Ang Bagong Landas
01/05/2026
SALUDO SA LAHAT NG MANGGAGAWA! 👨🏼🌾🧑🏼🍳👩🏫🧑🏻⚕️👩🏻🏭🧑🏻🚒👨🏻🔧
Mga Ka-Landas, tuwing ika-1 ng Mayo, inaalala natin ang Araw ng Manggagawa batay sa Act No. 1818 (1908).
Pagpupugay sa lahat ng mga manggagawang Pilipino na patuloy na nag-aambag ng kasipagan, kahusayan at dedikasyon sa pag-unlad ng bansa.
💻✍🏻 | Rhianna Permi
30/04/2026
PANITIKAN | Sa pagdiriwang ng World Autism Month, inihahandog ang tulang nagpapaalala na ang bawat pagkakaiba ay may sariling liwanag.
Gandang Kakaiba
Ni: Rizza Cubar
kaibigan ko si Nana,
may ngiting marahang sumisilang,
parang unang sinag ng umagang bagong gising
na sa dibdib ko’y marahang sumisilong.
sabi ng iba, siya raw ay kakaiba,
bituing hindi sa iisang langit nakakulong,
tila sumasalungat sa mga landas na nakasanayan,
ngunit lalo lamang nagniningning sa sariling dilim.
ngunit hindi siya kailanman naligaw ni nalito,
liwanag lamang siyang may sariling anyo at himig,
hindi kailangang maging katulad upang maging buo,
sapagkat ang kanyang ganda’y payapa ngunit matalim sa pag-ibig.
may katahimikang hindi agad maunawaan,
parang alon na dumarating sa takdang panahon,
ngunit sa ilalim nito’y pusong marunong magmahal,
hindi kailangang ipaliwanag upang maging totoo.
kaya’t hahawakan ko ang kanyang kamay,
parang dahong sumasabay sa hangin nang banayad,
hindi upang baguhin ang kanyang landas,
kundi samahan siya sa bawat hakbang ng paglalakbay.
kaibigan ko si Nana,
oo, siya nga ay kakaiba,
ngunit sa paraang kay ganda,
na bihirang maabot ng mata ng iba.
✍🏻 | Rizza Cubar
💻 | Rhianna Permi
29/04/2026
BASAHIN | Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikang Filipino, tampok ang kinikilalang “Prinsipe ng mga Makatang Tagalog”– Francisco ‘Balagtas’ Baltazar (1788-1862).
Sa pamamagitan ng kanyang obra na Florante at Laura, naipamalas nito ang lalim ng damdamin, talim ng pag-iisip, at katotohanang sumasalamin sa lipunan. Hanggang sa ngayon, patuloy na nagbibigay-inspirasyon ang mga obra ni Baltazar sa mga Pilipino, lalo na sa larangan ng panitikan. /rp
💻✍🏻 | Rhianna Permi
29/04/2026
BUWAN NG PANITIKANG FILIPINO 📖 ✨
Mga ka-Landas, ngayong buwan ng Abril, ipinagdiriwang natin ang yaman ng panitikang Pilipino.
Basahin, tuklasin at pahalagahan ang mga kuwento, tula, at iba pang akdang sariling atin na sumasalamin sa ating kultura at lipunan.
💻| Rhianna Permi
28/04/2026
SCHOOL BREAK EDITION BINGO, ANO TARA? 👀
Mga Ka-Landas, 42 days na lang bago pasukan! Na-check mo na ba ang goals mo? Kung hindi pa, gamitin ang School Break Bingo at tapusin ang natitira bago matapos ang bakasyon! I-flex ang bingo, i-tag ang friends, at alamin kung sino ang pinaka-productive.
💻✍🏻 | Rhianna Permi
24/04/2026
MARAMING SALAMAT, BISHOP JIMMY
Personal na dumating si Apostolic Nuncio Charles John Brown sa Mary Mediatrix Cathedral of Digos, April 24, 2026 upang ipagdiwang ang threefold jubilee at Episcopal Blessing sa ika-50 anibersaryo ng pagkapari ni Bishop Guillermo D. Afable
Inordinahan si Bishop Afable noong Abril 24, 1976 sa Davao City at naglingkod ng dalawampu’t tatlong taon sa Diocese ng Digos simula 2003.
Sa edad na 75, magreretiro na si Bishop Afable bilang mandatoryong edad ng mga pari. /mgp
💻✍️| Matt Pagayon
📷| via MMC SocCom
22/04/2026
TATAK S.I.D.E ‘YAN! 💃✨
Buong pusong inilaban ng pangkat ng Pinasayaw mula sa Rehiyon XI ang kanilang husay sa entablado ng NFOT 2026, kahapon, Abril 21 sa Roxas City, Capiz.
Ipinamalas ng Sining Indayog Dance Ensemble (S.I.D.E) ng Digos City National High School – SPA Dance Arts ang kahusayan at disiplina sa bawat galaw na nagpamangha sa mga manonood.
Hindi man nakuha ng mga talentadong mananayaw ang inaasam na panalo, buong dangal naman nilang itinanghal ang kultura at sining ng rehiyon sa pambansang entablado./abl
💻 | Princess Deparine
22/04/2026
BOSES ANG PUHUNAN 🎤 ✨
Pinatunayan ng mga pambato ng Digos City National High School ang kanilang husay sa pag-awit matapos masungkit ang ikaapat na puwesto sa kategoryang Likhawitan sa ginanap na National Festival of Talents 2026 sa Roxas City, Capiz.
Binubuo ang koponan nina Chynna Juliana Tinagan ng SPFL Mandarin, kasama sina Bluenhieza Pabalan, Jewel Anne De Leon, at Princess Kate Moneba Castardo mula sa SPA Voice Arts. Katuwang ang kanilang mga tagapagsanay na sina G. Jefferson Bancoro at G. Art Albert Antepuesto.
Sa pamamagitan ng malikhaing komposisyon at makabuluhang mensahe, ipinamalas ng koponan ang kanilang talento at dedikasyon na nagbigay karangalan hindi lamang sa paaralan kundi sa buong rehiyon.
Isang patunay na sa bawat titik at himig, nangingibabaw ang galing ng kabataang mang-aawit ng Rehiyon Onse. /pd
💻 ✍️ | Princess Deparine
20/04/2026
GULONG NG KAALAMAN
Inilunsad noong Abril 14, 2026 sa Ormoc City, Leyte ang isang ‘Traveling Library’ kung saan may layuning palakasin ang programa ng lungsod sa literasiya at mapanatili ang kahiligan ng mga Ormocanon sa pagbabasa.
Pinangunahan ni Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez ang naturang inisyatiba na sinuportahan naman ni DepEd Secretary Sonny Angara sa pagbisita nito sa lungsod.
Iikot ang mobile library sa iba’t ibang mga barangay sa Ormoc City. /abl
📸 | via Princess Deparine/ABLMedia
19/04/2026
Maligayang Kaarawan, Ma’am Noba J. Rubion! 💙✨
Mula sa opisyal na pahayagang pampaaralan na Ang Bagong Landas, binabati po namin ng maligayang kaarawan ang aming punong-guro na patuloy na nagsisilbing haligi ng inspirasyon at pag-asa sa buong komunidad ng paaralan.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong matatag na pamumuno, malasakit, at dedikasyon sa paghubog ng kalidad na edukasyon. Ang inyong gabay ay nagiging daan upang mas mapalakas ang kakayahan at pangarap ng bawat mag-aaral.
Nawa’y ang araw na ito ay maghatid sa inyo ng kagalakan, biyaya, at mabuting kalusugan.
💻✍🏻 | Rhianna Permi
19/04/2026
Maligayang kaarawan, Ma’am Maryam Dessa Buat-Mupal! 💙✨
Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta sa ABL. Kayo ay isang ehemplo ng tunay na School Paper Adviser. Ang inyong dedikasyon at pagsisikap ay isa sa mga dahilan kung bakit nakamit ng ABL ang lahat ng biyayang nais nating makamtan noon pa man, at naging mas makabuluhan ito dahil sa inyo.
Nawa'y mapuno ng saya, biyaya, at mabuting kalusugan ang inyong espesyal na araw.
💻 | Rhianna Mae Permi
✍🏻 | Jene Granada
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
Rizal Avenue
Digos
8002