DepEd RXII Mabuhay Elementary School
28/06/2026
📣PAUNAWA
Bilang pag-iingat at upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani, walang face-to-face classes sa Lunes, Hunyo 29, 2026. Sa halip, ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) habang isinasagawa ang panibagong structural reassessment ng mga gusali ng paaralan.
Hinihiling namin ang inyong pakikiisa at patuloy na suporta. Mangyaring antabayanan ang mga opisyal na anunsyo sa page ng Mabuhay Elementary School para sa mga susunod na updates.
Ang kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad.
Maraming salamat at manatiling ligtas.
26/06/2026
Psychological First Aid (PFA) para sa mga Mag-aaral
Bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, matagumpay na isinagawa ng Mabuhay Elementary School ang Psychological First Aid (PFA).
Sa pamamagitan ng mga interactive na gawain, talakayan, at psychosocial activities, nabigyan ang bawat bata ng pagkakataong maipahayag ang kanilang saloobin, mapawi ang kanilang pangamba, at mapalakas ang kanilang emosyonal na katatagan.
Patuloy nating isinusulong ang isang paaralang ligtas, matatag, at mapagmalasakit, kung saan ang kapakanan at kalusugang pangkaisipan ng bawat mag-aaral ay laging prayoridad.
25/06/2026
📣ANNOUNCEMENT
Isinagawa ang muling pagsusuri ng mga gusali ng Mabuhay Elementary School ngayong araw, Hunyo 25, 2026. Batay sa isinagawang pagsusuri, maaari na nating ipagpatuloy ang Face-to-Face Learning.
Kasabay nito, magsasagawa ang Mabuhay Elementary School ng Psychological First Aid (PFA) para sa ating mga mag-aaral. Layunin ng gawaing ito na mabigyan ang ating mga mag-aaral ng suporta, pag-unawa at pag-aaruga upang matulungan silang makaramdam ng kaligtasan, kapanatagan at pag-asa sa kanilang pagbabalik sa paaralan.
Maraming salamat sa patuloy na suporta at pakikiisa ng ating mga magulang, g**o, at mga katuwang sa edukasyon. Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas, mapagkalinga, at masayang kapaligiran para sa bawat mag-aaral.
20/06/2026
📢 PAUNAWA
Ipinababatid sa lahat na ang nakatakdang face-to-face classes sa Lunes, Hunyo 22, 2026 ay pansamantalang ipinagpaliban bunsod ng patuloy na reassessment at inspeksyon ng mga gusali ng paaralan.
Samantala, pansamantalang ipatutupad ang asynchronous learning / PFA / check-in activities habang hinihintay ang bagong safety tags ng mga gusali. Mangyaring makipag-ugnayan sa inyong advisers para sa mga activities na kailangang gawin sa bahay.
Ang muling pagsasagawa ng face-to-face classes ay iaanunsyo sa panibagong iskedyul sa oras na matiyak na ligtas na gamitin ang mga pasilidad ng paaralan.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa. Manatiling ligtas ang lahat.
19/06/2026
Mabuhay Elementary School successfully conducted the Program on Mental Health and Psychosocial Support Services (MHPSS) and Parents’ Orientation, highlighting the importance of mental wellness, emotional support, and strong partnership between the school and parents.
The activity aimed to promote resilience, provide guidance during challenging times, and ensure the continuous learning and well-being of our learners in a safe and supportive environment.
Thank you to all the parents and stakeholders who participated and extended their unwavering support. Together, we continue to build stronger minds, caring hearts, and a brighter future for our children.
18/06/2026
In support of the mental and emotional well-being of its workforce, Mabuhay Elementary School conducted Healing Hearts, Strengthening Minds: A School-based Mental Health and Psychosocial Support Services (MHPSS) facilitated by our School Guidance Designate, Ma’am Arjane V. Manansala.
The activity aimed to support the mental and emotional well-being of school personnel by providing meaningful discussions, reflection, and practical strategies for stress management and resilience building.
Through this initiative, the school continues to promote a caring and supportive environment that values the well-being of every educator and staff member.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Website
Address
Purok 2 Barangay Mabuhay
General Santos City
Opening Hours
| Monday | 7:30am - 5pm |
| Tuesday | 7:30am - 5pm |
| Wednesday | 7:30am - 5pm |
| Thursday | 7:30am - 5pm |
| Friday | 7:30am - 5pm |