Ang Talahayagan - GNHS

Ang Talahayagan - GNHS

Share

Photos from Ang Talahayagan - GNHS's post 07/07/2025

๐—ฆ๐—ฆ๐—Ÿ๐—š, ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—บ๐—ผ๐—ธ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฆ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ'๐˜ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฟ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป.

Bumuhos ang bilang ng mga mag-aaral na lumahok sa taunang gawain ang pagsali sa iba't ibang clubs ayon na rin sa kanilang interes noong Biyernes, Hulyo 4,ganap 2:30 ng hapon sa bulwagan ng GNHS na inorganisa ng opisyales ng SSLG at Ginoong Alistair D. Chavez bilang tagapayo.

Sa pagbubukas ng mga booth mula sa ibaโ€™t ibang clubs, Hindi magkaundagaga ang mga mag-aaral sa pagpili ng organisasyon na kanilang sasalihan Senyales ito ng muling pagbabalik ng sigla at diwa ng pakikilahok sa buhay paaralan. Ang bawat mag-aaral ay may layang pumili ng club na nais nilang salihan, mula sa larangan ng sining, agham, pampalakasan, serbisyo, at iba pa.

Sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad, naipapamalas hindi lamang ang talento ng mga mag-aaral, kundi pati ang kanilang kahandaan na makiisa, matuto, at mamuno sa kanilang sariling paraan.

Ayon kay VP SSSLG Jolly Princess Lendio, "Nakita jud nako kung unsa ka participative ang mga students sa GNHS. Pero, tungod pud sa kadaghan sa students lisod na kaayo ma accommodate tanan maong nagka gubot jud didto sa gym, pero despite sa ingato nga panghitabo nalingaw and na success ang maong activity."

Dagdag pa niya, na Ang pamunuan ng SSLG maging ang kanilang tagapayo ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga mga-aaral, sa mga g**o, sa School Principal 1 na Sir Aquilino T. Camus at ma'am Hilda Gales Asst.Principal designate ng Senior High School sa suporta at pagkakataon kanilang ibinigay upang maisakatuparan ang gawaing ito.

Sa kabuuan,naging matagumpay ang nasabing gawain na may layuning linangin ang kasanayan at talento na maging mahalaga sa kinabukasan ng bawat mag-aaral.

โœ๐Ÿป| ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐—ถ๐—ผ๐˜‚๐˜€ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ฉ. ๐—ฆ๐˜‚๐—ฒ๐—น๐—น๐—ผ
๐Ÿ“ท| ๐—”๐—น๐—น๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฟ๐—ฎ ๐—›. ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป

15/06/2025

Buksan na ang bagong kabanata! Ngayong Hunyo 16, ay simulan ang panibagong ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ฟ๐˜‚๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ผ๐—ป ng ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ต ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น . Sa bawat pasok sa silid-aralan, samoโ€™t saring emosyon ang makikita sa mukha ng bawat mag-aaral. Naniniwala kaming puno ito ng oportunidad para sa paglago at pagtuklas. Handa na ang ating mga g**o at kawani na gabayan kayo sa inyong paglalakbay. Isang masiglang ๐—จ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—น๐—ฎ๐˜€๐—ฒ sa ating lahat!

01/11/2024

Ang Sining ng Mabagal na Pamumuhay sa Mabilis na Mundo
โœ๏ธPRINCESS JOLLY M. LENDIO

Sa kasalukuyang panahon, tila palaging minamadali ang ating mga hakbang kasi sinasanay tayo sa multitasking at walang oras na sinasayang para sa iba't ibang gawain. Karaniwang ikinakabit ang tagumpay sa pagiging masipag at mabilis, bagkus habang umiinog ang mundo, mas marami na ang nagtatanong, paano kaya kung pabagalin natin ang ating takbo?

Ang ideya ng "mabagal na pamumuhay" o slow living ay unti-unting lumalaganap hindi lamang bilang uso, kundi bilang isang mahalagang pagbabago sa ating pamumuhay. Ang mabagal na pamumuhay ay nagbibigay ng paanyaya na maglaan ng sapat na oras, maging ganap na naroon sa bawat sandali, at pahalagahan ang maliliit na bagay na kadalasang hindi natin napapansin.

Isipin na lang, halimbawa, ang oras ng pagkain. Sa halip na magmadali o kumain sa harap ng screen, hinihikayat tayo ng mabagal na pamumuhay na lasapin ang bawat kagat, damhin ang lasa, at makipagkuwentuhan sa mga kasalo. Ang isang mabagal at masayang almusal ay nagdadala ng kakaibang kasiyahan 'pagkat nalalasahan ang kape, nararamdaman ang init ng araw, at may masayang pag-uusap sa mga mahal sa buhay. Isang payapang eksena na puno ng saysay.

Isa pang aspeto ng mabagal na pamumuhay ang tamang balanse sa pagitan ng trabaho at personal na buhay. Pinahahalagahan nito ang pagtatakda ng mga hangganan, pagbibigay-pansin sa kalidad kaysa dami ng gawain, at pag-iwas sa labis na pagkapagod. Maraming tao ang nakararanas ng tunay na kasiyahan sa ganitong estilo ng pamumuhay, sapagkat hindi lamang nila tinatapos ang mga gawain kundi buong puso silang nakikilahok sa kanilang ginagawa at ipinagmamalaki ang kanilang mga likha.

Gayunpaman, hindi laging madaling isabuhay ang mabagal na pamumuhay. Maaaring mukhang kakaiba ito lalo na sa mga nasanay sa mabilisang kilos. Ngunit ang mga simpleng pagbabago tulad ng paglimita sa oras sa harap ng screen, pagsasanay ng mindfulness, o paglalaan ng ilang minuto upang magpahinga ay may malaking epekto sa ating kagalingan.

Hindi tumutukoy ang mabagal na pamumuhay sa pag-iwas sa mga tungkulin, kundi sa paghanap ng balanse, isang buhay na makabuluhan at mapayapa. Kaya sa iyong pang-araw-araw na gawain, subukan mong maglaan ng oras upang bumagal. Maikli lamang ang buhay; bakit natin kailangang magmadali?

Photos from Ang Talahayagan - GNHS's post 25/08/2024

Gabi NHS ipinamalas ang galing sa Pandistritong Patimpalak sa Filipino

โœ๏ธROMNICK T. CLARO

Isa ang Gabi NHS sa West District na kalahok sa Pandistritong Patimpalak sa Filipino na ginanap sa Mataas na Paaralan ng Maparat na may Temang: Filipino Wikang Mapagpalaya ,Agosto 22,2024.

Limang paaralan ang nagtagisan sa Pandistritong Patimpalak sa Hataw Pinoy,Romantikong Duweto at Sanaysay kabilang dito ang Gabi NHS,Maparat NHS,Siocon NHS,San Miguel NHS, at Corazon Aquino NHS. Ang bawat kalahok ng bawat paaralan ay naglalayong makamit ang panalo.Isa na rito ang Gabi NHS sa nagpursigi upang makuha at maiuwi ang panalo.

Hindi nabigo sa Hataw Pinoy ang Gabi NHS na nakuha ang ๐Ÿฅ‡Unang Puwesto na binubuo nina
Cresel Jane C. Mendoza
Romnick T. Claro at
Phoemela Guardiario

Nasungkit din ng Gabi NHS ang ๐Ÿฅ‡Unang Puwesto para sa Romantikong Duweto nina
Camille R. Ariar
James G.Lerio

Samantalang sa Sanaysay nakuha ng Gabi NHS ang ๐Ÿ…Pang-apat na Puwesto na siTraz Olyne B. Labang bilang kinatawan sa nasabing patimpalak.

Ang Gabi NHS na Hataw Pinoy at Romantikong Duweto ang siyang magiging kinatawan para sa West distict na lalaban sa Pandisbisyong patimpalak na gaganapin sa Mataas na Paaralan ng Montevista ngayong Agosto 28,2024.

Puspusan ang pag- eensayo ng mga nasabing kinatawan bilang paghahahanda sa nalalapit na laban.

Ang pagpupursige at suporta mula sa pamilya,kaibigan at sa lahat na bumubuo ng West Disttrict na pinamumunuan ni Ma"am Maria Bella R. Alvarez , District Coordinating Principal IV, ganon din ng Mataas na Paaralan ng Gabi na pinamumunuan ng butihing Punong g**o II ma'm Janet M. Go ang siyang magsisilbing inspirasyon upang masungkit muli ang panalo.

Photos from Ang Talahayagan - GNHS's post 18/04/2024

DFOT Nagtagisan ang 5 Paaralan ng West District

โœ๏ธCHRIS ELLEN B. BONGCARAS

Nagtagisan ng Talino ang piling mag -aaral sa asignaturang English, Filipino,MAPEH,Aralin Panlipunan maging sa Values Educaion na nilahukan ng limang paaralan ng West District, ito ay ang San Miguel NHS, Maparat NHS, Corazon Aquino NHS, Siocon NHS at Gabi NHS na may temang '"Galing, Husay, at Talino ng Matatag ng mga Batang Makabansa sa Diwa ng Matatag na Adhika", GNHS activity center, April 15.

Mapalad ang GNHS dahil sa naiuwi ang unang pwesto sa nasabing patimpalak tulad ng Pintahusay, SulaTanghal,at Balye sa kalye sa asignaturang MAPEH at Poster Making sa Values Education na siyang maging kalahok at kakatawan sa Dvision Festival of Talents bukas, April 19.

Narito ang kabuuang resulta sa naturang patimpalak,

MAPEH
Pintahusay

1st- Gabi NHS
2nd-SAN MIGUEL NHS
3rd-SIOCON NHS

SULATANGHAL

1st- GABI NHS
2nd- MAPARAT NHS
3rd - SAN MIGUEL NHS

BAYLE SA KALYE

1st- GABI NHS
2nd -MAPARAT NHS

ENGLISH Oratorical
1st Maparat NHS,
2nd San Miguel NHS
3rd GABI NHS,

FILIPINO Sulat Bigkas Ng Talumpati
1st Maparat
2nd Gabi
3rd San Migul

A. P.
Oratorical Speech
1st San Miguel
2nd Gabi
3rd Maparat

POP QUIZ

1st San Miguel
2nd Maparat
3rd Gabi

ESP
1st Poster Making
3rd Praise song
2nd Sanaysay
2nd Oratoriical

Walang mapagsidlan ang naramdamang saya ng bawat isa sa natanggap na parangal.

Sa kabuuan,naging matagumpay na natapos ang Festival of Talent (FOT). Puspusan na rin ang pagsasanay ng kalahok ng MAPEH at Values Education na kwalipikadong lalaban DIVISION FOT LEVEL ngayong April 19.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Compostela?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Compostela
8803