Artsíbo

Artsíbo

Share

11/01/2023

Ang Museo Orlina ay isang pribadong gallery na nagtatampok ng lahat ng mga gawa ni Ramon Orlina na matatagpuan sa Tagaytay City. Ito ay nagtatampok din ng artist mula sa buong Pilipinas. Ang Museo Orlina ay may apat na antas na ipinangalan sa kanyang mga anak; Naesa gallery, Ningning gallery, Anna gallery, Michael gallery. Ang gawaing sining sa ibaba ay tunay na gawa ng isang mahusay na artist at makikita ito sa ningning gallery sa loob ng Museo Orlina. Kung iyong titignan ay tila tinitingnan ka ni Birheng Maria kahit saang panig ka pupunta.

Photo courtesy: Lonelytravelogue
https://lonelytravelogue.com/lonely-travelogue-tagaytay-museo-orlina-a-glass-museum/

10/01/2023

TARA NA! at kilalanin natin ang ang Museo ng Sapatos (Shoe Museum)

Ang Museo ng Sapatos ay binuo noong 1998 at binuksan ang museo noong 2001. Itinayo ang museo na may layuning maging isang mahalagang lugar para sa pag-aalaga ng mga makasaysayang halaga ng industriya ng sapatos sa bansa. Ang lungsod ng Marikina ay nakilala sa paglikha ng magagara at matitibay na sapatos na ang yari. Kinilala din ito bilang isang Shoe Capital of the Philippines. Kung Kaya't dinarayo ang museo upang mas makilala, makita ang mga iba-ibang uri at koleksyon ng mga sapatos na makikita sa Shoe Museum sa Marikina.

📍Matatagpuan ang Museo ng Sapatos sa Lungsod ng Marikina City.

📍Image source: https://sassybiatchmom.wordpress.com/2019/03/03/museo-ng-sapatos-sa-lungsod-ng-marikina/

23/12/2022

PAKATANDAAN!

Ang San Agustin Museum ay isang nakamamanghang museo na isang kayamanan ng mga relihiyosong sining na nagpapakita ng mayamang kasaysayan ng Katolisismo sa Pilipinas. Kilala bilang isang UNESCO World Heritage Site, ipinagmamalaki nito ang nakamamanghang Baroque architecture. Ang gallery at ang mga pasilyo ay pinalamutian ng mga pintura ng mga santo. Ang mga silid na inookupahan ng mga prayle bilang kanilang tulugan, ngayon ay nagpapakita ng mga eskultura at iba pang mga piraso ng sining at mga antique na nakolekta mula sa buong mundo, katulad na lamang ng isang Isang 3,400 kilo na kampana, na ibinaba noong 1927 mula sa kampanaryo ng San Agustin Church na napinsala ng lindol noong 1863.

📍Photo Courtesy by Flickr and Shankar S.
https://www.flickr.com/photos/shankaronline/9361857627/

Want your museum to be the top-listed Museum in Cavite?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Cavite
4100