Ang Silayan
12/06/2026
“Ang mamatay nang dahil sa’yo.” 🇵🇭
Ngayong ika-12 ng Hunyo, ating gunitain ang araw na simbolo ng katapangan, pagkakaisa, at pagmamahal ng mga Pilipino sa bayan, araw kung kailan ipinahayag ng ating mga ninuno ang kanilang hangarin para sa kalayaan at ipinaglaban ito sa kabila ng mga pagsubok at sakripisyo.
Bibigyang-pugay ang mga bayaning nag-alay ng lakas, panahon maging buhay upang makamit ang kalayaang tinatamasa natin ngayon na nagsilbing daan tungo sa isang malayang bansa.
Sa pamamagitan ng ating mga simpleng pagkilos, maipapamana natin sa mga susunod na henerasyon ang diwa ng kalayaan na buong tapang na ipinaglaban ng ating mga ninuno.
Maligayang Araw ng Kalayaan, Pilipinas! 🇵🇭
Kalayaang ipinaglaban noon, pananagutan nating ipagpatuloy ngayon. ✨
02/06/2026
𝐇𝐮𝐧𝐲𝐨 - buwan kung saan ang bahaghari ang mamumukadkad upang ilantad ang sarili nang may kalayaan. 𝐌𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐫𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐥𝐮𝐤𝐮𝐲𝐚𝐧, 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐦𝐩𝐥𝐮𝐰𝐞𝐧𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐛𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐩𝐚𝐭𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐩𝐞𝐭𝐨
—kalusugan, kababaihan, kabataan, edukasyon, at para sa bayan.
𝗜𝗯𝗼𝘀𝗲𝘀 𝗺𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝗼𝘁𝗼𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝘁𝘂𝗺𝗶𝗻𝗱𝗶𝗴 𝘀𝗮 𝗶𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘆 𝗣𝗥𝗜𝗗𝗘 𝘀𝗮 𝗽𝘂𝘀𝗼.🏳️🌈
02/06/2026
Ibinahagi ni Kuya Jared Lomibao ang mga batayang kaalaman sa layout at disenyo sa pagbubukas ng huling sesyon ng summer workshop.💻📝
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Dasmariñas Integrated High School
Dasmariñas
4115