DXRB 96.1 RADIO FM.

DXRB 96.1 RADIO FM.

Share

29/07/2025

LALAKI, PATAY SA PAMAMARIL SA BARANGAY LIBUTAN MAMASAPANO MAGUINDANAO DEL SUR.

Patay ang isang lalaki sa panibagong kaso ng pamamaril sa bahagi ng Barangay Libutan, Mamasapano, Maguindanao del Sur, nito lamang pasado alas 9:00 ng umaga araw ng Martes, July 29, 2025.

Kinilala ang biktima sa pangalang Sadam Kasan Zangkala, residente ng nasabing Barangay sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao del Sur.

Ayon sa report, nakatayo lamang ang biktima sa lugar, ng lapitan at walang awang pinagbabaril ng dipa matukoy na salarin.

Nagtamo ng ilang mga tama ng bala sa kanyang katawan ang biktima na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng PNP sa posibleng motibo at pagkakakilanlan ng nasabing salarin. || Via Nouraima Salik Lalaog

Want your business to be the top-listed Media Company in Cotabato City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


DAtu Saudi Ampatuan
Cotabato City