modular Distance Learning.
π ISKEDYUL NG FACE-TO-FACE CLASSES
β’ Kindergarten, Grade 1, Grade 2, at Grade 3 β Lunes at Martes
β’ Grade 4, Grade 5, at Grade 6 β Miyerkules at Huwebes
π ISKEDYUL NG MODULAR DISTANCE LEARNING
β’ Kindergarten, Grade 1, Grade 2, at Grade 3 β Miyerkules, Huwebes at Biyernes
β’ Grade 4, Grade 5, at Grade 6 β Lunes, Martes at Biyernes
π Paalala po na mahigpit na sundin ang iskedyul para sa maayos na pagpapatuloy ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
π© Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa mga g**o o tagapayo ng inyong anak.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at patuloy na suporta.
25/06/2026
Isinagawa ngayong araw sa Baluan Elementary School ang post-earthquake structural reassessment kasunod ng Magnitude 6.2 na lindol na yumanig sa lungsod noong Hunyo 15, 2026.
Layunin ng reassessment na masuri at ma-validate ang kasalukuyang kondisyon ng mga gusali at pasilidad upang matiyak ang kanilang kaligtasan at katatagan.
Batay sa isinagawang pagsusuri, nakatanggap ng green tag ang karamihan sa mga silid-aralan, na nangangahulugang safe for occupancy o ligtas gamitin, habang ang mga silid-aralan na nasa ikalawang palapag ay nabigyan ng yellow tag at pansamantalang restricted hanggang maisagawa ang mga kinakailangang pag-aayos sa mga bahaging nangangailangan ng pagkukumpuni.
Nagpapasalamat ang paaralan sa Division Structural Assessment Team na pinangunahan ni Sir Ronald Radin kasama si Maβam Lilibeth Lamberte, PSDS ng District 4, sa kanilang mahalagang serbisyo upang matiyak ang kaligtasan ng komunidad ng paaralan.
22/06/2026
Isinagawa ngayong araw ng Baluan Elementary School ang Psychological First Aid (PFA) sa pamamagitan ng online platform para sa mga mag-aaral at magulang bilang tugon sa kanselasyon ng face-to-face classes dulot ng lindol sa lungsod at upang mabigyan sila ng agarang psychosocial support.
Layunin ng pagsasagawa ng PFA na matulungan silang malampasan ang stress at emosyonal na epekto ng sakuna. Sa pamamagitan ng gawaing ito, ipinapakita rin ng paaralan ang patuloy na malasakit nito sa mental health ng mga mag-aaral at magulang.
GenSan: Together for Mental Healthπ§ π
22/06/2026
Happy 128th Anniversary, ka-DepEd! πβ€οΈ
Salamat sa 128 taon ng suporta at pakikiisa sa pagtataguyod ng edukasyon para sa bawat Pilipino.
Mula sa mga lungsod hanggang sa pinakamalalayong komunidad, patuloy na nagsisilbing tulay ang DepEd tungo sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat learner sa pamamagitan ng dedikasyon at malasakit ng ating mga g**o at kawani.
Ngayong taon, higit pa sa isang ahensya, ipinagdiriwang natin ang DepEd bilang isang komunidad na nagkakaisa para sa iisang layuning hubugin ang susunod na henerasyon at itaguyod ang kinabukasan ng bansa.
22/06/2026
Simulan ang linggo nang may pasasalamat sa bawat biyaya at may pusong handang maglingkod. Happy Monday, ka-DepEd! πβ€οΈ
21/06/2026
Happy Fatherβs Day! β€οΈ
Saludo sa lahat ng ama at sa mga taong nagsisilbing haligi at gabay ng tahanan.
Maraming salamat sa inyong pagmamahal, sakripisyo, at walang sawang pagsisikap para mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang inyong pamilya.
20/06/2026
π’ MAHALAGANG ANUNSIYO
Alinsunod sa abisong inilabas ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), magsasagawa ng post-earthquake structural re-assessment sa mga paaralan at iba pang mahahalagang pasilidad sa lungsod kasunod ng Magnitude 6.2 na lindol na yumanig noong Hunyo 15, 2026. Layunin ng muling inspeksiyong ito na masuri, ma-evaluate, at ma-validate ang kasalukuyang kondisyon ng mga gusali upang matiyak ang kanilang kaligtasan at katatagan.
Dahil dito, at bilang pag-iingat para sa kapakanan ng lahat, wala munang Face-to-Face Classes simula Lunes, Hunyo 22, habang hinihintay ang Bagong Safety Tags sa mga gusali ng paaralan. Kanselado rin ang lahat ng onsite activities sa paaralan.
Hinihiling namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa habang isinasagawa ang mga kinakailangang pagsusuri upang matiyak na ligtas ang kapaligiran ng ating paaralan. Ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, g**o, kawani, at mga magulang ang nananatiling pangunahing prayoridad ng Baluan Elementary School.
Inaanyayahan ang lahat na manatiling nakatutok sa opisyal na page ng Baluan Elementary School at makipag-ugnayan sa mga adviser ng inyong mga anak para sa mga susunod na anunsiyo at mahahalagang update.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na kooperasyon, suporta, at panalangin para sa kaligtasan ng buong komunidad.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Website
Address
Purok Tahimik, Barangay Baluan
General Santos
9500
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |