Sulong - UPM
29/06/2026
๐๐๐ฅ๐๐ ๐ฉ๐ช๐ข๐๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ข๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐๐ฃ, ๐ช๐ข๐ช๐ช๐จ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐จ๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ. ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ-๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐๐๐ฃ, ๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ก๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐จ๐๐จ๐ฉ๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ฉ ๐จ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐ฃ.
Hawak ang diwa ng militanteng pagkilos at kolektibong pakikibaka, nananawagan tayo sa bawat estudyante na ipagpatuloy ang pagsagupa sa agos ng kawalang-bahala at kakulangan ng partisipasyon. Hamon sa atin na manatiling mahigpit ang kapit sa ating mga paninindigan at mangahas na makibaka para sa isang edukasyong makabayan, siyentipiko, at makamasa na tunay na naglilingkod sa sambayanan.
Kinikilala ng Sulong UP Manila ang mahalagang papel ng kabataan sa paglaban sa bulok na sistema sa ilalim ng imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo. Ang ilang ulit at malawakang student walkouts noong nakaraang taon laban sa korapsyon ay patunay na hindi mananahimik ang kabataan sa harap ng patuloy na paglala ng katiwalian at kawalang-panagutan sa gobyerno.
Ang mga pagkilos na ito ay pagpapatuloy ng militanteng diwa mula sa First Quarter Storm laban sa pasismo ni Marcos Sr., sa EDSA I na nagpatalsik sa diktadurang Marcos Sr., hanggang sa EDSA II laban sa katiwalian ng rehimeng Estrada sa Malacaรฑang. Paulit-ulit na pinatutunayan ng kabataan at mamamayan na ang sama-samang pagkilos ang susi sa paghamon at pagwasak sa bulok na sistema.
๐๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฉ๐ค๐ฃ๐ ๐ ๐๐ก๐๐๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฉ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฃ๐๐ฉ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ ๐จ๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐ข๐ค๐ฃ, ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฃ๐๐๐๐๐จ ๐ก๐ช๐ข๐๐๐๐ฃ.
Bilang mga lider-estudyante at bahagi ng ating komunidad, tungkulin nating magmulat, mag-organisa at sama-samang kumilos laban sa mga isyung kinakaharap ng mga estudyante ng UP Manila at ng mas malawak na sambayanan. Sa ganitong paraan lamang maitataguyod ang makatarungang lipunan kaakibat ang tunay na kalayaan at demokrasya, sapagkat nasa kamay natin ang tunay na kapangyarihan upang lumikha ng kasaysayan.
๐ง๐๐ป๐ฎ๐, ๐ฃ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป, ๐ ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป!
๐ฆ๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐จ๐ฃ๐ !
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Ermita