Rule Breakers Kennel
09/06/2023
❤️❤️❤️
‘NANGINGIBABAW ANG PAGMAMAHAL NAMIN SA KANYA’ 🐶
Kumalap ng papuri mula sa mga netizens ang kwentong ibinahagi ng furparent na si Wendell kung saan tampok ang transformation ng dating stray dog at ngayo’y kanya nang furbaby na si Ralf.
Kwento ni Wendell, natagpuan niya si Ralf sa labas ng kanilang gate.
“Nakita ko si Ralf sa tapat ng gate namin. Binigyan agad namin ng pagkain. Grabe ang gutom nya. Pinaliguan at pinagamot agad namin noong araw na yon. Pagdating ng gabi, pinatulog na namin sya. Sinabi ko sa Mrs ko at sa anak ko na ihanda na lang namin ang sarili namin na pwedeng pag gising namin hindi sya naka survive kasi nga sobrang hina na nya. Ang swerte namin na ang saya saya nya kaming sinalubong pag gising namin,” kwento nito sa PSND.
Aminado si Wendell na wala silang idea sa pag-aalaga ng a*o ngunit nangibabaw ang kanilang pagmamahal kay Ralf.
“Madami kaming trial and error sa pag aalaga kasi wala kaming idea dito. Pero nangingibabaw ang pagmamahal namin kay ralf kaya napalaki namin ng maayos,” dagdag pa nito.
“Hindi mo matatawaran ang ligaya na pwedeng ibigay ng isang alagang a*o sa iyo. Higit sa loyalty, mamahalin ka nya na buong buo. Walang sawang maghihintay sa iyo at palaging ready na mag entertain sa’yo, ano man ang mood mo,” lahad pa nito. (Facebook/Wendell Vincent Ramiro)
03/06/2023
Jisoo pups photo dumps 🐾
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Dinalupihan
2110
17/05/2023