UB i-Tv Broadcasting
15/10/2026
MEDIA PRESS RELEASE : 🤵
ISA ARESTO SA BUY-BUST OPERATION SA INDANG, CAVITE. 🕵️
Inaresto ang isang suspek na kinilala sa alyas na “YASIN,” sa operasyon ng pulisya dahil sa umano’y paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 ng Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) bandang alas- 11:30 ng gabi ng Oktobre 14, 2026, sa Barangay Buna Cerca, Indang, Cavite.
Nagsagawa ng Drugs buy-bust operation ang mga tauhan ng Indang Municipal Police Station nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pakakakumpiska ng mga sachet na naglalaman ng
pinatuyong dahon ng ma*****na.
Ang operasyon at imbentaryo ng mga nasamsam ay sinaksihan ng isang Barangay Councilor ng Barangay Buna Cerca, Indang, Cavite at isang kinatawan ng media.
Kasunod ng pag-aresto, ang suspek ay pinaalam sa kanya ang mga karapatan sa konstitusyon sa ilalim ng Miranda Doctrine at binigyan din ng Anti-Torture Warning sa Tagalog. Hiniling sa suspek na pagtibayin ang kanilang pag-unawa sa mga karapatang ipinaliwanag sa kanila.
Balitang hatid ni EDWIN IRINCO KUYA EDD ng UGNAYAN BAYAN INTERNET TELEVISION BROADCATING ang Himpilang Makatotohanan, MAKA-DIYOS, MAKA-BAYAN, Balitang online.
15/10/2026
MEDIA PRESS RELEASE: 🤵
ISA BABAE ARESTADO SA DRUGS BUYBUST OPERATION NG TAGAYTAY PNP.🕵️
Nagsagawa ng Buy-bust operation ang Intel Operatives ng Tagaytay Component City Police Station sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency 4A sa Brgy. Patutong Malaki South, Tagaytay City, Cavite.
Batay sa Ulat, Oktobre 14, 2026, sa ganap na 7:15 ng gabi nang magsagawa ng Buy-Bust operation ang mga elemento ng Tagaytay CCPS Drug Enforcement Unit (DEU) na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang babae kinilala sa alyas na "CATH". Nakumpiska sa kanya ang tatlong pirasong maliit na transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakalagay sa transparent na pitaka, kumpiskado din ang isang infinix na cellphone na ginamit diumano sa iligal na transaction. nabawi din sa suspect ang limang daang peso na ginamit bilang buy-bust money
Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng Tagaytay CCPS ang naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa pagproseso at dokumentasyon bago ang pagsasampa ng kaukulang kaso para sa paglabag sa RA 9165 na kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022.
Balitang hatid ni Edwin "KUYA EDD Irinco ng Ugnayan Bayan
UB INTERNET TV BROADCATING ANG HIMPILANG MAKATOTOHANAN, MAKA-DIYOS, MAKA-BAYAN, BALITANG ONLINE.
15/10/2026
MEDIA PRESS RELEASE :🤵
1 TIMBOG SA ISINAGAWANG BUY-BUST OPERATION SA TRECE MARTIRES CITY! 🕵️
Arestado ang isang lalaki suspect sa illegal na droga matapos mag kasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Trece Martires PNP sa pamumuno ni PLTCOL BRYIAND MERINO, Chief of Police nitong alas- 4:55 ng hapon, Oktubre 13, 2026. Ayon sa ulat ang nasabing suspek ay residente ng Barangay Hugo Perez, Trece Martires City, Cavite ay nahuli sa aktong pag bebenta ng hinihinalang droga sa isang poseur buyer. Nasamsam sa suspek ang sachet na hinihinalang SHABU at pera na ginamit buy bust money.
Sa kasalukuyan, ang suspek ay nakadetine sa himpilan ng Trece Martires PNP at nahaharap sa kasong Viol of Sec 5, Art II of RA 9165.
Balitang hatid ni
KUYA JOEY AVELINO ng
UGNAYAN BAYAN INTERNET TELEVISION BROADCATING ang Himpilang Makatotohanan, MAKA-DIYOS, MAKA-BAYAN, Balitang online.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Mindanao Street
Cavite
4117
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when UB i-Tv Broadcasting posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.