Clintspeedy
Show Up
09/07/2026
Maraming gustong magsabi kung paano mo dapat tahakin ang buhay mo. Pero bilang atleta, natutunan ko na ang bawat tagumpay ay bunga ng sariling disiplina, sakripisyo, at desisyon.
kaya gawin mo para sa mga pangarap mo, hindi para sa palakpak at atensyun ng iba.
Block their noise and start now.
tulad nang lagi sinasabi sa forecast
" may tamang panahon para sayo "
I always believe that there is a right time for everything. Kaya wag mong isipin na napag iwanan kana, nauna lang sila at darating din yung oras na para sayoo,
I will forever be the person who encourages my Co-Athletes to go after their dreams. And if you doubt yourself, you can borrow my belief in you.
04/07/2026
Maraming Salamat Ma Black! Sa lahat ng supporta mo simula nung nag sisimula palang ako ( Year 2023 ).
Sa mundo ng sports, madalas ang nakikita lamang ng karamihan ay ang atleta ang mga medalya, panalo, personal best, at mga tagumpay na ipinagdiriwang nag karamaihan. pero sa likod ng bawat batang nangangarap at patuloy na lumalaban, may mga magulang na tahimik na nagsasakripisyo araw-araw.
May mga magulang na maagang gumigising para ihanda ang kanilang anak sa training. May mga nag-aadjust ng oras sa trabaho para maihatid at masundo sila. May mga nagtitipid sa sariling pangangailangan upang may maipambayad sa training fees, pamasahe, pagkain, jersey, sapatos, at iba pang gamit na kailangan para makapag ensayo nang maayos at ligtas ang mga anak nila.
HINDI BIRO ang suportahan ang isang BATANG ATHLETA. Maraming gastos, maraming pagod, at maraming sakripisyo na hindi nakikita ng iba. May mga pagkakataong kinakailangang unahin ng mga magulang ang pangarap ng kanilang anak kaysa sa sarili nilang kagustuhan. May mga panahong sila ang unang nag-aalala kapag may injury, unang nagdadasal bago ang kompetisyon, at unang sumasalo kapag may pagkatalo o pagkadismaya.
At ang totoo, hindi lahat ng sakripisyo ay nauuwi sa medalya. Hindi lahat ng pagod ay may katumbas na tropeo. Ngunit patuloy pa rin silang sumusuporta dahil alam nilang mas mahalaga kayaa sa panalo ang mga aral na natututunan ng kanilang anak ang disiplina, tiyaga, respeto, katatagan, at ang lakas ng loob na bumangon sa bawat pagkakamali at pagkatalo.
Ang post na ito ay hindi para magyabang. Hindi ito para ipakita kung magkano ang nagagastos o gaano kalaki ang naibibigay. Ito ay simpleng pagpupugay at pasasalamat sa mga magulang na pinipiling maniwala sa kanilang mga anak.
Sa mga magulang na patuloy na sumusuporta kahit minsan ay hindi nila lubos na naiintindihan ang sport na pinili ng kanilang anak, sa mga magulang na nananatili sa gilid ng track, court, field, o gym, naghihintay matapos ang training. Sa mga magulang na nagbibigay ng lakas ng loob kapag gusto nang sumuko ng kanilang anak. Sa mga magulang na tahimik na nagsasakripisyo upang mabigyan sila ng pagkakataong maabot ang kanilang mga pangarap! maraming salamat.
Maaaring hindi ninyo ito madalas marinig. Maaaring hindi palaging napapansin ang inyong mga ginagawa ngunit ang bawat sakripisyo, bawat sentimong ginastos, bawat oras na inilaan, at bawat salitang nag papalakas ng loob nila ay may malaking epekto sa buhay ng inyong mga anak.
Balang araw, maaaring makalimutan nila ang resulta ng isang laro o kompetisyon
pero hindi nila makakalimutan na may mga magulang na naniwala sa kanila, sumuporta sa kanila, at nanatili sa kanilang tabi sa bawat tagumpay at pagka talo.
Sa lahat ng magulang na patuloy na sumusuporta sa mga pangarap ng kanilang mga anak, saludo kami sa inyo kayo ang isa sa pinakamahalagang dahilan kung bakit may mga batang patuloy na nangangarap, nagsisikap, at lumalaban para sa mas magandang kinabukasan.
Maraming salamat sa inyong pagmamahal, pagtitiis, at walang sawang suporta. Hindi man kayo ang nakatayo sa podium, bahagi kayo ng bawat tagumpay na naaabot ng inyong mga anak.
Ang bawat batang atleta na may magulang na sumusuporta ay tunay na mayaman sa pagmamahal at pagkakataon. 👨👩👧👦🏅❤️
“ M - Mayla Abetong “ me knowing my mama watches all my races 🙏🏾❤️
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Burol 1
Dasmarinas