SAMAFIL - Dulag NHS
29/08/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ 2025๐ต๐ญโจ
Bilang pagwawakas sa isang buwang pagdiriwang ng wikang Filipino at ng ating mayamang kultura, ating kilalanin ang kahalagahan ng wika bilang salamin ng ating pagkakakilanlan at kasaysayan. Nawa'y magsilbing inspirasyon ang pagdiriwang na ito upang lalo pa nating linangin at mahalin ang ating sariling wika.
"Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika; Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa"
Taos pusong nagpapasalamat ang Samahan ng mga mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL), sa lahat ng suporta at tulong ng mga G**o sa Filipino, Punong G**o, at mga mag-aaral ng Dulag National High School, para sa matagumpay na selebrasyon ng Buwan ng Wika ngayong taon.
๐ด๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐'๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
21/08/2025
๐ฃ๏ธ ๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐!
Narito ang mga nagwagi sa ibat-ibang patimpalak kaugnay sa pagdiriwang ng ๐ฉ๐๐๐๐ ๐๐ ๐พ๐๐๐ 2025 na may temang...
"Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa".
Ang mga mag-aaral na nabanggit ay inaanyayahang dumalo sa Pampinid na Palatuntunang gaganapin sa, Ika-29 ng Agosto sa Social Hall, upang tanggapin ang mga sertipiko at pagkilala para sa paglahok.
15/08/2025
Taos pusong nagpapasalamat ang mga G**o sa Filipino, Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino, at sa lahat ng mga taong nasa likod ng matagumpay na programang BIDA SA ENTABLADO.
Napatunayan nga ng mga kabataang nagpamalas ng kani-kanilang mga kakayahan pagdating sa larangan ng Kultura at Wikang Filipino, na patuloy paring dumadaloy sa ating buhay at dugo ang tunay na ganda at kayamanan ng pinakamamahal nating bansang Pilipinas.
Mabuhay ang Wikang Filipino!
13/08/2025
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
1. Ang patimpalak ay bukas sa mga mag-aaral ng Dulag National High School mula baitang 7 hanggang 12.
2. Ang kalahok ay maaaring magtanghal ng ๐๐๐-๐๐๐๐ , ๐๐๐๐๐๐๐๐ , ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ , ๐๐๐-๐๐๐๐ , ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ o magkahalo-halong talento.
3. Ang kalahok ay maaaring isahan (solo), dalawahan (duo), o pangkatan (group) na hindi lalagpas ng 10 hanggang 15 miyembro.
4. Ang pagtatanghal ay mula tatlo (3) hanggang apat (4) na minuto.
5. Hindi papayagan ang anumang malisyoso at/o mapanganib na gawain o gamit.
6. Ang mga kalahok ang magdadala ng kanilang kagamitan o instrumento, maliban sa mikropono at speaker na mayroon na sa lugar ng patimpalak.
7. Magkakaroon ng tatlong (3) hurado. Ang kapasyahan ng lupong hurado ay pinal at hindi mapasusubalian.
8. Tatanggap lamang ng limang (5) pagtatanghal sa bawat baitang.
Hanapin sina...
Gng. Justine Santo,
Gng. Fiona Paza at
Gng. Josephine Sano,
g**o sa Filipino, para magpalista hanggang ika-11 ng Agosto 4:30 ng hapon.
9. Ang patimpalak ay magaganap sa ika-14 ng Agosto sa Social Hall.
10. Narito ang panukatan ng paghatol: Dating sa Madla (Audience Impact) - 30%, Orihinalidad - 20%,
Pangkalahatang Pagtatanghal o Talento - 50% |
Kabuuan = 100%
๐๐๐๐๐๐๐ | Sa lahat ng kalahok ng BidyoKasiya 2025, hanggang Martes, Agosto 11, 4:30 ng hapon lamang ang pagpasa ng inyong awput. I-attach sa Google Drive link na ito:
https://drive.google.com/drive/folders/1Q5YcK53748pKRnIMGrWoXLrgYssRJUOA
o maghanda ng flashdrive at personal na iabot kay G. Brian S. Delopere sa 9-Bia Silid. ๐ฅ
Huwag palampasin โ ipakita ang galing sa iyong obra!
07/08/2025
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ข๐๐๐๐ ๐๐๐-๐๐ ๐๐๐๐ฆ๐ข๐ ๐๐ ๐๐๐ค๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐
๐ ๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐
๐
Sa halip na Ika-15 ng Agosto gaganapin ang ๐ฉ๐๐
๐ ๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐
๐.
Isasagawa ito sa Ika-14 ng Agosto (Huwebes), sa kadahilanang isasagawa ang isang Seminar para sa mga G**o.
Maraming Salamat!
Magpalista na!
๐๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ญ๐...
Kay Gng. Santo, Ika-11 ng Agosto(Lunes) sa G10 Quartz.
05/08/2025
05/08/2025
๐๐๐๐ 2025 | ๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐ฌ๐๐ก๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ฌ๐ฅ๐จ๐ ๐๐ง
Sumali na! ๐ต๐ญ
PAGGAWA NG ISLOGAN
1. Ang mga kalahok ay mag-aaral mula baitang 7 - 12.
2. Gaganapin sa silid ng Dulag NHS Silid-Aklatan, ika-5 ng Agosto, 4:00 ng hapon.
3. Ang islogan ay sumusunod sa tema ng , ang โPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.โ
4. Ang islogan ay binubuo ng lima (5) hanggang labing-limang (15) salita sa wikang Filipino.
5. Ang mga kalahok ang magdadala ng kagamitan, marker, 1/4 illustration board (cardboard) at iba pang kaugnay na maaaring magamit.
PAMANTAYAN:
Diwa o Ideya : 50%
Kaugnayan sa Tema : 30%
Orihinalidad : 20%
KABUUAN = 100%
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Kempis Street, Brgy. Serrano
Dulag
6505
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |