Coach Jaf
28/05/2026
Kapag malinaw ang dahilan mo, kakayanin mo.
Hindi araw-araw magiging madali ang buhay.
May mga pagkakataong mapapagod ka, madidiscourage,
at maiisip mong tumigil na lang.
Pero kapag malinaw sa’yo kung bakit mo ginagawa ang isang bagay,
mas nagiging matatag ka kahit mahirap ang proseso.
Kapag alam mo yung dahilan mo
para sa pamilya,
para sa pangarap,
para sa future na gusto mong mabuo
mas nagkakaroon ka ng lakas na magpatuloy kahit ilang beses kang mapagod.
Kasi hindi naman lahat ng laban kayang tapusin ng sipag lang.
Minsan,
yung “why” mo talaga ang magpapaalala sa’yo kung bakit hindi ka pwedeng sumuko.
Hindi man mabilis ang progress minsan,
basta malinaw ang dahilan mo,
kakayanin mong lampasan yung mga challenges na darating.
Step by step lang hanggang makarating ka rin sa buhay na matagal mong ipinagdarasal.
25/05/2026
May mga pangarap na sinusubok muna bago ibigay.
Minsan tinatanong natin kung bakit ang tagal dumating ng mga bagay na ipinagdarasal natin.
Bakit kailangan pang dumaan sa hirap,
pagod,
at maraming disappointments bago natin marating yung gusto nating buhay.
Pero minsan,
hindi naman ibig sabihin na hindi para sa’yo ang pangarap mo.
Maaaring hinahanda ka lang muna para maging mas matatag,
mas mature,
at mas handa sa responsibilidad na kasama ng success na hinihiling mo.
Kasi may mga bagay na hindi basta ibinibigay agad.
May mga pangarap na sinusubok muna kung gaano mo talaga kagusto at kung kaya mo bang panindigan kahit mahirap na yung proseso.
Kaya kung nasa phase ka ngayon na puro challenge at paghihintay,
huwag kang mawalan ng pag-asa.
Baka hindi ka dini-deny
hinahanda ka lang para sa mas magandang bagay na darating sa tamang panahon.
22/05/2026
Hindi sapat ang plano kung wala kang consistency.
Maraming tao ang magaling magsimula.
Madaming plano, madaming goals, at sobrang ganado sa umpisa.
Pero habang tumatagal,
unti-unting nawawala yung sipag kapag nahihirapan na o kapag hindi agad nakikita yung resulta.
Ang totoo,
hindi naman plano lang ang magpapabago ng buhay mo.
Kahit gaano kaganda ang ideas mo,
kung hindi mo naman kayang panindigan araw-araw,
mananatili lang din siyang pangarap.
Mas mahalaga pa rin yung consistency.
Yung kahit pagod ka,
may ginagawa ka pa rin para sa goals mo.
Yung kahit mabagal ang progress,
hindi ka tumitigil.
Kasi doon nabubuo ang totoong growth at resulta na gusto mong maabot.
Hindi mo kailangang maging perfect araw-araw.
Ang importante,
tuloy ka lang at hindi sumusuko sa mga bagay na mahalaga para sa future mo.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Cavite