FNIHS Mayatba Extension Classes MEC

FNIHS Mayatba Extension Classes MEC

Share

Photos from FNIHS Mayatba Extension Classes MEC's post 27/02/2026

PASASALAMAT POST

Taos-pusong pasasalamat sa Sangguniang Barangay Mayatba sa kanilang suporta at tulong upang maisemento ang sahig ng ating mini canteen.

Sa pangunguna ni kapitan Jojie F. Montesines at ng kanyang mga kasamahan sa konseho, naging posible ang proyektong ito na magbibigay ng mas maayos, malinis, at ligtas na lugar para sa ating mga kabarangay.

Maraming salamat po sa inyong malasakit at patuloy na paglilingkod sa ating komunidad. 💙👏

Photos from FNIHS Mayatba Extension Classes MEC's post 21/02/2026

Pagbisita ng 4Ps Municipal Link sa Famy National Integrated High School – Mayatba Extension Classes

Nagkaroon ng pagbisita si mam Queenie Manalo, 4Ps Municipal Link, sa Famy National Integrated High School – Mayatba Extension upang kumustahin ang mga mag-aaral na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Kasama sa aktibidad ang pakikipag-ugnayan sa 4Ps Coordinator ng paaralan na si Chrismerlyn Manalili. Tinalakay ang attendance, academic performance, at pangkalahatang kalagayan ng mga benepisyaryong mag-aaral upang masig**o ang kanilang patuloy na pagsunod sa mga kondisyon ng programa.

Layunin ng pagbisita na mapalakas ang ugnayan ng paaralan at ng 4Ps, at masig**o na ang mga mag-aaral ay nabibigyan ng sapat na suporta upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap.

Photos from FNIHS Mayatba Extension Classes MEC's post 20/02/2026

Deworming 2nd Round | Pebrero 18, 2026

Matagumpay na isinagawa ang Deworming 2nd Round sa Famy National Integrated High School – Mayatba Extension Classes noong Pebrero 18, 2026.

Layunin ng gawaing ito na mapanatili ang mabuting kalusugan ng ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-iwas at pagbawas ng intestinal worm infections. Ang programang ito ay bahagi ng School Health Program sa pakikipagtulungan ng Department of Education at Department of Health.

Maraming salamat sa ating mga g**o, magulang, at famy sub office nurse na si Ana Teresa C. Gatbonton sa kanyang suporta at kooperasyon upang maisakatuparan ang programang ito.

💚 Kalusugan ng Kabataan, Prayoridad ng Paaralan! 💚

Photos from FNIHS Mayatba Extension Classes MEC's post 20/02/2026

Pinangunahan ng Grade 8 – Cheerful ang Flag Retreat noong February 16, 2026 sa Famy National Integrated High School – Mayatba Extension Classes na may layuning paigtingin ang disiplina, paggalang sa watawat, at pagpapahalaga sa pagiging makabayan ng bawat mag-aaral. 🇵🇭

Ang gawaing ito ay patunay ng aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa mga programang nagpapalakas ng pagkakaisa, responsibilidad, at pagmamahal sa paaralan at bansa.

Want your school to be the top-listed School/college in Famy?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Fnihs Mec
Famy
4021