BFP R5 Donsol Fire Station

BFP R5 Donsol Fire Station

Share

07/07/2026

FIRE SAFETY TIPS

"YUNG EKSPERTO"

📌In case of fire and other emergencies, please call:
☎️HOTLINES:
BFP:09477456092
PNP: 09218070800
MDRRMO:09994719654

06/07/2026

PAALALA MULA SA BFP REGION 5: WALANG BAYAD ANG PAGPASOK SA ATING HANAY

Sa ilalim ng pamumuno ni FCSUPT JUNITO F MASLANG, DSC, Regional Director, malinaw at tuwiran ang panawagan ng Bureau of Fire Protection Region 5 sa ating mga kababayang Bikolano: ang pagpasok sa serbisyo mula sa pagsusumite ng aplikasyon hanggang sa pag akyat ng ranggo ay LIBRE. Walang piso, walang "lagay," at walang paikot ikot na kailangang bayaran kanino man.

Bilang bahagi ng pananagutan ng Bureau, lahat ng proseso ng promosyon ng ating mga tauhan ay dumadaan sa patas, transparent at alinsunod sa umiiral na patakaran at kwalipikasyon, walang shortcut, walang pinipilian, laan ito para sa sinumang tapat na naglingkod at natugunan ang mga kinakailangan.

Idinadagdag din namin na hindi lamang ang pagpasok at promosyon ang walang bayad pati na rin ang mga regular na serbisyo ng BFP Region 5 sa publiko ay LIBRE, kabilang na ang inspeksyon ng mga establisyimento para sa fire safety compliance, ang pagsasagawa ng Fire Safety Seminars para sa mga negosyo, paaralan at komunidad, gayundin ang mga fire drills at emergency response exercises. Walang dapat bayaran ang publiko para sa mga serbisyong ito, bahagi ito ng aming mandato na protektahan ang buhay at ari-arian ng bawat Bikolano.

Idinidiin din ng BFP Region 5 na HINDI pinapahintulutan ang paggamit sa pangalan ni Regional Director, FCSUPT JUNITO F MASLANG, DSC at ng iba pang opisyal ng BFP Region 5 para sa personal na interes, pandaraya, o anumang iskema kabilang na ang pangangako ng trabaho, promosyon o espesyal na pabor kapalit ng salapi o pabuya. Sinuman ang mag tangka na gumamit sa ngalan ng ating mga opisyal para sa ganitong layunin ay walang awtoridad mula sa Bureau at dapat kaagad na isumbong.

Sa ilalim ng kampanyang BFP SANTINDIG, patuloy nating isinusulong ang malinis at may integridad na paglilingkod sa buong Region 5 mula sa pagtanggap ng bagong kawani hanggang sa pag angat ng ranggo ng ating mga beteranong bumbero.

Kung mayroon mang nakakaalam o nakaranas ng katiwalian kaugnay ng pagpasok o promosyon sa BFP, huwag mag-atubiling magsumbong:

National SANTINDIG: 0920-252-3499
Regional SANTINDIG:
SMART - 0961-423-5913
GLOBE - 0956-241-8483
Email: [email protected]

Sama-sama tayong magpatatag ng isang bumberong tapat, disiplinado at malaya sa katiwalian.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Donsol?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Awaii Donsol Sorsogon
Donsol
4715