Chronikaz
25/09/2025
EPEKTIBONG OPERASYON NG EPD NAGRESULTA SA PAGKUMPISKA NG MAHIGIT PHP105K HALAGA NG SHABU
Alinsunod sa mahusay na pamamalakad ni PLTGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR., Acting Chief ng Philippine National Police, at ni PMGEN ANTHONY A ABERIN, RD, NCRPO, matagumpay na isinagawa ng Eastern Police District (EPD) sa pamamagitan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang isang buy-bust operation sa Pasig City noong Setyembre 23, 2025 na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang drug personality.
Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng DDEU-EPD bandang alas-8:00 ng gabi sa Brgy. Sto Tomas, Pasig City kung saan naaresto ang suspek na si alyas “Jun”, 31 taong gulang, at residente ng nasabing lugar. Nasamsam mula sa kanyang pag-iingat ang tatlong (3) heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 15.55 gramo at may kabuuang Standard Drug Price (SDP) na Php105,740.00.
Isasampa laban sa suspek ang kasong paglabag sa Sec. 5 (Selling of Dangerous Drugs) at Sec. 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”
Ipinahayag ni PBGEN ADEN T LAGRADANTE, District Director ng Eastern Police District, ang kanyang papuri sa mga operatiba sa matagumpay na operasyon. Aniya, “Pinupuri natin ang mabilis at mahusay na aksyon ng ating mga kapulisan na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang drug suspect at pagkakasamsam ng malaking halaga ng ilegal na droga. Ang tagumpay na ito ay patunay ng ating walang humpay na laban upang sugpuin ang kalakalan ng droga at tiyakin ang kaligtasan sa ating komunidad. Ipinapangako namin na ang EPD ay patuloy na magpapatupad ng batas na walang takot at walang pinipili.”
Ang matagumpay na operasyong ito ay muling nagpapatunay ng dedikasyon ng EPD sa pagpapatibay ng kapayapaan at kaayusan sa buong Metro East. # # #
Pilipinas
BYERNES NA LIWAT! TGIF
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Canlapwas Purok/2
Catbalogan
6700