Ang aking tula

Ang aking tula

Share

17/02/2023

"NOON AT NGAYON"
Muli ay aking nasilayan
Mga bituing nagnining~ning sa kagandahan
Mga bituing gabi gabi'y nais kong masilayan
Na sa langit lamang matatagpuan.
Gabi~gabi'y akin itong pinagmamasdan
At tila nakapapawi ng sakit na nararamdaman
Ngunit kapag ito'y diko nasisilayan,
Puso ko'y nadudurog sa kalungkutan.
Mga huni ng hayop sa bukid kapag kinagabihan
Ay mas masarap na aking pakinggan
Lalo't nakapapawi ito ng karamdaman
Ayoko nang matulog kapag bituin ay akin ng nasilayan.
Maningning na bituin doon sa kalangitan
Nais kong kahit isa'y aking mahawakan
Maliwanag na buwan na sa gabi'y nagbibigay ng kaliwanagan
Akin di'y gabi gabi nais masilayan.
Sarili ko'y aking inihahambing dito sa mga bituin
Na iilan na lamang ang mga na ka papansin
Pagkat mga mata nila'y sa "gadget" nakatingin.
Ano't tila nakalimutan na ang dating gawi?
Na kapag kabilugan ng buwan ay lumalabas kahit hating~gabi
At saka sa damuha'y tutulog at umaga na kung umuwi.
Ngunit ngayo'y iba na ang sa kabataang gawi
Pagkat gadget na ang hawak nila gabi gabi
Na parang mamamatay kapag wala ito sa kanilang tabi.
Bb.Mapagmahal
Thanks for reading my loving readers❤

17/02/2023

"Teacher"
Pitong letra pero libo libo ang saya,
Libo libong pagmamahal at pag uunawa ang ibinibigay,
Mahal namin ang bawat g**o,
Sila ang naging pangalawang magulang,
Hindi sila papayag na hindi tayo matuto.

Dear Teacher's:
Thank you for all the love, sacrifice for teaching us we love all of you, You deserve the respect, you deserve all the greetings every morning or even afternoon, Thank you for supporting us. We love you so much ❣️
ALL THE TEACHERS ARE HEROES

17/02/2023

Request by: Krissel
^^Lihim na pagtingin^^
Nag simula Ang lahat sa paaralan.
Ang kwento ng ating munting pag iibigan.
Di ko nmn akalain na ikay magugustuhan.
Mga ngiti mo kase na di ko mapigilan.
Pati itsura mong di ko maiwasan.
Palihim pa kitang tinititigan.
Ngunit baka nga hanggang kaibigan lang.
Pero Wala parin alinlangan.
Palihim parin kitang susubaybayan.
Kahit na di Kita malapitan.
Atleast ikaw parin Ang dahilan.
Ng aking pag ngiti at kasiyahan.
Mc✓

16/02/2023

"Friendship"
Oo andaling sabihin.
Ngunit Ang hirap isipin.
Minsan kase kailangan tanggapin.
Na Ang pagkakaibigan ay dapat nang tapusin.
Dahil minsan Hindi naiiwasan.
Nakakasakit na ngunit walang pakialam.
Oo nmn lahat nangiiwan.
Kapag may bago nang kaibigan.
Limot na lahat ng pinagsamahan.
Madaling makipag kaibigan.
Ngunit mahirap makahanap ng maaasahan.
Minsan magagawa kapang siraan.
Kapag alam na di kana kailangan.
Subrang sakit maiwan.
Lalo na nang kaibigan.
Sa subrang dami kaseng pinagsamahan.
Tinapos sa dahil sa di pagkakaunawaan.
Mc✓
Request by:Äprïl Jöycè Demerin

12/02/2023

"Ama"

Marami ng nag bago,
Simula nong tinawag mo ako,
Marami ang nag tatanong kong
Ano ang ginawa ko,
Ang laki daw ng pinagbago ko,

Hindi ko alam sa dami ng tao
Isa ako sa napili mo,
Wala namang espesyal sakin.
Hindi rin matalino,
Walang talento,

Pero iba yung sagot mo,
Iba yung plano mo sa plano ko,
Pinakita mo sakin na kaya ko,
Na kaya kung higitan ang nasimulan mo,

Sayo ko naranasan ang tiwala na
Pinagkait sakin ng mga tao,
Salamat sa pakikinig sa lahat
Ng drama ko,
Sayo ko lang nabubuhos lahat
Ng mga mabibigat na problemang
dala-dala ko,

Ikaw yung dahilan kung bakit Hanggang ngayon lumalaban pa rin ako,
Ikaw yung nag bigay sakin ng lakas
Sa panahong hinang-hina at nawawala
Sa landas ko,

Tinuro mo sakin ang daan palabas,
At ako'y iyong tinulungan makalaya
Sa pagkakasala,
Ikaw ang nag silbing liwanag sa dilim,
Upang makita ng malinaw ang katotohanan,

Ako'y iyong tinanggap bilang iyong anak,
Binihisan,pinangaralan at inalagaan,
Ako'y iyong pinatawad sa lahat ng aking
Kasalanan,
Salamat saiyong walang hanggang
Pagmamahal ama.

Walang makakahigit ng iyong ginawa,
Sa krus ng kalbaryo na walang awa,
Sinalo mo lahat ng parusa,
Hindi mo ininda lahat ng pangungutya,

Maraming salamat ama,
Sa lahat ng biyayang dala,
Hindi mo ko pinabayaan nong ako'y
Nag iisa

Hindi ka tulad nila,
Pangako mo'y di nasisira,
Iba ka sa mga taong nilikha,
Sapagkat ikaw ay nag iisa ama,

🖋JM LUCRECIA

12/02/2023

"TALENTO NI IPIS"
✍️:Dwayne

Hindi malaki,kundi maliit
Pero sobrang nakakabilib
Pagka't di pa man humihirit
Nagagawa nya ng magpakilig

Kapag pakpak ay ibinuklat
Malamang yan ay lilipad
Sa,ulo ,mukha madalas sa balikat
Pagdapo'y may dalang aftershock

Yan ang talentong mayroon si ipis
Pinagkaitan man sa kutis
Kung magpahype naman daig pa kpop artist
Tipong mapapatalon kahit 9months na buntis

Yung tulog magigising sa pagkahimbing
Yung astig biglang mabubuking
Yung mahiyain kusang mapapagiling
Yung galing sa gym mapapailing
O kahit yung bitter nagagawa nyang pakiligin

Kaya bakit mo aapakan o papaluin
Kung nais nya lang naman ika'y surpresahin
Single ka? wag ka mag alala ,diyan naman si ipis
Kahit papano may natatanggap ka pa ring free kiss

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Cebu City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Dalaguete
Cebu City