Brgy.Dimapula

Brgy.Dimapula

Share

08/03/2026

📢 Barangay Assembly Day -1st semester CY 2026.

Inaanyayahan ang lahat ng mga mamamayan na makiisa sa ating Barangay Assembly Day.ito ay isang mahalagang pagkakataon upang maibahagi ang mga ulat,programa at mga plano ng barangay para sa patuloy na kalinisan,kaayusan,kapayapaan at kaunlaran ng ating komunidad.

Ang inyong prisensya at pakikilahok ay mahalaga upang mas mapalakas ang pagkakaisa at kooperasyon ng bawat isa para sa mas maunlad na Barangay Dimapula.✨

21/02/2026

📣📣📣 Inaanyayahan po ang lahat ng kababaihan ng Dimapula na dumalo sa Women's association meeting..kita-kits po tayo ❤️❤️❤️

21/01/2026

📢 PABATID

Ipinapaalam po sa lahat ng residente ng Barangay Dimapula na magkakaroon ng COMELEC Satellite Registration sa mga sumusunod na detalye.

📆Petsa: January 23,2026
📍Lugar: Dimapula Multi-purpose Hall
⏰Oras:8:00 ng umaga hanggang 3:00 Ng hapon.

👉Ang mga maaaring magparehistro ay may edad na 14 taong gulang pataas.

Kasama rin po sa serbisyong ito ang:

▪️New Registration

▪️ Transfer of Registration

▪️ Reactivation

▪️ Correction of Entries

Inaanyayahan po ang lahat ng kwalipikado na samantalahin ang serbisyong ito.

Maraming salamat po.

09/01/2026

📢 PABATID :
Sa mga kukuha/hindi pa nakakuha ng Cedula ,ang opisina ng Barangay Treasurer ay bukas po sa susunod na linggo ,at sa Jan.14,2026 ay nasa gym po ang ating treasurer para sa pagproseso ng cedula.

Lubos po naming hinihiling ang inyong pang-unawa sapagkat ang ating treasurer ay marami po siyang kasalukuyang ginagampanang tungkulin.

🙏 Maraming salamat po.

Photos from Brgy.Dimapula 's post 06/01/2026

🌧️☔.. Nutritional Supplements distribution made possible with love and dedication from our BNS and BHW's.👍😊 Jenifer Bulan Wilinda Diones Nalapo Josephine Soliman Nor's Montanez 📸Mhel GD Pascua 🛺 Frank Almeriz

05/12/2025

📣📣📣The office of the COMELEC will conduct a Satellite Registration on December 12,2025 at Barangay Dimapula Community Center!

Para sa lahat ng gustong magparehistro (14 years old and above),pati narin sa mga gustong magtransfer o magpa-update or corrections,inaanyayahan po namin kayong dumalo.

02/12/2025

📢📢📢 PAANYAYA PARA SA LAHAT NG RESIDENTE NG DIMAPULA.

Magandang Araw Po!

Inaanyayahan po namin ang lahat ng residente ng Dimapula na magparehistro sa YAKAP program ng Philheath,na naglalayong matiyak na ang bawat pamilyang Pilipino ay may sapat na benepisyo at proteksyon sa kalusugan.

Ang pagrerehistro at konsultasyon ay gaganapin sa:

⏹️ Barangay Dimapula Health Station
Kasama ang mga BHW's at BNS na handang umassist sa inyo.
⏹️ Monday --Friday,8:00am--5:00pm until December 8, 2025 only!

Mga Dapat Dalhin:
-Valid ID
-Philhealth ID (kung meron na)
-Birth Certificate ng mga Bata(kung isasama sa pagpaparehistro)
-PMRF form (kung meron na)

Hinihikayat Po namin ang lahat ng residente na makilahok upang matiyak ang tuloy-tuloy at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat pamilya.

Para sa karagdagan impormasyon,
makipagugnayan lamang sa ating BNS at BHW''s o magtungo sa Barangay Dimapula Health Station.

Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pagdalo.

Photos from Brgy.Dimapula 's post 29/11/2025

Today,we celebrated not just our children_but their dreams, safety and rights.Thank u GOD for this successful Children's month celebration !🥰

Photos from Brgy.Dimapula 's post 10/11/2025

Road Clearing Operation in progress after typhoon Uwan.Thank you to all teams working hard to ensure safe passage for our community 🤎🤎🤎 (Nov.10,2025)

Photos from Brgy.Dimapula 's post 06/11/2025

📢Barangay Dimapula Advisory 🌧️

Ang Barangay Dimapula ay nagsagawa ng pagpupulong bilang paghahanda sa sinusubaybayang paparating na bagyong si Uwan,sa pangunguna ng mahal na Punong Barangay Hon.Margie B. Capistrano.
Layunin ng pagpupulong na masiguro ang kaligtasan at kahandaan ng bawat mamamayan sa posibleng epekto ng bagyo.

🤝 Mula sa Tanggapan Ng Barangay Dimapula,paalala po sa lahat:
➡️Maging alerto at handa.
➡️I-secure ang inyong mga tahanan.
➡️Makinig sa mga opisyal na abiso at huwag makampante.
➡️Laging sumubaybay sa mga Balita at mahahalagang impormasyon.

Photos from Brgy.Dimapula 's post 06/11/2025

📢CY 2025 4rth Quarter Nationwide Simultaneous EarthQuake Drill 🌏

Ang mga Barangay officials at Employees ng Barangay Dimapula ay aktibong lumahok sa isinasagawang nationwide simultaneous earthquake drill bilang bahagi ng pagpapalakas ng kahandaan sa panahon ng sakuna.💪
Layunin ng aktibidad na ito na mapanatiling handa at maalam ang bawat isa sa tamang pagtugon sa oras ng lindol.--"DUCK, COVER AND HOLD".
Salamat sa lahat Ng lumahok at patuloy na sumusuporta sa mga programang pangkaligtasan ng ating Barangay!🙏

Photos from Brgy.Dimapula 's post 26/10/2025

Sa ngalan Ng Barangay Dimapula ,taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa Barangay Assembly.
Salamat din Po sa ating mga bisita,mga opisyal ng komunidad,mga mamamayan,at sa lahat ng tumulong para maging maayos at matagumpay ang ating pagpupulong .
Maraming -maraming salamat po sa inyong lahat!!🙏❤️🤝

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Divilican?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Culinary Team

Attire

Website

Address


Divilacan, Isabela
Divilican
3335