The Stance Publication
01/06/2026
DIWA NG BAYANIHAN, NAMAYANI SA PAGBUBUKAS NG BRIGADA ESKWELA SA MNHS
Nakibahagi ang iba’t ibang internal at external stakeholders ng Magsaysay National High School sa pormal na pagbubukas ng Brigada Eskwela ngayonh araw bilang bahagi ng paghahanda ng pasilidad at kapaligiran ng paaralan bago ang pormal na pagbubukas ng klase.
Ang nasabing aktibidad ay opisyal na pinangunahan ni Guia Salinillas, faculty president at nilahukan ng iba’t ibang sektor ng komunidad na nagkaisa para sa iisang layunin sa paaralan.
Nakiisa rin sa malawakang paglilinis at pagsasaayos ng paaralan ang mga kinatawan ng DOLE TUPAD Program na nagpaabot ng kanilang tulong at serbisyo upang mapaganda at mapalinis ang eskwelahan.
Bukod sa mga g**o at kawani, naging aktibo rin sa pagboboluntaryo at pagtulong sa mga gawain ang mga opisyales ng Supreme Secondary Learners Government (SSLG) upang maging mabilis at maayos na pagsasagawa ng mga gawain sa unang araw ng aktibidad.
Sa panayam ng The Stance Publication, ibinahagi ni Zion Glomar, pangulo ng SSLG, ang kanyang pasasalamat at dedikasyon sa gawaing bayanihan.
“Lubos akong nagpapasalamat dahil sa pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa ay naging matagumpay ang aktibidad. Kaya bilang SSLG President, patuloy kaming tutulong sa mga susunod pang araw ng paglilinis na sana ay maging matagumpay pa rin,” pahayag ni Glomar.
Sa ngalan naman ng bagong Punong-Guro ng MNHS na si Luisito Mendez, nagbigay ng mensahe si Marites Estabaya, na sinabing ang tagumpay ng pagbubukas ng brigada eskwela ay dulot ng sama-samang pagsisikap ng lahat.
“Matagumpay na naisagawa ang pagbubukas ng Brigada Eskwela dahil sa tulong ng lahat ng dumalong mga magulang, mag-aaral, mga opisyal ng barangay, at mga kapulisan,” ani Estabaya.
Idinagdag pa niya na naging napakaganda at maayos ang naging daloy ng buong programa at aktibidad dahil sa aktibong pakikilahok at pakikipagtulungan ng bawat kalahok mula sa simula hanggang sa pagtatapos ng gawain.
Kasama ni Estabaya sa mga nagparating ng kani-kanilang mensahe ng suporta at paghihikayat para sa gawain ng paaralan sina Sangguniang Kabataan Chairwoman Patrice Ann Candano, Kagawad Felipa Perillo, at Patrolman Joseph S. Pardiñas na kumatawan sa R-PSB.
✍️Suhyeon B. Kim
📸Ma’am Tes
08/05/2026
😅
MILLENNIAL VS GEN Z
Whether you’re a Millennial who appreciates a professional call to service or a Gen Z who wants to slay for a cause... we want YOU! ✨
Magsaysay National High School is still looking for passionate volunteers for our ARAL Summer Remediation Program 2026. Different vibes, same mission: making sure no student gets left behind.
Message us now...
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Website
Address
Capalonga
4607