Mayor Marjo Reyes
22/06/2026
MARAMING SALAMAT AT CONGRATULATIONS! ππ
Taos-pusong pagbati kay Pastor Timothy Romasanta sa pagkamit ng 2nd Runner-Up sa Timeless Voice: Tanghalan sa Baragatan 2026!
Maraming salamat sa pagdadala ng karangalan at inspirasyon sa Bayan ng Coron. Ipinagmamalaki ka namin!
Congratulations, Pastor Timothy! Coron is proud of you! β¨π
Buong-pusong pagbati at pagpupugay po kay Ptr. Timothy John Romasanta sa pagkamit ng 2nd Runner-Up sa Category B β Timeless Voice sa Tanghalan sa Baragatan 2026! ππ€
Sa bawat nota at awiting iyong inialay, ipinakita mo ang husay, puso, at galing ng isang tunay na Coronian. Ang iyong tagumpay ay bunga ng sipag, dedikasyon, at pambihirang talento na nagbigay ng karangalan hindi lamang sa iyong sarili kundi maging sa buong komunidad. πΆβ¨
Patuloy kang mangarap, umawit, at maging inspirasyon sa marami pang nangangarap na maiparinig ang kanilang tinig at maabot ang kanilang mga mithiin. ππ
Tunay kang ipinagmamalaki ng Bayan ng Coron! Congratulations po sa iyong pagkamit ng 2nd Runner-Up at maraming salamat po sa pagdadala ng karangalan sa ating bayan! ππ»π©·ππ»ββοΈπ
19/06/2026
CONGRATULATIONS AND MATAMANG SALAMAT, ELLE SEPTEMBER PE! ππ
I extend my sincerest congratulations and deepest appreciation to Ms. Elle βIshiβ September Pe for her remarkable representation of our municipality in Mutya ng Palawan 2026.
Her journey throughout the competition was undoubtedly very challenging, yet from day one, she faced every obstacle with courage and determination. She gave her all, not only for herself but for the people of Coron, carrying the name of our municipality with pride, dignity and honor.We likewise celebrate your recognition as the Astoria Palawan Choice Awardeeπ.
We also extend our heartfelt gratitude to the dedicated individuals who supported Ishi throughout her journey. Special thanks to the Committee In-Charge: Mr. Richard Rimando and the entire organizing and support team for their hard work.
To Ishiβs loving and supportive family, friends and to everyone who believed in and stood by her from day one, thank you.
Again, congratulations and matamang salamat, Ishi. We are all proud of you and WE LOB U!ππ
19/06/2026
π πππππππππππππππ ππππ πππππ ππππ ππππππππ!! ππ
Players:
- CHRISTIAN JOSEPH NAVARRA
- JOHN RIVERT ORMIDO
- VINZ LORENZ BUENAFLOR
- TOBEY BRENT ESTORES
- MARK JARED BACONES
- REY R-G R. GALLARDO
Coach:
- Carl O. Layug
Hindi ninyo kami binigo!
Sa loob ng tatlong araw ng kompetisyon sa Baragatan Festival 2026 Mobile Legends Tournament, ipinakita ninyo ang inyong husay. Sa bawat laban, dala ninyo ang pangalan at dangal ng Bayan ng Coron hanggang sa maabot ninyo ang Grand Finals at masungkit ang pagiging CHAMPION! ππ₯
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa inyong koponan kundi para sa buong Bayan ng Coron na buong pusong sumusuporta at naniniwala sa inyo.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa Committee-in-Charge na pinangungunahan ni HON. Christian "TORNOY" A. Palanca. Bilang isa ring may kaalaman at pagmamahal sa Mobile Legends, buong suporta niyang itinaguyod at binigyang-pansin ang ating mga kabataang manlalaro. Maraming salamat din sa lahat ng bumubuo ng committee sa patuloy na pagbibigay ng pagkakataon at suporta sa ating esports community.
Sa ating coach at mga manlalaro, maraming salamat sa inyong dedikasyon, sipag, at sakripisyo. Hindi naging madali ang landas patungo sa tagumpay, ngunit ipinakita ninyo na kayang makipagsabayan at magtagumpay ng mga Coronian.
At sa mga pamilya ng ating mga manlalaro, maraming salamat sa walang sawang paggabay, pag-unawa at pagsuporta. Kayo ang isa sa mga naging lakas ng ating koponan upang maipagmalaki nila ang ating bayan sa mas malaking entablado.
Muli, congratulations TEAM CORON MLBB!
π BARAGATAN FESTIVAL 2026 MOBILE LEGENDS CHAMPION
ππ Proud ang buong Bayan ng Coron sa inyo!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
Municipality Of Coron
Coron
5316
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |