RP Rabbitry
09/07/2022
Tanong . . . ? Nakita nyo na bang sumuka ang alaga nyong kuneho? Nangyari na ba yan sa alaga nyo?
Heto ang trivia ngayon...
Ang mga kuneho ay walang kakayahang sumuka.
Hindi tulad ng isang pusa matapos makalanghap ng sariling balahibo habang nag-grogroom ay maaaring ma pa ubo at mapasuka pagkatapos ng mahabang araw ng pag-aayos sa sarili, sa kuneho ay hindi maaaring mangyari yan dahil ang sistema ng kanyang digestive system ay pisikal na walang kakayahang gumalaw nang pabaliktad. Sa halip na makabuo ng hairball, ang mga kuneho ay humaharap sa nilamon na balahibo sa pamamagitan ng pagkain ng maraming magagaspang na tulad ng damo na syang nagtutulak dito sa kanilang digestive tract system.
"Rabbits are physically incapable of vomiting. The phisiology of rabbit digestive system is such that rabbits are not able to vomit. That's one of the primary reasons why ingesting fur can lead to so many serious problems, such as wool block, or sluggish motility when combined with a low-fiber diet."
08/07/2022
Mga posibleng dahilan kung bakit biglang namatay ang isang malusog na Kuneho.
1. Dahil sa climate change, o kaya nasanay ang alagang kuneho sa indoors at biglang nailipat sa labas kung saan hindi nya nakayanan ang biglang pagbago sa temperatura.
2. Myiasis, o nakamamatay na fly-strike.
3. Napilayan at na stress sa hindi tamang paghawak ng mga bata.
4. Atake sa puso na may kaugnayan sa takot o kaya biglaang pagkagulat.
(Iwasan ang biglaang lakas ng sound system)
5. Nasugatan ng isa pang alagang hayop.
6. Nakunan sa pagbubuntis
7. Pagkalason
8. Nakalunok ng matulis na bagay.
9. Mas matanda si Bunny kaysa sa inaakala mo.
10. May Pre-existing na kondisyon sa kalusugan.
Ang mga kuneho ay may masalimuot na sistema ng pagtunaw ng pagkain at nararapat lamang silang pakainin ng mga dayami at maraming damo, kaunting pellet at kaunting gulay lamang.
Ang mga kuneho na nakakain ng butil/buto o kaya kumain ng maraming gulay tulad ng repolyo o kaya naparaming kain ng mga prutas ay maaaring magkaroon ng matinding pagkagambala sa kanilang digestive tract, na nagreresulta sa paglaki ng mga bacteria na nagiging lason. Ang mga lason na ito ay maaaring makapatay sa kanila sa maikling oras lamang.
Huwag biglain ang pagpalit ng pellet sa alagang kuneho. Maari nyang ikamatay ito. Dapat gradual at dahan-dahan sa pag introduce ng bagong pellet. Marapat din na icheck ang pellet na pinapakain sa kanila, siguraduhin na walang halong buhangin o kaya maliliit na bato at matitigas na object sa nilalaman ng pellet. Sapagkat maari nilang ikamatay agad kapag nagkataon na meron.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Cavite
4116