RBN Digital
26/06/2026
𝗡𝗘𝗪𝗦 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘: Dalawa sa limang suspek sa Robbery Hold-up at Carnapping sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur ang nahuli na.
Sa ulat, nabawi rin ng mga awtoridad ang tinangay nila na Mitsubishi Montero Sport na pag-aari ng 67 anyos na biktima, na iniwang abandonado sa Barangay Panaytayan, Ragay, Camarines Sur bandang alas-11:30 ng gabi noong Hunyo 25, 2026.
Makalipas ang humigit-kumulang 20 minuto, o bandang alas-11:50 ng gabi, naaresto ng mga operatiba ang dalawang suspek sa Barangay Binahan Upper, Ragay.
Nakuha rin sa kanila ang iba't ibang mga ninakaw na gamit, maging ang ilang mga baril at mga bala na kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad.
Samantala, bandang alas-3:30 ng madaling araw kanina, Hunyo 26, 2026, natagpuan din ng mga pulis na abandonado na ang ikalawang getaway vehicle na isang Toyota Fortuner sa Barangay Liboro, Ragay, Camarines Sur.
Patuloy ang paghahanap sa mga kasamahan ng dalawang nahuling suspek.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Canaman