Cavite Insight Balita Portal
09/07/2026
WEATHER CHECK tayo mga ka-IBP, maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahina hanggang sa malakas na buhos ng ulan at pagbugso ng hanging ang nararanasan dito sa Langkaan I, Dasmariñas Cavite.
Kumusta po sa inyong mga lugar?
09/07/2026
RAINFALL ADVISORY ⚠️🌧️☔
Nakataas ang orange rainfall alert sa lalawigan ng Cavite, at sa mga oras na ito ay nakakaranas ng malakas na pag ulan ang ilang bahagi ng naturang lalawigan.
Mag ingat po mga ka-IBP!
Source: NDRRMC
08/07/2026
ISANG BANGKAY NG HINDI PA NAKIKILALANG LALAKI, NATAGPUAN SA GILID NG EXPRESSWAY SA SILANG, CAVITE
SILANG, Cavite — Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuan sa embankment o matarik na bahagi ng gilid ng eastbound lane ng expressway sa Silang, Cavite, nitong Miyerkules ng umaga, Hulyo 8.
Batay sa paunang imbestigasyon, nagsasagawa ng grass-cutting operation ang mga manggagawa ng A.P. Viernes Construction sa paligid ng mga halamang bougainvillea nang mapansin nila ang matinding mabahong amoy na nagmumula sa embankment.
Nang kanilang usisain ang pinagmumulan ng amoy, tumambad sa kanila ang bangkay ng isang lalaki na nasa bahagi ng matarik na gilid ng expressway. Agad nila itong iniulat sa mga awtoridad.
Sa paunang pagsusuri ng pulisya, ang biktima ay tinatayang nasa edad na 25 hanggang 40 taong gulang, may katamtamang pangangatawan, at wala pang natutukoy na pagkakakilanlan sa kasalukuyan.
Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Silang Municipal Police Station, kasama ang mga imbestigador at iba pang personnel mula sa iba't ibang yunit, upang magsagawa ng masusing imbestigasyon, pagproseso sa crime scene, at pangangalap ng mga posibleng ebidensya.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima, ang sanhi ng kanyang pagkamatay, at kung may naganap na foul play sa insidente.
Samantala, nananawagan ang pulisya sa sinumang may impormasyong maaaring makatulong sa pagkilala sa biktima o sa paglutas ng kaso na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya upang mapabilis ang isinasagawang imbestigasyon.
Via: Cavite News Network
03/07/2026
Isang deformed na kalibre .45 na bala ang natagpuan sa loob ng isang bahay sa Barangay Pantihan 4 matapos umanong tumagos sa bubong noong gabi ng Hulyo 1.
Ayon sa Maragondon Municipal Police Station (MPS), agad na rumesponde ang mga pulis matapos makatanggap ng ulat tungkol sa insidente. Isinuko ng may-ari ng bahay ang narekober na bala, na nakita sa loob ng kanilang tahanan matapos mapansin ang isang butas sa bubong.
Batay sa paunang imbestigasyon, posibleng nagmula ang bala sa isang malayong lugar bago ito bumagsak sa naturang bahay.
Wala namang naitalang nasugatan sa insidente. Patuloy ang imbestigasyon ng Maragondon MPS upang matukoy ang pinagmulan ng bala at iba pang detalye kaugnay ng insidente.
Source/📷 courtesy: Cavite News Network/Cavite Connect
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Address
Langkaan I, Dasmariñas
Cavite
4114