UP Manila - Community Health and Development Program
25/11/2025
09/10/2025
Isang makabuluhang talakayan mula sa Naic Housing Task Force kasama ang ilang stakeholders ang naganap noon Oct 8, 2025. Layunin nito na muling balikan at kilalanin ang mga suliranin ng pabahay. Nagpresenta ng ilang datos ang UP CHDP sa pangunguna ni Ms.Alyssa Arnoco. Ang mga suliranin ay nilatagan ng actionable points na siyang ikokonsulta sa TAUMBAYAN. Ang datos ay kinalap ng medical interns na silang nagbahay bahay sa mga pabahay at nagsagawa ng assessment. Ito ay matagumpay na naisagawa sa tulong ng Naic Housing Task force at higit sa lahat sa partisipasyon ng LGU Naic, Stakehokders at ng TAUMBAYAN.
16/03/2025
Mabuhay ang mga kababaihan! Nakilahok ang UP CHDP Medical interns sa pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa breast cancer screening. Mga basic na impormasyon ngunit mahalagang matutunan ng kahit sinong kababaihan maging ng mga kasama sa buhay nila. Isang pasasalamat sa LGU Naic, kay Dr. Ma.Carolina Matel at Dr. Nika Pugay, Nurse Rean Omipon, at sa buong RHU Staff sa pagimbita upang makibahagi sa pagcelebrate ng araw ng mga kababaihan. :-)
08/02/2025
Sabi ng ating friendly at awesome pharmacists, mahalaga ang gamot para sa may sakit. 💊 Ngunit mahalaga din ang pawikan para mapanatiling malusog ang karagatan at mapanatili ang balanse ng populasyon ng lamang dagat. Vitamin Sea. 🤙Nitong Feb 7, 2025, nakilahok din ang UP College of Pharmacy kasama ang UP College of Nursing at UP CHDP para sa taunang Pawikan Festival sa bayan ng Naic, Cavite. Salamat Bayan ng Naic para sa isang oportunidad na mawitness ang Pawikan Festival!!🥰 (Insert Pawikan emoji) Anthony Gh Cordero Alyssa Arnoco Ngo Gutierrez UP College of Pharmacy interns.
08/02/2025
Late post: Pitong tulog na lang. Araw na ng mga pawikan..este...puso pala.♥️♥️😍 Nakilahok ang UP College of Nursing interns at UP COllege of Pharmacy interns sa taunang Pawikan Festival sa bayan ng Naic, Cavite na ginanap kahapon Feb 7, 2025. See you in 20 years mga pawikans!!! Anthony Gh Cordero, Gogh, UP College of Nursing interns😍
04/02/2025
Nagtipon tipon ang iba't ibang kolehiyo at departamento ng UP Manila para sa isang makabuluhang IPE session (Interprofessional Education) na ginanap sa bayan ng Maragondon. Dito natunghayan ng mga kalahok ang pananaw, gawain, at ang pagtutulungan ng bawat health professional sa ibat ibang paraan. Anthony Gh Cordero
29/01/2025
Matagumpay ang isinagawang health emergency response refresher activity para sa mga BHW ng isang brgy sa bayan ng Naic kasama ang ilang opisyales ng brgy at mga Medical Interns ng UP. Maraming salamat brgy Bancaan. :) (photo by J.Estacio of Block K).
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Magallanes-Naic-Maragondon-Ternate (MAGNAMARTE)
Cavite