Ember Press
12/05/2026
HIS SECLUDED HEART
Eury Evans
CHAPTER 16
PRINCESS
Dahil hindi pa magaling ang napilayang paa, nanatili lamang si Ara sa loob ng bahay. Puro upo at higa lamang ang ginawa niya sa loob ng ilang araw. Ayaw naman siyang patulungin ni Aling Sion dahil mahigpit na ipinagbilin ni Ryan na huwag muna siyang pagtrabahuhin sa loob ng bahay.
Inabala na lamang niya ang sarili sa panonood ng K-drama. Napili niyang panoorin ang TV series na ”It’s Okay to Not Be Okay”, na pinagbidahan ng isa sa mga paborito niyang Korean actors na si Kim Soo-hyun. Kapareha nito sa naturang K-drama si Seo Yea-ji.
Mabigat sa dibdib niya ang karakter na ginampanan ni Yea-ji bilang si Ko Moon-young sa nasabing serye. Para kasi itong bipolar. Ngunit hindi naman siya nabigo sa takbo ng kuwento dahil maganda rin ang character development ng female lead.
Isa pa, labis siyang humanga sa pag-arte ni Yea-ji. Nakita niya kung gaano ito kagaling bilang aktres dahil bagay rito ang gampanan ang malamig at salat sa pagmamahal na karakter ni Moon-young. Bukod pa roon, gandang-ganda rin siya sa mababang boses ng babae.
Kinikilig din siya sa on-screen chemistry ng male lead at female lead.
The series had a very polished and darkly beautiful look to it, and it did a good job of making her feel both grim and happy at the same time.
Ipinakita rin nito kung paano itinatago ng mga karakter ang kanilang emosyon at kung paano sila nasasaktan.
In terms of how it was handled and executed, she was particularly impressed by the show’s depiction of situations from the perspective of a mental patient.
Nasa kalagitnaan na siya ng pang-sampung episode nang dalawin siya ng antok. Hikab siya nang hikab hanggang sa hindi na niya kinaya ang pamimigat ng kaniyang mga talukap.
---
“You can be me, Kristine. Why not, my dear? Mapapasaiyo ang lahat ng pera ng pamilya ko at ang marangyang buhay na mayroon ako. Sundin mo lang ang lahat ng gusto ko.”
“Nababaliw ka na, Catherine! Hindi ko ipagpapalit ang buhay ko sa maraming pera!”
Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaniyang pisngi. Nalasahan niya ang malansang dugo mula sa kaniyang labing pumutok dahil sa bigat ng kamay ni Catherine.
“Wala ka nang uuwian, Kristine. Ulila ka na. Wala ka nang kamag-anak. Kung hindi mo susundin ang plano ko, hindi ka mabubuhay nang maayos!”
“Hindi ka Diyos para diktahan ako sa dapat kong gawin sa buhay ko, Catherine. Patayin mo man ako, hindi ako magiging ikaw. At hindi mo matatakasan ang impiyernong buhay na mayroon ka!” singhal niya. Nagpupuyos ang kaniyang kalooban laban sa babaeng ito.
Muli sana siya nitong sasampalin, ngunit mabilis niyang nasalag ang kamay nito. Gamit ang isang kamay ay ginantihan niya rin ito ng nakakabinging sampal.
“Kahit sabihin kong magkapatid tayo, Kristine? Hindi mo ako tutulungan sa problema ko? How dare you!”
“How dare you, too, Catherine? Dahil hindi kita kapatid. Wala akong kapatid na katulad mo. Sinong kapatid ang gustong takasan ang kumunoy habang itinutulak ang sariling kapatid sa impiyerno? Hindi tayo magkadugo, Catherine. Ayaw kong maging kapatid ka!”
Tumawa ito nang malakas. Tila ba nababaliw na ang tono ng tawa nito.
“Ako lang ang nakaaalam ng tunay mong pagkatao, Kristine. Walang alam ang iba. Tingnan natin kung hindi ako magtatagumpay sa gusto ko. Ayaw mo? Wala akong pakialam, Kristine. Pero sinisiguro kong magigising ka na lamang bilang ako.”
---
Ang mga sumunod na eksena ay nagpakita na nasa loob siya ng isang malaking mansiyon. Para siyang prinsesa—lahat ng gusto niya ay naibibigay. Marami na rin siyang utusan na gumagawa ng lahat ng mga gawaing dati ay siya mismo ang gumagawa.
05/05/2026
Eury Evans
Link:
https://www.novelol.com/goodnovel/share?bid=31001350532&uid=112220424&l=bookDetail&sc=fxrw_0_bookDetail&rd=4&type=3
She seized the moment when a man named Matthew mistook her for a gift at his stag party. Desperate to escape the arranged marriage waiting for her back in the Philippines, Zenna gave herself to a stranger she met along the moonlit shores of Viareggio.
Her plan worked. She was free.
But freedom came at a cost—her family turned their backs on her, leaving her to carry the weight of her choices alone.
Two years later, fate pulls them back into each other’s orbit. Matthew is no longer the man she once knew—he’s colder, sharper, and demanding payment for the wedding that never happened. His condition is simple: they live together under one roof.
But Zenna has a secret.
Nathaniel.
How can she hide the truth about her son when every inch of the boy’s face echoes the unmistakable legacy of the Ricaforte name?
She isn’t ready for Matthew’s anger.
And yet… her body betrays her, responding with dangerous familiarity to every look, every touch, every unspoken promise between them.
In a game of desire, secrets, and unfinished vows—how long can she keep the truth hidden before everything unravels?
02/05/2023
08/06/2022
Sino po ang mag-e-exam ng BLEPT/LET sa September? Pm us now to avail!!
General Education
Major (Math, Science, Englosh, Ap, Mapeh, Filipino, ESP, and TLE)
PROFESSIONAL Education
26/02/2022
Available Ebook!
YOU COULD BE MINE
Eury Evans
Completed/Romance/SPG
₱100.00 only
About The Ebook:
She's the type of woman who gets what she wants.
He's the kind of guy who didn't fell for her beauty.
She made a set-up.
He was trapped.
But will her ploy give her what she wants? Or will it only give her pain?
Will he succeed in his struggle to be free? Or will his heart be caught forever?
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Diffun