Gawad KomFil

Gawad KomFil

Share

09/12/2025

๐Ÿ•๐ญ๐ก ๐†๐€๐–๐€๐ƒ ๐Š๐Ž๐Œ๐…๐ˆ๐‹: โ€œ๐ƒ๐€๐‹๐”๐˜๐Ž๐๐†โ€ ๐ง๐ข ๐‰๐ฎ๐ฅ๐ก๐ข๐š๐ง ๐‚๐ฅ๐ฒ๐๐ž ๐‹๐ฎ๐œ๐ž๐ฌ | ๐…๐ฎ๐ฅ๐ฅ ๐„๐ฉ๐ข๐ฌ๐จ๐๐ž

Sa direksyon ni Rhoan Mojica, ating tunghayan ang kuwento ni Nanay Libertad Belmonte, isang residente at tindera mula sa Bacoor, Cavite. Sa bawat pag-ulan, ragasa ng ilog, at pagtaas ng baha, ang mga kagaya niya ang tahimik ngunit pinakamalalim na naaapektuhanโ€”mga pamilyang araw-araw nakikipagbuno sa panganib upang maipagpatuloy ang simpleng pamumuhay. At sa tuwing dumarating ang unos, matatag natin silang nasisilayan sa gitna ng rumaragasang tubig: nag-aangat ng kagamitan, nagtatakip ng tahanan, at pilit na sinasagip ang kabuhayang unti-unting inaanod ng panahon. Panoorin ang kaniyang kuwento sa dokumentaryong ito.

Ang โ€œDaluyongโ€ ang opisyal na dokumentaryong handog ng ikatlong pangkat mula sa BSCE 1-5 ng Cavite State University โ€“ Main Campus para sa nalalapit na 7th GAWAD KOMFIL na may temang โ€œPagsipat sa Katotohanan, Pagtindig para sa Bayanโ€.

Disclaimer: Ang bawat tauhan sa nasabing dokumentaryo ay may buong pahintulot na mailahad ang kanilang karanasan at istorya. Mangyaring iwasan ang pagkuha ng larawan o screenshot na kasama ang mga mukha o larawan ng mga tauhan sa dokumentaryo para sa ibang layunin nang walang pahintulot ng kinauukulan.

Want your business to be the top-listed Media Company in Cavite?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Cavite