Culion Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office

Culion Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office

Share

Photos from Culion Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office's post 27/05/2026

Magandang araw Bayan ng Culion! Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayon umaga, araw ng Huwebes, May 28, 2026.

SYNOPSIS: Southwesterly Windflow affecting Palawan and the western sections of Visayas and Mindanao. Trough of Tropical Storm (TS) affecting the eastern section of Mindanao.

Ang Western Visayas, Negros Island Region at Palawan kasama ang Kalayaan Islands ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Southwesterly Windflow.

Ang natitirang bahagi ng Visayas at Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga pulo pulo na pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa Localized Thunderstorms.

Ang Eastern Visayas at Occidental Mindoro ay makakaranas ng mahina hanggang katamtamang hangin mula Kanluran hanggang Timog-kanluran na may banayad hanggang katamtamang pag-alon ng dagat.

Ang natitirang bahagi ng Visayas at Palawan kasama ang Kalayaan Islands ay makakaranas ng mahina hanggang katamtamang hangin mula Timog Kanluran hanggang kanluran na may banayad hanggang katamtamang pag-alon ng dagat.

Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE"

‎MDRRM Hotline
‎0967-396-9828 (Globe)
‎0999-705-1595 (smart)




Want your organization to be the top-listed Government Service in Culion?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Culion