Bicol Update
Sasakyan nahulog sa irrigation canal "Drive Safe"
09/07/2026
🌀‼️GOOD BYE INDAY‼️🌀
Typhoon Inday bahagyang humina ngunit nananatiling malakas habang mabagal na kumikilos sa Philippine Sea, silangan ng Northern Luzon. Patuloy na nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals #1 at #2 sa ilang bahagi ng Luzon, kaya inaasahan pa rin ang malalakas na hangin at pag-ulan sa mga apektadong lugar.
Ayon sa forecast ng DOST-PAGASA, inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado. Habang patuloy ang pagmomonitor sa galaw nito, hinihikayat ang lahat na manatiling alerto at sumunod sa mga opisyal na abiso ng mga awtoridad.
Mag-ingat, manatiling handa, at ipagdasal ang kaligtasan ng lahat 🙏
09/07/2026
🌀‼️SUPER TYPHOON INDAY‼️🌀
MALAKING BAHAGI NG PILIPINAS NABABALOT NG KAULAPAN DAHIL SA TYPHOON ‘INDAY’ AT HABAGAT; MALAKAS NA HANGIN RAMDAM SA BICOL🌧️🌬️
Sama-sama tayong manalangin. Nawa’y humina ang BagyongInday at hindi na magdulot ng panganib sa Pilipinas, lalo na sa Bicol 🇵🇭
Patuloy na nakararanas ng maulap na kalangitan ang malaking bahagi ng bansa dahil sa pinagsamang epekto ng Typhoon Inday at ng pinalalakas nitong Habagat. Sa Camarines Norte, ramdam ang malalakas na bugso ng hangin at pabugso-bugsong pag-ulan na dulot ng umiiral na sama ng panahon.
Dahil dito, nananatiling may banta ng pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang lugar, lalo na kung magpapatuloy ang malalakas na pag-ulan. Pinapayuhan ang lahat na maging alerto, sundin ang mga abiso ng mga awtoridad, at maghanda sa posibleng epekto ng bagyo.
07/07/2026
🌀‼️Super Typhoon Inday‼️🌀
Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang Super Bagyong . Bagama’t hindi inaasahang direktang tatama sa kalupaan, inaasahan pa rin nitong palalakasin ang Habagat na magdudulot ng malalakas na pag-ulan, pabugsu-bugsong hangin, at posibleng pagbaha sa ilang bahagi ng bansa. Maaari ring itaas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa ilang lugar depende sa galaw ng bagyo. Manatiling handa, mag-ingat, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng DOST-PAGASA. 🇵🇭🌧️🙏
06/07/2026
🌀‼️SUPER TYPHOON BAVI‼️🌀
INAASAHANG PAPASOK SA PAR BILANG “INDAY” SA MIYERKULES ⏰
Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon BAVI sa Miyerkules at tatawaging “Inday” ng PAGASA. Bagama’t inaasahang kikilos ito patungong Taiwan, maaari nitong palakasin ang Habagat, na magdadala ng malalakas na pag-ulan, malalakas na hangin, at masamang panahon sa ilang bahagi ng Pilipinas. 🇵🇭
🙏 Dalangin nating lahat na sana ay hindi na ito direktang makaapekto sa ating bansa, lalo na sa Bicol Region, at manatiling ligtas ang bawat Pilipino. Patuloy nating subaybayan ang mga opisyal na weather updates at advisories ng PAGASA. Ingat po ang lahat at laging maging handa. 🚨
📸 Source: DOST-PAGASA
💙 Pray for Philippines. Pray for Bicol. 🙏
04/07/2026
🌀‼️SUPER TYPHOON UPDATE‼️🌀
'BAVI’ o ‘INDAY’ POSIBLENG MAGING KASING LAKAS NI ‘YOLANDA’, PERO HINDI INAASAHANG DIREKTANG TATAMA SA BANSA 🇵🇭
Ayon sa PAGASA, posible pang lumakas ang bagyo habang nasa Pacific Ocean at umabot sa lakas ng Yolanda. Bagama’t hindi inaasahang magla-landfall sa Pilipinas, maaari itong magdulot ng malalakas na ulan dahil sa pinalalakas na Habagat at magpataas ng wind signals sa ilang bahagi ng Northern Luzon 🧭
Patuloy na mag-monitor ng mga opisyal na weather updates 🚨
03/07/2026
🌀‼️WEATHER UPDATE‼️🌀
Ang bagyong “Bavi” na tatawaging “Inday” sa loob ng PAR ay mabilis na lumalakas at inaasahang magiging isang SUPER TYPHOON matapos ang tinatawag na explosive intensification.
Sa kasalukuyan, taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 km/h at pagbugsong hanggang 225 km/h. Pinapayuhan ang mga kababayan nating nasa Guam at mga lugar na maaaring maapektuhan na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng mga lokal na awtoridad.
Dalangin natin na sana ay hindi na ito tumama o pumasok sa Pilipinas, lalo na sa rehiyon ng Bicol, at manatiling ligtas ang bawat pamilya at komunidad.
Pray for Bicol. Pray for the Philippines ❤️🇵🇭🙏
📹 CCTV footage recorded at ADZ Gadgets Hub on June 26, 2026, at around 3:00 AM.
The individuals shown in this video are being sought in connection with an ongoing police investigation.
If you recognize any of these individuals or have information that may assist the investigation, please contact ADZ Gadgets Hub or your local authorities.
We sincerely appreciate your cooperation and support.
🙏 Thank you.
Masakit isipin na nagtatrabaho ka nang maayos, lumalaban nang patas sa buhay, at tumutulong pa sa kapwa, pero mabibiktima ka pa rin ng mga taong piniling magnakaw at manlamang sa iba.”
‼️ ANNOUNCEMENT ‼️
Humihingi po kami ng tulong at pakikiisa para sa isang kaibigan nating negosyante na naging biktima ng pagnanakaw.
Kung sakaling may mag-alok o magbenta sa inyo ng mga secondhand o brand new sealed na iPhone 13 hanggang iPhone 17 Pro Max, iPads, at MacBooks, pakikontak po agad ang may-ari ng store dahil halos lahat ng laman ng kanilang shop ay tinangay ng mga salarin.
Lalo na po sa mga suppliers at stores sa Greenhills, baka sakaling may magbagsak o magbenta sa inyo ng mga nasabing items. Malaking tulong po ang anumang impormasyon na inyong maibibigay. 🙏🙏🙏
FYI: Lahat po ng units na available sa store ay NTC-approved at walang refurbished units. Kinuha rin ng mga salarin ang mga nasa ilalim ng mga kahon kung saan nakalagay ang mga serial numbers, at ang naiwan lamang ay ang mga takip ng mga kahon.
📢 Makikiusap din po kami na i-share ang post na ito upang mas marami ang makarating sa impormasyon at mas mabilis na matulungan ang may-ari ng store.
Maraming salamat po sa inyong suporta, pakikiisa, at anumang impormasyong makatutulong sa agarang pagresolba ng insidenteng ito.
📸 Carl Ibasco
📞 Contact Number: 09100566142
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Daet